Grabe, not having enough sleep is taking its toll on me. I feel very weak. Tinatamad akong kumilos. Inaantok na ako kanina pa actually pero hihintayin ko muna ang airing. Buti na lang hindi masyadong mabigat ang shift ko kanina. Late na kasi nagising ang mga bata kaya tatlo lang ang story items ko na pwede namang tanggalin pag merong meatier stories that happened later in the day. Pero scared ako kanina. Haha! First time ko kasing makikita si Lolo after the okray incident. Pero oks lang. Mukhang good mood naman siya at di na niya ako ni-remind about it. Ako naman, I didn't bring it up na kasi for me okay na yun. I learned my lesson already. Alam ko na more or less ang ineexpect niya sa mga VTR items of the same nature and hopefully magagawa ko na siyang mabuti next time. Honestly, di naman talaga ako takot kay Lolo unless siguro grabe nang pagkakamali ko. Even if he can be unreasonably angry sometimes, he knows naman how to listen and respect the other side. Well, I think. :) Kaya yun ang gusto ko sa kanya.
Pero di pa kami nagkita ni Albert. Haha! I'm sure dadakdakan na naman ako nun pag nagkita kami. Hahaha! Sasabihin na naman nun how things should be done, na dapat may emosyon, na dapay may puso. Hehe. The funny thing is aware naman ako dun. Nahihirapan lang akong mag-interpret. Minsan kasi may "ilang" factor ako pag consciously ginagawa yun. Nagiging insincere kasi ang dating sa akin. (Matagal ko nang problema 'to, PBB pa lang). Kaya I try to be as subtle as possible pero yun na nga, I'm forgetting this is mainstream TV. Everything's excessive. Everything's colorful. You've got to feed the "heart". :)
Pero maaga ako natapos sa trabaho ha! Nakapagpa-peeling session pa ako sa dermatologist ko kanina. Haha! Hindi ako vain ha! Kailangan lang talaga kasi ma-pimple ako dati kaya kailangang ma-minimize ang scars. Last year lang ako nag-start magpa-derma, nung nagkapera na ako. Wala naman sigurong masama pag I wanna look good di ba? Malay natin, makakatulong para magka-lovelife! Ayos! Hahaha. Pero hindi rin. Naniniwala na akong love is destiny kaya di na lang ako maghahanap. Hahaha.
Nakakuha pala ako ng dalawang passes para sa friend ko for Saturday gala. Buti naman. Ewan ko ba kung bakit pahirapan ang pagkaroon ng passes sa sarili kong show. Mas inuuna kasi ang mga sponsors which is understable naman. Kaya lang, wawa kaming staff. Sa buong season, dalawang beses pa lang yata akong naging successful at nabigyan ng passes. Minsan nahihiya tuloy ako sa mga friends ko kasi andaming humihingi pero di ko naman mabigyan. Parang tuloy hindi ako part ng show. Waaah, self-pity! Haha! Tapos kahit may passes na, pahirapan pa rin sa pagpasok sa concert hall. Napaka-strikto ng mga guards kahit sa mga staff. Hay! Sana lang mag-enjoy yung friend ko at ang kanyang ka-date. Ouch! :)
Osha, wala na akong masabi. Yung sidebar music pala, song 'yan from the album PDA Originals Volume 3. Favorite song ko yan dun. Pang Sunday afternoon siya. Pang-siesta hour. Astig noh? :)
No comments:
Post a Comment