Okay na ako. I’ve been going out with my friends here. Marami kasing happening kasi it’s the 1st Handuraw Festival. Sometimes, nararamdaman ko pa rin ang heartache but I think the key here is really moving on and meeting new people. Di nga lang ako masyadong makagalaw dito kasi our town is the town wherein everyone knows everybody. Konting galaw mo, mapupuna ka na agad. Kaya nga relate na relate ako sa song ng Eraserheads na “Shake Yer Head” eh. Ako pa naman. Di ako pwedeng gumawa ng kababalaghan dito (not that I intend to) kasi, humility aside, I think some people look up to me here. Role model po ako. Nakakapanibago. Hehe.
I really really wish work won’t start till the last week of January or better, first week of February. Andami ko pang planong gawin sa bakasyon. I want to go to Dakak next week. Mag-isa. Hehe. 1997 pa ako last nakapunta dun so I don’t know kung ano nang itsura niya. Although hindi pa ako sure kung matutuloy ako kasi nga di ko pa alam kung sino ang kokontakin pero sana nga makapunta ako. I need some alone time sa isang lugar na hopefully walang nakakakilala sa akin. Relax and chill lang talaga. :)
I plan to island hop Visayas din sana kaso parang mas okay na yun pag me kasama ka. Que sera sera muna. Let’s play it by ear pagdating ng 2007.
Pero actually natatakot ako what 2007 will bring to me. Noong 2004, I felt na blessed na ako with work and all pero 2005 topped it pa. Kaya natakot na naman ako sa 2006 pero hayun, the good Lord has been good and blessed me with even more blessings. Tapos na-inlove pa ako, which looking back can be considered a blessing actually. So I don’t know. I don’t want to expect much for 2007. PBB 2 pa lang ang alam kong definite plan for 2007. After that, I don’t know what wil happen next to me. Sana lang talaga magkakaroon ako ng bayag to know and pursue what I really want to do. Sa ngayon kasi, I’m tipong just go with the flow. Forrest Gump, kumbaga, which was a film that unwittingly had a very strong influence with the way I live my life now. Cliché man pero kahit hindi ako ganun ka-religious and spiritual, I’d say I’ll leave everything up to God na lang siguro, kung anong plan niya for me. Sana lang, more than myself, He’ll continually bless my family with good health and financial blessings. We may not be expressive nor have deep communication with each other but I do love them very much and I want them to be happy.
For 2007, I don’t think I will make a wishlist anymore. Pointless rin kasi. Tingnan nyo naman ang nangyari sa wishlist ko last year…
Wishlist 2006
1. DVR
Hindi ako nakabili pero sabagay, I subscribed to SmartBro and figured out na downloading bit torrent files of your favorite TV shows is the way to go!
2. Car
To be honest, kaya ko nang bumili ng 2nd hand o kahit cheapest na brand new pero I am so scared pa to buy kasi baka naman maubos ang laman ng bank account ko. Raraket muna ako sa PBB bago ako magdesisyon. At the same time, walang garage ang apartment namin, kaya di pwede.
3. New but affordable apartment
Well, I hope to look for one again this year kasi kailangan talaga ng may garahe na apartment. Kaso mahirap kasi ayoko rin namang iwan ang mga housemates ko na sina Rose at Mitch. Tapos andyan pa ang bagong housemate naming si Bing. Ayaw ko rin kasing mag-isa lang sa bahay. That’s just so lonely. So ngayon, I’m looking na for a 4BR apartment with garage. Tapos gusto namin sa same or nearby village pa rin. Sana may makatulong sa akin on this one.
4. Trip outside the country, but not an Asian country
Ayoko nang umasa dito kahit sa 2007. It’s either this kasi or the car. :)
5. Lovelife
Que sera sera. :)
Basta siguro ang goal ko lang this year is to do everything with all my heart and my soul; to be focus in achieving my dreams yet not forgetting to have fun once in a while. To sum it up, parang the usual “live life to the fullest in 2007” comes to mind. Hehe! Carpe diem!
I’m scared … sigh…:)
No comments:
Post a Comment