Nasa probinsiya na ako! Lumipad ako kahapon at kung last year eh medyo nagkaroon ng konting aberya, swabe naman ngayong taon. Natuto na kasi ako last August. For the first time, naiwan ako ng eroplano at muntik nang hindi makapunta sa 10th year high school reunion namin kung walang 2nd flight. Kaya naman ang aga ko kahapon sa airport. Sobrang aga, nakapag full body massage pa ako dun sa massage area.:)
So far, okay naman ako dito. Kalmado. Hindi ako tensiyonado. Looking forward din sa annual reunion namin ng mga elementary classmates ko kung meron. Andami kong plano ngayong bakasyon actually pero di ko muna sasabihin, baka mabulilyaso. Hehe. Sa ngayon, ang nami-miss ko lang sa Maynila ay ang aking Wifi internet. Siyempre dahil hindi ko na masu-stalk si crush. Pathetic noh? Naluluha nga ako habang tinatype ko ‘to eh. Haha. O baka nama dahil sobrang tahimik dito o di kaya dahil nakikinig ako ng Blush ng Imago habang nagta-type. Haha. Pero ‘yun siguro ang ita-try kong alisin next year. Ang alisin siya sa sistema. Taena talaga kung bakit pa ako nainlab this year. Tinitingnan ko yung blog entries ko nung 2005, ang saya saya oh, walang love problem. Hay. Sana nga, makapag-reflect ako sa buhay buhay, di lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa trabaho.:)
Tama na nga muna ang kasentihan. Balikan muna natin ang nangyari sa birthday ko. Hehe. So yun nga, nagsimula siya sa Christmas party ng show kung saan halos lahat ng may alam, binati ako. Kinantahan pa ako ng Happy Birthday sa piano room with Teacher Monet playing the piano and Jay-R singing along. Take that! Hehe. :) Natapos kami sa party ng madaling araw kaya nagising ako lunch time na. Honestly, hindi ko talaga alam kung anong gagawin kong celebration. Di tulad last year na nakapag-party pa ako kasi wala naman akong trabaho na that time. Nag-aya sina Michiko at Rose na mag CPK so sabi ko, treat ko na lang sila ng lunch dun. Tapos yun, kumain kami tapos bigla kong naisip na siguro iti-treat ko na lang sa Itallianis ang friends ko for dinner. Kaso na-realized ko mahal pala dun kaya sabi ko sa sarili ko, iimbitahin ko lang yung makakaalala ng birthday ko at babatiin ako sa text. Hahaha! :) Pero hindi yun ang pinaka-pathetic na part. Ang pinaka-pathetic na part, mga tatlo lang yata ang bumati sa akin sa text na pwedeng mag-dinner with me. Haha! :) ‘Yung iba kasing nag-text, mga friends ko sa province o di kaya’y from work pero alam kong may importanteng gagawin sa ABS Christmas party kaya di na ako nag-bother na i-invite sila. So ang ending, inimbita ko na lang ‘yung mga hindi nakaalala. In fairness to them naman, when I texted the dinner invititation, bigla agad nilang na-remember na oo nga pala, birthday ko. Hehe. :) Masaya pa rin ang gabi. :)
Birthday pictures…
Lunch with housemates
Dinner with friends
Videoke with scholar wannabes
More pictures in My Multiply! :)
No comments:
Post a Comment