My day started out pretty bad. Dahil depress depressan ako kagabi, nilasing ko ang sarili ko sa kaka-surf sa internet. Ang ending, nakatulog ako alas-sais na ng umaga. Lunch time na ako nagising pero di pa rin enough. Nasa mindset ko na kasi na dapat 7 hours of sleep a day ako at pag hindi nangyayari yun, expect na lang na bad mood na ako the whole day. :) Actually pwede ko namang itulog ang buong araw kasi day-off ko naman. Kaso andaming nakatambak na personal chores na dapat ko sanang ginawa pero di ko na nagawa dahil late na nga akong nagising. Di na ako nakapunta ng DFA para ayusin ang passport ko. Di na ako nakapuntang ABS para kunin ang rice stub. Wala na kasi kaming bigas sa apartment. Di na rin ako nakapuntang Cebu Pacific para i-resked yung flight na di ko nagamit last August dahil naiwan ako ng eroplano. Haha.
Pero may mga nagawa rin naman ako kahit papano. Nakuha ko ang labada ko. Nakapunta ako ng SM para bumili ng bagong unan, ng perfume at ng CD-RWs. Yun lang. Hehe.
Last Friday pa actually ako minamalas. Sana naman bukas maging okay na. Alas-siete pa naman trabaho ko bukas. Patay! Di na naman ako makaka-7 hours of sleep. Haha! In fairness though, medyo magaan na pakiramdam ko ngayon. Mababaw lang ang dahilan. Nagandahan ako sa episode ng Amazing Race (sayang nga lang natanggal na sina Dustin at Kandice) at nag-enjoy naman ako sa episode ng show. Natuwa ako na naipalabas lahat ng items ko last Saturday night. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. :)
No comments:
Post a Comment