December 04, 2006

Bago!

Hay nami-miss ko na ang blog na 'to. Sa sobrang busy ko kasi sa trabaho parang wala na akong time para mag-isip at magsulat ng ibang bagay. Kaya tuloy palaging walang bagong updates dito. Nakaka-miss rin yung dati. Yung wala akong pera pero in touch naman ako sa feelings ko (Tama ba yun? Haha!). Kita nyo naman siguro sa mga posts ko nung bago pa lang ang blog ko. Emosyonal. May puso. Dramatic.

Siguro gawin ko na lang talagang random thoughts ang ipu-post ko dito. Yaan nang wrong grammar. Yaan nang walang sense. Basta kung anong nararamdaman, post lang ng post. Para lang pang-release ng tensyon, ng kaba, ng kung anupaman.

Kanina nag-meet kami ni Yam. Miss ko na rin ang tung na 'to. Day-off ko kasi ngayon sa trabaho tapos gusto kong manood ng Casino Royale. Eh wala na akong makitang hindi pa nakapanood ng movie, kaya tinext ko na lang siya. Ayun, umoo naman bigla. Muntik pa kaming ma-late sa screening dahil late siya pero yaan na nga. Typical James Bond movie ang Casino Royale. Ganun pa rin, imposible ang istorya. Pero nag-work siya for me kasi magaling si Daniel Craig. Nung una akala ko, he will suck as James Bond pero mali ako. Ang tindi ng charisma at sex appeal niya. More importantly, magaling siyang umarte. Nasanay na kasi tayo na si Pierce Brosnan ang James Bond. Yun pala may iba pang pwedeng gawing atake sa role, hindi lang looks-wise kundi acting-wise din.

Magvi-videoke pa sana kami kaso kailangan kong bumalik ng bahay agad kasi ayokong i-miss ang show. Never pa akong umabsent sa panonood ng show ko. Hindi dahil sa kailangang manood pero dahil gusto kong manood. Kahit na mababaw lang ang show, siyempre dapat passionate pa rin ako sa work ko. Mas magkakaroon siguro ng problema pag oks lang kung hindi ako makapanood. Ibig sabihin nun, I don't care for the show eh ayokong mangyari sakin yun.

Kaya lang, yun, biglang na-down ako. Bigla kasi akong tinext ni Lolo. May hindi nagustuhan sa sinulat ko. Siyempre, frustrating on my part 'coz I know I did my best. At the same time, nung Friday pa nakita ang problema pero dahil naka-focus kami sa isang bagay na di naman pala importante, di tuloy nakita ang more important factors na mas hinanap ni Lolo. Tapos yun na nga, meron akong sariling perspective sa item na 'yun kaya yun ang naging slant ko kahit sa pag-conduct ko ng interviews at visuals. Pero hindi siya na-translate on screen at iba nga ang perspective ni Lolo kaya olats din. I explained naman my part and sabi niya explanation accepted, pero nakaka-down pa rin. The issue is more than that kasi para sa akin. Ang deeper issue kasi is na-open yung insecurity ko when it comes to writing VTR scripts. Matagal ko nang isyu 'to mula pa nung nag-start ako sa reality shows. Alam nyo naman na sa fiction scriptwriting talaga ako nagsimula. Oo, fan ako ng reality shows sa States like Survivor or Amazing Race pero minimal ang mga voice-over dun. Mas 'yung mga reality character ang nagsasalita tapos nilalagyan ng support video. Ganun. Ginagamit lang ang voice-over para magsabi ng fact and for transition purposes. Siyempre sa Pilipinas, mas may palabok dapat ang mga VO's. Ang mga VO's dito, dapat tumutulong sa pag-evoke ng anumang klaseng emosyon na gusto mong ma-feel ng audience mo. Hindi enough ang visuals lang. Eh dun ako nahihirapan kasi hindi ako magaling mag-Tagalog, lalo na yung pormal na malalim na mabulaklak na Tagalog. Tingnan nyo naman ang entry na 'to, kaswal na Tagalog lang. :) Actually kahit sa mga scripts na nagawa ko sa pelikula at soap, ganito lang din ang Tagalog ko.:)

Kaka-frustrate lang talaga. I don't want to let my boss down and ayoko ring masabihan na naghuhugas kamay ako. Basta ang dami kong iniisip. Sometimes to comfort myself, iniisip ko na lang na creativity is subjective. Depende na lang talaga yun sa kung anong iniisip na creative ng mga taong mas mataas ang posisyon sa 'yo. Pero siyempre, nasa 'yo pa rin ang mali. Haha! :)

Mahaba na 'to. Next time naman. At hopefully, mas regular na.

2 comments:

saffron_blue said...

ay, akala ko naligaw ako sa blog ni rose. hehe. cheer up! at least you came clean, you said your piece and it was accepted. totoo naman na dapat talaga yung mga immediate superiors ang nag-check and balance ng mga bagay-bagay. for sure nari-realize din ni lolo yon. :-D

beatlebum said...

ganto na bagong style ko. you like? hehe