Grabe kanina! Napagalitan kami ni Lolo! Panalo! :) May point naman siya pero hindi ako na-guilty kasi I believe I did my work naman at wala akong kasalanan. O siguro kasalanan ko lang dahil di ako naki-alam. Siyempre, kaka-frustrate as usual. Biruin nyo, last December 6 pa ang huling blog entry ko so it must mean sobrang naging busy ako talaga. In fact, kulang pa nga ako ng tulog these past few days sa kagagawa ng (take note) 13 VTR scripts mula Sabado eh. 'Yung pito nun napalabas na last Sunday. Day off dapat ako nung Monday & Tuesday pero ginugol ko lang lahat sa pagsusulat at pagpi-preview ng materyales (thanks You Tube!) sa assigned VTRs ko for the finale. Eh alam nyo namang hate ko ang pagsusulat ng VTR kaya nahirapan talaga ako. Pero yun na nga, nang napagalitan kami kanina, pinuna pa kung bakit ako nag-day off sa final week ng show. Ako talaga, pagsabihan nyo na akong I did a bad job and all, 'wag na 'wag nyo lang ipagkait sa akin ang day-off na karapatan naman ng bawat empleyado at ng bawat tao. Panginoon nga, nagpapahinga on the 7th day, tayo pa! Kaya dun lang ako naging affected. Otherwise, lahat ng talak kanina nakayanan ko naman kasi I know naman na it wasn't my fault. :)
So yun ang downer of the week. Na sana naman last na for the year. Kasi isa pang nakaka-down sa akin na talagang naiinis ako sa sarili ko ay yung selos ko sa mga kapechayan ng crush ko. Argh! Napaka teenybopper problem nito kaya nga naiinis ako. Basta nagseselos ako, nalulungkot ako pag alam kong may iba siyang kalandian sa totoong buhay o kahit sa internet. Phew! Sana may mahanap na akong bagong crush ASAP. Gawin ko kayang New Year's Resolution yun?! Hay, tigilan na nga ang crush crushan na 'to! Di bagay sa edad ko! Haha!
Pero hindi naman puro down lahat. Natuwa ako last week nung may mga bandang nag-guest sa show. Di halata pero mahilig ako sa banda. Haha. Siyempre may mga gusto akong kanta ng Imago, Sponge Cola at Barbie kaya talagang ang saya ko nung nakita ko sila. Yung isang banda, Calla Lily, naririnig ko lang na rising band nga raw pero dahil la na akong time manood ng MTV o Myx, di ako familiar sa music nila. Pero just the same, nagpa-picture na rin ako sa bokalista. Sikat daw sila ngayon eh kaya dapat may pang-asar ako sa mga teenyboppers diyan na fans nila. Parang, beh, may picture ako! Haha! Medyo maangas lang 'tong si Kian. Pa-rockstar attitude. Bata pa kasi. Well sana mali ang impression ko pero impression pa rin 'yun so sana magbago ang bata. Kasi yung mga tunay na rock star hindi naman ganun in real life eh. As with their music, di ko trip. Hehe. Barubal ako noh, pa-picture tapos siniraan! Peace po, peace po sa mga fans! In fairness, mabait naman si Kian sa akin. Impression ko lang po yun.
Pinakanatuwa ako siyempre nung bumisita si Lea. Ang bait! Si Mommy Ligaya, hayun, stage mom pa rin pero oks lang. :) Starstruck kaming lahat ng staff. Pati nga si Lolo, na-starstruck eh. Hehe. Nagpa-picture ako sa kanya siyempre! Sumingit nga lang si Albert pero oks lang, may cropping naman sa Photoshop. Haha! Pero muntik nang mabura ang picture! Actually akala ko talaga nabura kasi di ko makita sa gallery. Napamura tuloy si Albert kasi first time nga raw niyang magpaka-fan tapos na-erase pa ang picture. Haha! :) Nalungkot din ako nun! Once in a lifetime ka nga lang may chance makapagpa-picture kay Lea eh! Kaya natuwa talaga ako nung nag-appear na lang siya bigla sa gallery a few days later. Blurry nga lang pero ayos pa rin basta may remembrance. Hehe. (Hala, I just remember, di pa alam ni Albert na hindi na-delete ang pic!)
'Yun lang muna mga kwento ko. Syanga pala, masaya rin ako kasi may tama na naman ako. Yihee! :)
2 comments:
I SO love Lea. Matatameme siguro ako if I were to meet her.
She was so animated in that episode when she visited the scholars. Aliw!
wala rin nga akong nasabi sa kanya except "can i have my picture taken with you" eh! hehehe :D
Post a Comment