November 10, 2007

Acting 101!

So ganun pala 'yun. Ang mag-acting workshop. Sa totoo lang, maarte ako dati nung high school. Nag-audition pako sa isang musical play "Fiddler on the Roof" sa university at nakuha naman bilang isa sa mga villagers ("Tradition! Tradition!"). Na-realized ko rin eventually na mas gusto kong magtrabaho sa likod lang. Siguro dahil wala na ring pag-asa ang boses kong babae. At naging jaded nako.

First time kong bumalik ulit sa ganun kahapon. Actually first time ko ring mag-acting workshop. Grabe nininerbiyos ako nung una. Pero HUWAW! Kakaibang high! Lang panama ang juts! Mahaba nga lang ang buwelo ko. Gusto ko yung verbal admission exercises sa simula pero medyo nawindang ako pagdating sa "rage" at "silly" exercises. Pero nakapag-fully "jump" na rin finally nung nag-"vulnerability" exercise at ang lalim na ng "tinalon" ko sa "ego" exercise. After nun, yoko nang matapos ang workshop. Kasi me tama na ko e. Haha! Bigla ko tuloy na-channel ang energy ko sa videoke session namin ng college classmates ko (Happy Birthday Ros!:D) at namamaos pa rin ako ngayon. Di pa nga ako makatulog e. I still feel restless. Whew! :)

I still don't think acting is the career I'm going to pursue but definitely I'm looking forward to the next session with Direk Laurice & Sir Johnny because aside from the obvious reason why we film directing students take it, acting workshops are also therapeutic and cathartic! Dun pa lang okay nako.

Medyo surreal lang pala nung start because Marc Abaya of Kjwan joined us. Fan ako ng taong 'yun e! :)

1 comment:

Anonymous said...

asus! "fan?!" hehe.

hay. gusto ko rin mag-acting workshop! sarap "magwala!"

wtrfwl