December 04, 2004

Let's Support The Indies

Reposting a letter from my good friends/indie filmmakers Michiko Yamamoto and Emman de la Cruz. :)



November 28, 2004

Mga kaibigan,

Marahil ay alam niyo na, pero gayunpaman,
hayaan ninyong i-share namin sa inyo ang
magandang balita.

Ang dalawa naming full-length independent digital
film project ay napili ng Cultural Center of the
Philippines (CCP) at Film Development Council of
the Philippines (FDCP) na maging kabilang sa
sampung entry sa Cinemalaya Festival, na
magaganap sa Pebrero. Kasalukuyan kaming
naghahanda para sa shooting ng dalawang
pelikula.

Sarong Banggi ang isa. Galing sa malikot na
imahinasyon ni Emman Dela Cruz, kuwento ito ng
isang babae, isang lalaki, at ang gabi ng kanilang
pagkakakilala isang gabi ng dahan-dahang
pagpapaubaya at unti-unting paghuhubad ng sarili
sa isat isa.

Isinulat naman ni Michiko Yamamoto ang isa pa.
Ang matamis-mapait na pagkakaibigan ng isang
batang bading sa isang baguhang pulis sa gitna
ng
karalitaan at kriminalidad sa lungsod ang siyang
sentro ng kuwento. Ito ay Ang Pagdadalaga ni
Maximo Oliveros.

Bagamat malayo ang mararating ng napanalunan
naming grant (500 thousand per film, na ibibigay
sa
amin ng anim na installment, habang ginagawa
ang
mga pelikula), hindi ito sasapat sa kabuuang
production cost ng nasabing dalawang pelikula.*

Kung kayat kailangan namin ang inyong tulong.

Anumang halaga na inyong bukas-pusong
maipamamalas sa amin ay aming ikalulundag sa
tuwa.

Yakap lamang ang aming maisusukli bilang
pasasalamat, kambal siyempre ng inyong
pangalan sa credits ng aming mga pelikula, at ang
pangako na hindi masasayang ang inyong
partisipasyon.

Marami-rami na rin ang ating pinagdaanan.
Kasama namin kayo sa aming bawat tagumpay.
Sanay samahan niyo pa rin kami dito sa
paglalakbay naming ito.

Mabuhay tayong lahat at ating mga pangarap!

Sumasainyo,

Ang mga writers at producers,

Jade Castro
Emman Dela Cruz
Raymond Lee
Ned Trespeces
Michiko Yamamoto

*650 thousand ang budget ng Sarong Banggi,
mahigit 800 thousand naman ang sa Ang
Pagdadalaga nangangahulugang kailangan
naming magtipon ng halos 450 thousand pa.

**Para sa mga donasyong naka-tseke, paki-
pangalanan po si Emmanuel Dela Cruz o si
Michiko Yamamoto

------------------

To know more about Cinemalaya, please click on
the links below:

http://news.inq7.net/gsearch/gws.php?
radiobutton=inq7&searchkey=cinemalaya

http://news.inq7.net/entertainment/index.php?
index=1&story_id=19360


Mga friends, ngayon alam ni'yo na. We need your
help. This is for the good of the film industry :)

Any amount will do and will be gladly appreciated.
You can deposit the money in my account.
Account name Michiko Yamamoto Equitable-PCI
Timog branch Account # 01570-54236 or we can
meet. Please text or email me the amount you've
donated for accounting purposes. If you're not
interested, i won't take it against you. Pero
makatulog ka sana ng mahimbing. Hahaha

Kung feeling mo makakatulog ka pa rin ng
mahimbing, tumulong ka na lang in another way.
Pakikulit na lang yung mga rich friends, relatives
ni'yo for aguinaldo tutal Pasko naman :)
But please, pakibigay po yung pera sa amin at
yung listahan ng mga mababait na nagdonate with
the total amount. Thanks a lot!

Give money on Xmas day! :)

Advance Merry Xmas to all!

Mitch :)

No comments: