December 30, 2007

P.I.!

Dalawang araw nakong nakakaramdam ng galit at sakit para sa isang kaibigan at buti na lang talaga, wala akong internet kagabi dahil baka kung anopa ang maisulat ko dito... Tangina talaga! Nanggagalaite na naman ako sa galit. Kagabi pa ako naluluha sa galit at wala akong mapagbuntungan kundi ang blog na 'to. Shit! Di ko magets ba't ganto ako ka-affected pero na-realize ko rin na kaya ako ganto ka-affected dahil may halong disappointment akong nararamdaman. Shet talaga. I'm sorry. Mahirap lang talagang makarinig ng iyak mula sa kaibigan sa telepono tapos nasa malayo ka at wala kang magagawa, wala kang maiu-offer na solusyon. Siguro kaya ako ganto ka-affected dahil kasabay ko sa paglalakbay ang kaibigan ko at kahit di siya nagsasalita alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon (at pinagdaanan niya noon), at di ko talaga maintindihan kung bakit napakadali lang sa iba na patayin....hay naku, yoko na. Gusto ko nang i-censor sarili ko. Shet talaga, tangina! I just hope people really practice what they preach and I would really really REALLY like to believe that the intentions are sincere and not to protect their own selfish interests! Shit! I love you Yano for your first hit single! PI ka Poncio Pilato! Nasan ka "humanity" and forgiveness? Tama na. Tama na...

December 26, 2007

Random Vacation Thoughts!

  • Dahil sa kangaragan sa mga araw bago ang Pasko, parang di ko maramdaman ang Pasko this year. Sana maka-recover din ako in time for New Year.
  • I realized na kailangan ko talaga ng mga alone mode minsan. Madali akong magsawa. Ayokong masyadong ma-attach.
  • Tuwing umuuwi ako samin, tumatanda ang itsura ng parents ko. Lolo at lola na talaga sila. Nalulungkot ako dun. Sana wag muna silang dapuan ng pang-matandang sakit.
  • Mahirap ang buhay namin sa probinsiya. Walang kotse. Maliit ang bahay. Walang internet connection. Napakasimpleng pamumuhay. Pero bakit walang stress? Bakit napakamasayahin pa rin ng mga tao? Di ba yun naman ang hinahangad nating lahat na pupuntahan kaya tayo nagpapakahirap sa trabaho?
  • Gusto ko na talagang mag-worry. Kasi kailangan ko na talaga ng trabaho next year. Pero as usual, tinatamad na naman ako kahit mag-isip lang ng options. Gusto ko munang mag-relak. Sana di ako mag-kolap.
  • Gusto ko talagang pumunta ng Dakak! Ugh! Natatakot ako sa gastos pero gusto kong pumunta! Dapat last year pa ‘to pero dahil sa pagiging adik sa kaiisip sa isang tao sa Maynila, di ko naasikaso. Ngayon naman, wala nang ganun kaso wala naman akong pera. Argh!
  • Kainis, nasira bisikleta ko. Pagbibisikleta ‘round town ang exercise ko dito e. Kung nakita n’yo You Tube ko, naimmortalized pa pagbibisikleta ko habang kumakanta ng Weezer. Hahaha! Gusto kong bumili ng bago na hindi pambata (binili ko kasi yun para sa pinsan ko) pero napakabigat na sakin ngayon ang magwaldas ng 2 o 3 kiyaw considering na nagagamit ko lang naman siya tuwing bakasyon. Nainis pako kasi wala akong nadalang gym shorts. Breeze walk na lang sana. Hay.
  • In other words, tumaba ako dito. Lang laging ginagawa kundi kain at tulog at nood ng TV at maglaro ng Gameboy at... In less than a week, lumobo ang tiyan ko. Eh dati nang lobo ‘yun e.
  • Nagplano kami ng mga elementary batchmates ko kagabi for our annual reunion. Bakit napakalungkot? Ang konti na lang namin. Kung saan na napupunta ang iba – OFW sa ibang bansa, nagtatrabaho sa ibang bahagi ng Pilipinas at walang pera pang-uwi, ang iba naman meron nang mga asawa’t anak kaya di na pwedeng maki-gimik, atbp. Ang saya dati e.
  • Nami-miss ko rin ang mga high school classmates ko. Kaso nasa kabilang island sila. Kapagod at ang gastos pumunta. Kaya ko naisip ang Dakak kasi a decade ago (a decade ago, ugh!) pumunta kami run. Wala kaming pera nun pero masaya kami. Meron na kaming konting pera ngayon. Siguro naman mas magiging masaya siya.
  • Sana ma-inspire ako at makapag-isip ng mga kwento habang nandito. Kaso masyado akong zen, er, tamad-tamaran mode dito.
  • Sana mabasa ko naman ang mga librong dinala ko dito. Laging nasa sked ko na magbasa pero di ko nasusunod sked e. Pati na rin mga DVDs.

December 23, 2007

Dampa Birthday Dinner!

The day after my birthday, I treated my other friends to dinner in Dampa, Ortigas. Honestly I was nervous because I had no idea how it'll turn out. Aside from the obvious fact that I'm not used to hosting dinner, I also wasn't sure how my friends will interact considering most of them are going to meet each other for the first time. To give you an idea, the people I invited were my provincial friends, my college friends, my Internet friends, my MDAFI classmates who aren't part of Bugaw staff and my ABS-CBN friends. Also, my ABS-CBN friends don't necessarily know each other since they're people I met while working in various TV shows.

Henry told me to relax and in the end, I discovered that I didn't have anything to worry about. My friends got along perfectly well, some even bonding over topics like children and marriage. (Ugh, this is my first birthday wherein my married friends brought their kids. I am really getting old! :D) It also helped that the food was great and we were all hungry.

Here are some of the pictures! (The rest, in my Multiply!) :)

Posing bago kain!



Blowing the candle!



My friends from various shows of Lolo!



Pa-cute with Emman!



College blockmates!

December 22, 2007

December 19, 2007!

Sa aking ika-28 na kaarawan, nag-shooting muna ako ng Bugaw sa umaga. Naging clapper, service driver, art department member at "construction worker" all for the love of Mamaaah! :) Ni-return ko rin ang love ng mga classmates ko sakin. Ako na ang nagbayad ng catering services ni Ate Inday pagkatapos ng shoot para kahit papano, nai-celebrate ko ang birthday ko at nailibre ko naman sila. Sana ay nag-enjoy sila sa munting salu-salo.

Pagkatapos ng shooting, kelangan pang pumunta sa isa pang obligasyon - ang Star Cinema Christmas Party. Di naman ako nagsisi dahil bukod sa nanalo ako ng 1,000 pesos cash prize sa raffle (Monj, update mo ha!), nag-enjoy rin ako sa sayawan kasama ang aking co-scholars na tinuturing ko na ring mga matalik na kaibigan.

Kung sino man ang nagsabing di enjoy ang birthday pag walang pera, mali sila. Basta't kasama mo lang ang mga taong malapit sa 'yong puso ay ayos na.

I love you guys! :)

Mas marami sa Multiply ko pero heto ang ilan sa mga pictures.

Hapiberdi to me!


Sarap ng bibingka ni Inday!



Ganda ng ngiti ni Monica!



Zen jump!



Zumi-zirkoh!

Open House!

Nag-open house ang school namin last December 18. Me thanksgiving mass, musical performance ng Kontragapi, dinner party at film screenings ng Endo (starring our very own Rina) and other student films. Andaming who's who na dumating. (Sa totoo lang, kating kati akong magpa-picture kay Raymund Red kaso bigla akong tinablan ng hiya. Haha!) Pero kaming mga "lungkatu", me sariling mundo. Kodakan lang sa tabi.

Heto ang ilan sa mga pictures. :) (Mas marami sa I, Multiply!)

Iggy & Jell sa reception area


Cesarina loveteam!



Kahit pagod, kodakan pa rin ang mga lungkatu!:)

December 21, 2007

Ang Pagsubok!

Sino ba naman ang makapaniwalang nag-bida ako sa short ni Danna last Sunday! "Ang Pagsubok" ang title ng short at parang pagsubok rin sa akin ang pag-arte. Haha! Sabi ni Henry, nominated na kami ni Monjam sa Razzies for Worst Actor of the Year! Hahaha! Pasensiya na Danna ha! :)

Pero kahit mahirap umarte sa harap ng kamera, oo na, di na ako magpapakaplastik, enjoy maging bida! :)

Heto ang ilan sa mga pictures na kuha sa mga camera nina Au-Au at Winnie!

Ang hirap tingnan ang sarili sa monitor!


Ang bida (ako! haha!) at ang kontrabida!



Camwhore habang break!



Mas maraming letrato sa I, Multiply! :)

December 20, 2007

Christmas Dinner with College Friends!

Had some sort of mini-reunion with my college blockmates last Saturday night. We met for an early Christmas dinner in a resto in Serendra, The Fort. (Sorry, I can't remember the resto's name! T'was my first time there you see! Hehe! :P). After dinner we went to Gen's condo in Makati to eat dessert and continue making "chika". Too bad I had to leave early because of an early morning call time for a shoot. (Later the shoot got packed up because the director and the AD arrived late. UGH!)

Our reunion may be brief but it was an enjoyable evening nonetheless. I'm already looking forward to meeting you again, girl friends! Hehe :)

Here are some of the pictures.


Juvy, Rose, Ros & Gen!


Juvy & I!


Dessert in Gen's condo!

More pictures in my Multiply account!

Ericsson!

Here are some of the pictures from the shooting of my first short exercise "Ericsson". Thanks Ella, Au-Au and Winnie for the pics and thanks everyone for the memories! :)


Preparing the first scene


Only the best for my Video Assist and Camera!


The slate!


Ella cries!


It's A Wrap!

More pics in I, Multiply!

Being!

These are some of my pictures during our our 6-day Intro to Acting Workshop with Direk Laurice Guillen and Sir Johnny Delgado. Even if I'm not an actor, the experience was definitely unforgettable. I now understand "the craft", the importance of "being" and the shooting protocol when it comes to directing actors. More than these though, I rediscovered myself more as I've to dig varied feelings from life's memories. I also discovered a lot about my classmates (that includes our guest classmate Marc Abaya) which I never learned before and consequently, learned to trust them about certain private matters that I normally wouldn't disclose. In a way, the workshop was therapeutic for me and needless to say, it made the class bond stronger.

If you're interested to discover for yourself what I'm talking about, just regularly visit mdafi.com as Direk Laurice and Sir Johnny will offer the full Eric Morris course next year.:)


The class with Direk Laurice and Sir Johnny!

Wrong choice


Revelation si Mamaah dito! :)

More pictures in I, Multiply!

December 19, 2007

I Am 28!

Unlike my past birthdays, steady lang ko this year. Wala kasing moolah. Hehe. Tsaka 'yun na nga, sa dami ng ginagawa sa school (shoots, shoots, shoots!!!), wala nang oras para mag-celebrate. Ewan ko rin pero parang di ko masyadong nafi-feel na birthday ko today. Must be because tumatanda nako o baka pagod lang o baka rin nga dahil madaling araw pa naman. Pero siyempre, kahit walang pera, nagpapasalamat pa rin ko sa Diyos dahil andami pa ring blessings na binigay niya sakin. Andiyan na ang PBB 2, Big Love (di nako maki-credit dahil nag-quit nako at super major revision) and most especially itong Director's Training Program na pinaka-highlight talaga ng 2007 ko. I love you Lord! Pasensiya na kong nakakalimutan kong makipag-usap sa 'yo paminsan-minsan pero mahal talaga kita at lahat ng natatamasa ko ngayon, inu-offer ko sa 'yo.

Inaantok nako kaya di ko alam kung anong gusto kong punto ng entry na 'to. Gusto ko lang magsulat tungkol sa birthday ko bago matulog.

Ah yun pala, mag-isa lang ko sa kwarto at nagi-internet when the clock struck 12. Later, bumaba rin ako para kumain ng chocolate cake na regalo ni CF. Nandun sina Rose at Monj, nagha-heart to heart talk tungkol sa kanilang mga pusong sawi. Mas na-realized ko lalo na napaka-blessed ko upon seeing them. Hahahahaha. Joke lang Monj & Rose! Naging sawi rin naman ako (asus, naaalala ko pa mga emo moments ko last year and early this year) pero siguro, natutuwa lang ako na ngayong 28 nako, parang I find contentment na when it comes to matters of the heart. Di na ko naghahanap ng nyowa. At peace nako sa sarili ko. Diyan pa lang, maligaya nako.

Inaantok na talaga ko. Can't wait to see what's going to happen for the rest of the day. Basta pag nakita n'yo ako, wag kayong sumigaw pag bumati ng happy birthday. Alam kong bulgar akong tao pero believe it or not, naaasiwa ako pag lahat ng mga tao nakatutok sakin. O di kaya lahat ng tao, mabait sakin. Haha. Weird talaga ako. :)

Ayt. Period na.

December 14, 2007

Thanks Team Ericsson!

Thank you guys! :) Words can't fully express the gratitude that I feel for all of you. Actually, hanggang ngayon, parang bangag pa rin ako. I still can't believe I'm already done and did it without major problems, and it's all because of you. (Parang kanta ng U2! Hehe :D) My friend Rose, who was also very selfless to go just to be talent, later told me na ambabait ng mga classmates ko. Of course I know that already but experiencing the goodness incessantly just makes me teary-eyed. I feel so blessed to be in this program with you.

Sigh! :) I'm already looking forward to the next shoots!

December 10, 2007

AD!

Yey! :) I'm done with my 2 assistant director jobs for our first short exercise. I assisted Direk Nick for "Waiting" and Miss V for "Red Sneakers" (yep, that's the real title of her short according to her.) Both of them finished their shoot on time which makes me more nervous. I mean, I worked as AD in shorts that did not exceed allotted shooting time of 4 hours, but what if I can't finish shooting my short within 4 hours? Ugh! Friends, please pray for me!

Right now, I'm trying to focus myself for my shoot on the 13th (I still need crowd talents. Text me please, if you're free! :D). On the 14th and 16th naman, I'm going to act for Dan and Danna's shorts (I need a separate prayer from you friends for these two! Hehe). Hopefully, it's vacation already after that!

Anyway, here are some of my pictures during the two shoots. Thanks to Mathieu duuuude and Mariami duuuudette for the pics! :)

Red Sneakers cast & crew


Duuude!



Miss Ina, ito po ang mangyayari..


More pictures in I Multiply!

December 06, 2007

Eyeball!

Flirtation drill. Line of vision. X blocking. No artificial lights. No sounds. No camera movement. Artificial location. Limited shooting time. Not more than 6 set-ups. Newbie cast and crew. Star Cinema. Tiffany. Cheezy. Squeezy. =)

Super thanks to Dess of Advance Class for editing!

December 04, 2007

Help!

Oist, are you free on December 13? I need help for an exercise I'll be doing for class. I need crowd talents. If you're free and willing, kindly send me a message . Please! :) The more, the "many-er"! Hehe.

Thanks.

November 28, 2007

Salamat, Sobra!

Hay salamat at nairaos ko rin ang first directing drill ko! Marami pang dapat matutunan pero sobra-sobrang satisfying sakin ang nangyari last Tuesday. Masaya ako, period. :)

Sobrang late na ang debriefing kaya di ko na napasalamatan lahat ng naging dahilan ng pagiging masaya ko kaya dito na lang ako magti-thank you kina...

HENRY, magaling kang AD! Laking tulong na tinulungan mo ako sa visual composition at spatial IQ. Thank you at kahit nagkasakit ka, go ka pa rin para lang maging AD ko. :)

NEWT, gusto ko ang pagiging ngarag mo na PD! I truly really like it (hehe) that you took the initiative to text me constantly regarding your concerns with the production design. Magaling ka, okay? :)

ARAH! I doubt if my shoot will be that smooth if you didn't have the "eye". You were nervous before the shoot pero hindi ako nininerbiyos for you kasi naniniwala talaga ako na you'll be a good DOP. :)

My actors YAM and ALAN, thank you for collaborating with me with regard your characters' emotions and back-stories. I believe in your acting skills sobra kaya ko kayo kinuha and you didn't let me down. YAM, don't worry about that X blocking thing. I still trust you and as you have noticed naman siguro, palagi kitang pinapa-comment sa bawat sinasubmit ko sa class kasi bilib talaga ako sa 'yo! (Awww, mean girl!)

I'm also very overwhelmed na andaming gustong maging members ng art department ko. DADO and MONJAM, alam kong pinilit ko lang kayo but really, thank you for all your inputs and for helping me with my mis-en-scene. Mean Girl #1 and Penguin, I truly really (haha) appreciate it. ISSA and MATH, thank you for being able set men. Anlaki nang itinulong n'yo sa pagdagdag ng depth of field with your ingenious recycling of props. Sobra! Siyempre, thank you to DANNA who generously helped NEWT from the start as if she's also my production designer. Words can't express my sobrang gratitude.

Ano ba, para akong nasa awards night...Hahaha!

Moving on....

NICK, sobrang pasasalamat ko sa 'yo kasi alam kong inambush lang kita para maging script con because Ina went to Nantes and yet, tinanggap mo agad without hesitation. Napaka-kalmado mong script con, di ko kaya 'yun! Hehe :)

Thank you to my grips, my co-director that day G and SIR ENRICO! G, thanks for the pechay sounds and the cool aura. Dumikit siya sakin that night and nakita mo naman na I'm less ngarag than usual. We did it, yeah! XOXO! :)

RONI & PABLO, thank you for being PDA enough to be my talents. Stunt casting 'yun! Directors ng critically acclaimed Inang Yaya at MALING AKALA, talents ko?!? San ka pa?! =)

DAN, the laptop guy, salamat! Kahit na wala akong pasalubong na film book okay lang. At least di ka late for my drill at magaling ka sa laptop! Haha! Peace, dude! :) Thank you na rin sa clapper kong si FRANCIS! :)

Hindi ko sila classmates at housemates ko lang sila pero salamat kina MICHIKO at ROSE sa pakikinig at pagbibigay sakin ng ideas for the drill. The "blind" twist was originally Michiko's kaya dapat lang na i-credit ko siya. Di pa tapos ang pangangarag ko sa inyo okay? :) Hehe.

And thank you DIREK MARILOU! Andami ko talagang natutunan sa inyo. Sobra sobra! You continually inspire and challenge me to be good, if not better. I'm feeling so blessed right now to have you as my teacher. :)

----

Of course co-bloggers, this doesn't mean that the end product is or will be good. Dess of Advance Class is currently editing it and I'm still feeling frustrated that I don't have close-up shots of my actors during their final "love" scene" for lack of time. There might also be some "saliwa" LOV (might!) and I'm also not sure about the cadence and clarity of the short. Pero hello, it's only my first time to call a shot and three months pa lang ako sa film school, give me some leeway naman! Hehe! :)

Isa pa palang petty thing that frustrated me, lahat ng camwhores ay member ng staff ko kaya wala akong pictures sa drill. :( Buti na lang may mga nakuhang konti si Math. 'Yun na lang muna ang isishare ko sa inyo. :)

I think I'm explaining my shot to Arah here

Motivating Alan

Pinaka-remembrance ko na nakapag-call na ako ng shot ang clapper ID!:)

The not-so bulag bulag =)

DOP Mamaaaa!

Directing the love scene!

Alan from Alaska!

Sumisilip ang Art Dept!

November 25, 2007

Amazing Race Asia 2!

Just showing my support to the two Philippine teams in the second season of Amazing Race Asia... G0 Teams Philippines! :)


Marc & Rovilson


Terri & Henry

Terri is such a character! She should join PBB. :)

You may catch Amazing Race Asia 2 on AXN at these times -
Saturday 11pm, Sunday 11am & 8pm, Tuesday 8pm, Thursday 12am & 9pm, Friday 12pm.

November 21, 2007

Wishlist 2007!

Kinukulit na kasi ako ng mga housemates ko na ilagay ang wishlist ko para makapag-shopping na sila kaya sige na nga! :) Pero para sa iba, sa totoo lang okay nako na batiin n'yo lang ako sa text ng Merry Christmas at Happy New Year sa mga araw na 'yun mismo. Mata-touched na ko dun. Kailangan kong sabihin 'yun kasi baka ganun lang din gawin ko sa inyo kasi la akong pera. Hahaha. Jobless po since June! :) Seriously, totoo 'yun! Kahit generic text, sobrang appreciated ko na 'yun! :)

Pero para kina Michiko at Rose, good luck! Hehehehe....:)

1. Keds Shoes (white, size 9 ½)
2. Vans Shoes (dark green with skull print, size 9 ½)
3. Chuck Taylor Shoes (black, hi-cut, size 9)
4. Original PBB Celebrity Edition DVD
5. Original PBB Teen Edition DVD
6. Original PBB Season 2 DVD
7. Nike Socks (white, size 9 ½)
8. Sando (medium size, pambahay o pang-beach)
9. Gym Shirt (medium size, no loud print)
10. Gym Shorts (waist size 32”, no loud print)
11. Beach/Surf Shorts (waist size 32”)
12. Photo Album (for 4R pictures)
13. Black Leather Wallet
14. Car Seat Pillow
15. Body Scrub gift certificate
16. CD Wallet
17. My Chemical Romance “The Black Parade” CD (original)
18. Lacoste T-Shirt (medium size, plain color)
19. Avid Editing Software
20. DVDs (original or pirated) of any of the following:
  • Blade Runner (Director: Ridley Scott)
  • Bonnie and Clyde (Director: Arthur Penn)
  • Chungking Express (Director: Wong Kar Wai)
  • Double Indemnity (Director: Billy Wilder)
  • Drunken Master II (Directors: Chia-Liang Lu and Jackie Chan)
  • 8 ½ (Director: Federico Fellini)
  • The Fly (Director: David Cronenberg)
  • The Godfather 2 (Director: Francis Ford Coppola)
  • Goodfellas (Director: Martin Scorcese)
  • It’s A Wonderful Life (Director: Frank Capra)
  • Miller’s Crossing (Directors: Joel and Ethan Coen)
  • The Purple Rose of Cairo (Director: Woody Allen)
  • Raging Bull (Director: Martin Scorcese)
  • The Searchers (Director: John Ford)
  • Singin’ In The Rain (Director: Stanley Donen, Gene Kelly)
  • Some Like It Hot (Director: Billy Wilder)
  • Seven Samurai (Director: Akira Kurosawa)
  • Tsotsi (Director: Gavin Hood)
  • The Sea Inside/Mar Adentro (Director: Alejandro Amenabar)
  • The Barbarian Invasions/Les Invasions Barbares (Director: Denys Arcand)
  • All About My Mother/Todo Sobre Mi Madre (Director: Pedro Almodovar)
  • Cinema Paradiso (Director: Guissepe Tornatore)
  • Fanny and Alexander (Director: Ingmar Bergman)
  • Rosetta (Directors: Luc and Jean-Pierre Dardenne)
  • The Sweet Hereafter (Director: Atom Egoyan)
  • Million Dollar Baby (Director: Clint Eastwood)
  • Letters From Iwo Jima (Director: Clint Eastwood)
  • Whale Rider (Director: Niki Caro)
  • Closely Watched Trains (Director: Jiri Menzel)
  • The Crime of Monsieur Lange (Director: Jean Renoir)
  • The Discreet Charm of Bourgeoisie (Director: Luis Bunuel)
  • The Lives of Others (Director: Florian Henckel Von Donnersmarck)
  • Nowhere in Africa/Nirgendwo in Afrika (Director: Caroline Link)
  • 4 Months, 3 Weeks, 2 Days (Director: Cristian Mungiu)
  • The Child/L’enfant (Directors: Luc and Jean-Pierre Dardenne)
  • The Son’s Room/La Stanza del Figlio (Director: Nanni Moretti)
  • Eternity and A Day (Director: Theo Angelopolous)
  • The Eel (Director: Shohei Imamura)
  • Taste of Cherry (Director: Abbas Kiarostami)
  • The Mourning Forest (Director: Naomi Kawase)
  • Flanders (Director: Bruno Dumont)
  • Oldboy (Director: Park Chan-Wook)
  • Uzak (Director: Nuri Bilge Ceylan)
  • Devils On The Doorstep (Director: Jiang Wen)
  • Humanite (Director: Bruno Dumont)
  • Paradise Now (Director: Hany Abu-Assad)
  • Eastern Promises (Director: David Cronenberg)
  • Bella (Director: Alejandro Gomez Monteverde)
  • Hotel Rwanda (Director: Terry George)
  • The Hanging Garden (Director: Thom Fitzgerald)
  • Sanxia Haoren (Director: Zhang Ke Jia)
  • The Return/Vozrashcheniye (Director: Andrei Zvyagintzev)
  • Monsoon Wedding (Director: Mira Nair)
  • The Circle (Director: Jafar Panahi)
  • Not One Less (Director: Zhang Yimou)
  • Cosi Ridevano (Director: Gianni Amelio)
  • Fireworks/Hana-bi (Director: Takeshi Kitano)
  • Hairspray (Director: Adam Shankman)

Dancing in Katips!

Sana may drill lagi si Sir Enrico para may libreng dinner all the time! Hehehe! Ang sarap ng food at ang sarap sumayaw sa Katips! (See video below, nyahaha!) O baka epekto lang ng acting workshop, nagiging walang hiya kami sa pagsayaw at pagkain!

Salamat Sir Enrico sa libre! At salamat kina Danna at Issa sa mga pictures! :)


Kapal ng mukha ko, di nabu-blur! Nyahaha!


Mga biktima ko sa Scary Questions exercise sa workshop! Hehe! :)


Thank you, ECS! =)

And now, the video.... (Wahahahaha! :D)



Sana pala Papaya na lang ang sinayaw namin tapos isinali namin sa contest sa Game Ka Na Ba. Baka manalo pa kami ng cash prize!

November 11, 2007

3's!

Nakuha ko na birthday at christmas gift ko sa sarili ko kanina kaya nagulo ang schedule ko. (Lord, bigyan n'yo naman po ako ng inspirasyon para makaisip ng konsepto sa drill please!). 2nd hand lang s'ya pero una ko kaya ewan ko agitated ako (sorry to copy Mariami and sorry kay Nonie na pet peeve ang mga blog entries tungkol sa tsikot.) Ginawa ko hapon hanggang gabi, road trip lang mula QC hanggang MOA balik QC kasama si Honey, yung childhood friend ko na kabababa lang ng bundok (geologist po s'ya.) Ang resulta hayun, nabangga ako (laki ng dent sa harap, argh!) at nahuli ako (taena mo mapangabusong pulis! pero salamat na rin at may mapaghuhugutan na ko sa "rage" exercise, argh!). Sabi nila it comes in 3's. Well, wala kaming garahe at nakatira kami malapit sa squatters area, kaya di na ko magtataka kung wala na ang mga side mirror bukas.

Feeling blessed pako sa lagay na to ha! :)

November 10, 2007

Acting 101!

So ganun pala 'yun. Ang mag-acting workshop. Sa totoo lang, maarte ako dati nung high school. Nag-audition pako sa isang musical play "Fiddler on the Roof" sa university at nakuha naman bilang isa sa mga villagers ("Tradition! Tradition!"). Na-realized ko rin eventually na mas gusto kong magtrabaho sa likod lang. Siguro dahil wala na ring pag-asa ang boses kong babae. At naging jaded nako.

First time kong bumalik ulit sa ganun kahapon. Actually first time ko ring mag-acting workshop. Grabe nininerbiyos ako nung una. Pero HUWAW! Kakaibang high! Lang panama ang juts! Mahaba nga lang ang buwelo ko. Gusto ko yung verbal admission exercises sa simula pero medyo nawindang ako pagdating sa "rage" at "silly" exercises. Pero nakapag-fully "jump" na rin finally nung nag-"vulnerability" exercise at ang lalim na ng "tinalon" ko sa "ego" exercise. After nun, yoko nang matapos ang workshop. Kasi me tama na ko e. Haha! Bigla ko tuloy na-channel ang energy ko sa videoke session namin ng college classmates ko (Happy Birthday Ros!:D) at namamaos pa rin ako ngayon. Di pa nga ako makatulog e. I still feel restless. Whew! :)

I still don't think acting is the career I'm going to pursue but definitely I'm looking forward to the next session with Direk Laurice & Sir Johnny because aside from the obvious reason why we film directing students take it, acting workshops are also therapeutic and cathartic! Dun pa lang okay nako.

Medyo surreal lang pala nung start because Marc Abaya of Kjwan joined us. Fan ako ng taong 'yun e! :)

November 06, 2007

Nerbiyos!

'Yan ang predominant emotion na nararamdaman ko ngayon.

Nininerbiyos ako dahil turn ko na para mag-drill sa klase. Ang nakakabaliw, line of vision, X blocking drill pa. Huwaw!

Nininerbiyos ako dahil wala pa akong maisip na eksena para sa drill na 'yun. Ang konsepto ay ang salitang "interrogation". Short scene lang dapat with minimal movement at more or less 6 camera set-ups. May idea ba kayo diyan?

Nininerbiyos ako sa acting workshop na mangyayari sa Sabado. Sana wala akong gawin na ikakahiya ko later on. Haha!

Nininerbiyos ako kung anong magiging feedback ni Direk sa revised script ko sa gagawin naming short. Nininerbiyos rin ako kung kaya ko siyang i-shoot sa allotted shooting time na 4 hours. Gudlak!

Nininerbiyos ako dahil bibili ako ng second-hand na kotse considering na wala akong regular na trabaho ngayon. Makukuha ko na siya this weekend. Mapapanindigan ko kaya?

Nininerbiyos ako dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na wala akong regular na trabaho at therefore, walang regular na kita. Haaay...

Nininerbiyos ako dahil balak kong mag-apply bilang instructor sa ilang colleges para naman kumita kahit konti. Sana magkaroon na ako ng guts to apply at sana matanggap ako.

Nininerbiyos ako sa script feedback meeting para sa "big" movie bukas. Sa totoo lang, matagal na siyang wala sa sistema ko at ayoko na. Hindi na siya healthy para sakin. Di ko pa alam ang gagawin.

Tama na.:)

November 05, 2007

Amazing Race 12!

My other favorite reality show is back with its 12th installment and I'm back to doing my predictions as well. :) Based on gut feel and editing, I think any of these two teams will win the race.

Lorena & Jason

Nathan & Jennifer

Tingnan natin! :)

October 31, 2007

Hail Leung!

Nakakalungkot isipin na ang Hollywood ang nagiging pamantayan sa pag-aaral ng cinema. Mula sa kasaysayan nito hanggang sa usapang aesthetics at kahit sa mga trivial na bagay tulad halimbawa ng pagbibigay listahan ng mga pinakamagaling na pelikula, asahan mo nang naka-ugat ang mga ito sa Hollywood. Tingnan mo na lang, halos lahat ay nag-aasam na manalo ng Oscars na para bang kapag hindi mo ito nakuha, wala kang puwang sa kasaysayan ng cinema.

Well, bwakang chos nila! :D Kahit idikta pa sakin ng mga pahina galing kanluran na ang mga Hollywood actors na 'to ang pinamakagaling sa kasaysayan ng cinema, hindi ako maniniwala sa listahang 'yun kung di kasama si Tony Leung Chiu-Wai! :)

Opo, mababaw lang ang entry na 'to.:) Gusto ko lang sabihin sa inyo na idol ko si Tony Leung at kung di n'yo siya kilala... ano nga ba, um, sana kilalanin n'yo s'ya.:) Panoorin n'yo ang mga pelikula n'ya. 'Yun! Hehe :)

MUST SEE Tony Leung movies!
1. Chungking Express
2. Happy Together
3. In The Mood For Love
4. Hero
5. Infernal Affairs
6. 2046
7. Lust, Caution

October 28, 2007

MDAFI Halloween Party!

Join forces ang advance at basic directing class para sa isang napakasayang, napaka-creepy at napaka-weird na halloween party sa bahay ni Irina Feleo kagabi! Hahaha! Tatlo ang naging trip ng mga tao dun - inuman trip, pechay trip at videoke trip. Tinatanong pa ba kung anong trip ko?! :D

Tomguts!

"Stop, right now..."

Go Basic! We have to win! Haha! :)

Monj & Rafa!

Sinasapian si Mariami!

More pictures in My Multiply!