Akala ko bad day na naman ako today. Nahirapan kasi akong makahanap ng taxi on the way to work. Mga 30 minutes siguro akong naghintay at mga 2 taxi ang humindi sa akin. Sobrang patay pa naman kami pag late sa trabaho. Buti na lang nakasakay at nakarating ako sa academy just in time for my shift.
Pretty much uneventful ang araw but believe me, sa dami ng bad luck ko these past few days, uneventful is olrayt! Haha. Pero pagdating ng gabi, natuwa ako. Dumating kasi si Mig Ayesa para mag-guest sa show. Papayag ba naman akong hindi makapagpa-piktyur?!? (See left!) Bait niya! Down to earth. Masyado ngang wholesome eh, di mo aakalaing naging contestant ng isang rock singing contest. Bait din ng wifey. Naka-chikahan ko ng konti dahil dun siya tumambay sa office para mapanood sa live stream ang hubby niya. Saya! :)
Oist, malapit na pala ang Pasko. Sa mga nagtatanong kung anong gusto kong regalo, heto ang realistic wishlist ko. (Parang hindi tama na realistic ang wishlist. Haha!)
1. Size 32 boxers (mas fun ang designs, mas okay!)
2. Size 32 casual belt
3. Nike socks (preferably white)
4. Pulp Fiction DVD (embarrassingly, I haven't seen this movie yet!)
5. The Office Season 1 DVD (US or UK version, okay pareho!)
6-8. DVDs of my projects this year (D' Lucky Ones, PBB Celebrity & PBB Teen Editions)
9. Polo or polo shirt (I prefer classic or vintage design that goes well with jeans. Ayoko ng over-sized. Tamang fit lang. Small or medium pala ang size ko.)
10. Gift certificate for body scrub with bleach
Ayan! 'Wag nyong sabihing mahal ang mga hinihingi kong regalo ha! :)
4 comments:
Ayos sa listahan ah! Kaso may nabili na ako para sa iyo. Oh well.
Tutal malapit na naman, babatiin na rin kita ng HAPPY BIRTHDAY!!! Mahirap nang magkalimutan na naman. hehehe
thanks miaka! hehe! ikaw, wala ka bang wishlist para magka-idea kami? hehe :)
Hay naku. Bigyan mo lang ako ng tulog o kaya masahe, ayos na ako.
Mahirap yung talagang gusto ko e, bagong boss. hehehehe
naku, mahirap nga at di ko kayang ibigay ang talagang gusto mo! hehehe! i'll pray for you na lang tutal it's the thought that counts. :)
miss you ros! :)
Post a Comment