- Dahil sa kangaragan sa mga araw bago ang Pasko, parang di ko maramdaman ang Pasko this year. Sana maka-recover din ako in time for New Year.
- I realized na kailangan ko talaga ng mga alone mode minsan. Madali akong magsawa. Ayokong masyadong ma-attach.
- Tuwing umuuwi ako samin, tumatanda ang itsura ng parents ko. Lolo at lola na talaga sila. Nalulungkot ako dun. Sana wag muna silang dapuan ng pang-matandang sakit.
- Mahirap ang buhay namin sa probinsiya. Walang kotse. Maliit ang bahay. Walang internet connection. Napakasimpleng pamumuhay. Pero bakit walang stress? Bakit napakamasayahin pa rin ng mga tao? Di ba yun naman ang hinahangad nating lahat na pupuntahan kaya tayo nagpapakahirap sa trabaho?
- Gusto ko na talagang mag-worry. Kasi kailangan ko na talaga ng trabaho next year. Pero as usual, tinatamad na naman ako kahit mag-isip lang ng options. Gusto ko munang mag-relak. Sana di ako mag-kolap.
- Gusto ko talagang pumunta ng Dakak! Ugh! Natatakot ako sa gastos pero gusto kong pumunta! Dapat last year pa ‘to pero dahil sa pagiging adik sa kaiisip sa isang tao sa Maynila, di ko naasikaso. Ngayon naman, wala nang ganun kaso wala naman akong pera. Argh!
- Kainis, nasira bisikleta ko. Pagbibisikleta ‘round town ang exercise ko dito e. Kung nakita n’yo You Tube ko, naimmortalized pa pagbibisikleta ko habang kumakanta ng Weezer. Hahaha! Gusto kong bumili ng bago na hindi pambata (binili ko kasi yun para sa pinsan ko) pero napakabigat na sakin ngayon ang magwaldas ng 2 o 3 kiyaw considering na nagagamit ko lang naman siya tuwing bakasyon. Nainis pako kasi wala akong nadalang gym shorts. Breeze walk na lang sana. Hay.
- In other words, tumaba ako dito. Lang laging ginagawa kundi kain at tulog at nood ng TV at maglaro ng Gameboy at... In less than a week, lumobo ang tiyan ko. Eh dati nang lobo ‘yun e.
- Nagplano kami ng mga elementary batchmates ko kagabi for our annual reunion. Bakit napakalungkot? Ang konti na lang namin. Kung saan na napupunta ang iba – OFW sa ibang bansa, nagtatrabaho sa ibang bahagi ng Pilipinas at walang pera pang-uwi, ang iba naman meron nang mga asawa’t anak kaya di na pwedeng maki-gimik, atbp. Ang saya dati e.
- Nami-miss ko rin ang mga high school classmates ko. Kaso nasa kabilang island sila. Kapagod at ang gastos pumunta. Kaya ko naisip ang Dakak kasi a decade ago (a decade ago, ugh!) pumunta kami run. Wala kaming pera nun pero masaya kami. Meron na kaming konting pera ngayon. Siguro naman mas magiging masaya siya.
- Sana ma-inspire ako at makapag-isip ng mga kwento habang nandito. Kaso masyado akong zen, er, tamad-tamaran mode dito.
- Sana mabasa ko naman ang mga librong dinala ko dito. Laging nasa sked ko na magbasa pero di ko nasusunod sked e. Pati na rin mga DVDs.
December 26, 2007
Random Vacation Thoughts!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment