December 30, 2006

As The Year Ends!

Okay na ako. I’ve been going out with my friends here. Marami kasing happening kasi it’s the 1st Handuraw Festival. Sometimes, nararamdaman ko pa rin ang heartache but I think the key here is really moving on and meeting new people. Di nga lang ako masyadong makagalaw dito kasi our town is the town wherein everyone knows everybody. Konting galaw mo, mapupuna ka na agad. Kaya nga relate na relate ako sa song ng Eraserheads na “Shake Yer Head” eh. Ako pa naman. Di ako pwedeng gumawa ng kababalaghan dito (not that I intend to) kasi, humility aside, I think some people look up to me here. Role model po ako. Nakakapanibago. Hehe.

I really really wish work won’t start till the last week of January or better, first week of February. Andami ko pang planong gawin sa bakasyon. I want to go to Dakak next week. Mag-isa. Hehe. 1997 pa ako last nakapunta dun so I don’t know kung ano nang itsura niya. Although hindi pa ako sure kung matutuloy ako kasi nga di ko pa alam kung sino ang kokontakin pero sana nga makapunta ako. I need some alone time sa isang lugar na hopefully walang nakakakilala sa akin. Relax and chill lang talaga. :)

I plan to island hop Visayas din sana kaso parang mas okay na yun pag me kasama ka. Que sera sera muna. Let’s play it by ear pagdating ng 2007.

Pero actually natatakot ako what 2007 will bring to me. Noong 2004, I felt na blessed na ako with work and all pero 2005 topped it pa. Kaya natakot na naman ako sa 2006 pero hayun, the good Lord has been good and blessed me with even more blessings. Tapos na-inlove pa ako, which looking back can be considered a blessing actually. So I don’t know. I don’t want to expect much for 2007. PBB 2 pa lang ang alam kong definite plan for 2007. After that, I don’t know what wil happen next to me. Sana lang talaga magkakaroon ako ng bayag to know and pursue what I really want to do. Sa ngayon kasi, I’m tipong just go with the flow. Forrest Gump, kumbaga, which was a film that unwittingly had a very strong influence with the way I live my life now. Cliché man pero kahit hindi ako ganun ka-religious and spiritual, I’d say I’ll leave everything up to God na lang siguro, kung anong plan niya for me. Sana lang, more than myself, He’ll continually bless my family with good health and financial blessings. We may not be expressive nor have deep communication with each other but I do love them very much and I want them to be happy.

For 2007, I don’t think I will make a wishlist anymore. Pointless rin kasi. Tingnan nyo naman ang nangyari sa wishlist ko last year…

Wishlist 2006

1. DVR
Hindi ako nakabili pero sabagay, I subscribed to SmartBro and figured out na downloading bit torrent files of your favorite TV shows is the way to go!

2. Car
To be honest, kaya ko nang bumili ng 2nd hand o kahit cheapest na brand new pero I am so scared pa to buy kasi baka naman maubos ang laman ng bank account ko. Raraket muna ako sa PBB bago ako magdesisyon. At the same time, walang garage ang apartment namin, kaya di pwede.

3. New but affordable apartment
Well, I hope to look for one again this year kasi kailangan talaga ng may garahe na apartment. Kaso mahirap kasi ayoko rin namang iwan ang mga housemates ko na sina Rose at Mitch. Tapos andyan pa ang bagong housemate naming si Bing. Ayaw ko rin kasing mag-isa lang sa bahay. That’s just so lonely. So ngayon, I’m looking na for a 4BR apartment with garage. Tapos gusto namin sa same or nearby village pa rin. Sana may makatulong sa akin on this one.

4. Trip outside the country, but not an Asian country
Ayoko nang umasa dito kahit sa 2007. It’s either this kasi or the car. :)

5. Lovelife
Que sera sera. :)

Basta siguro ang goal ko lang this year is to do everything with all my heart and my soul; to be focus in achieving my dreams yet not forgetting to have fun once in a while. To sum it up, parang the usual “live life to the fullest in 2007” comes to mind. Hehe! Carpe diem!

I’m scared … sigh…:)

Wistful I!

Ang makapagbagbag damdamin na videoke video ng taon, pampasabog sa bagong taon! Hahaha! :) Happy 2007, everyone! I love you guys! :)

December 28, 2006

Hail Elementary!

OA ko sa previous entry ko ah! Wala lang. Hours later and I'm still feeling down. The funny thing is, walang kaalam-alam ang mga tao dito how I really feel inside. Kala nila I'm just having the usual hangover from the party last night. Funny rin kasi before ng lahat lahat, I was in party mode pa. It was the annual elementary reunion and I was really looking forward to it based on last year's experience alone. :) And it didn't disappoint! :) Kahit na andaming naging aberya, biglang bumuhos ang malakas na ulan, biglang nagbrown out, tuloy pa rin ang tagay, tuloy pa rin ang tipar! I love my elementary classmates! :)

Ang P1,000 venue


Ang mga childhood friends


Bye Bye Na

Babai. I can't take it any more. Tama na. Di ko na kaya. This jealousy is killing me. To think I don't even have the right to be jealous. I deserve something better. I deserve someone better. Today was the last straw. Hindi ko dapat sinasaktan ang sarili ko emotionally. Hindi ko kayang maging Mira. Ngayon ko lang talaga na-realize habang bakasyon kung paano mo naapektuhan pati work life ko, pati internet life ko, lahat lahat. Hindi na tama 'yun. Gad, I even think my career decisions have been clouded by thoughts of you. Pathetic, isn't it? Pero salamat na rin. You unwittingly gave me a good cry earlier and free-flowing tears always feel good. Through you, I realized why God has given me a non-existent lovelife. Hindi ko pa pala kaya. Hopefully I'll be stronger and better the next time the love bug bites me. I will not be looking for love anymore, though. I will just let it be pero I will not be hoping. BUT, I will hopefully look at this 8-month roller coaster ride of emotions in positive light. Well I hope it will benefit my artistry to come up with realistic love stories. (Yeah, right!) More personally, I hope the whole experience made me understand my equally lovefool friends whom before I didn't get. As for me, I say enough of my being a lovefool. Gusto kong simulan ang 2007 nang tama. (Napadighay ako dun ah!) Yes, tama ... kaya babai na.:(

December 26, 2006

6 Favorites of 2006

FILMS
1. Donsol
2. Devil Wears Prada
3. Borat
4. The Departed
5. Casino Royale
6. V For Vendetta

SONGS
1. Sugod – Sandwich
2. Perpekto – Dong Abay
3. Nobela – Join The Club
4. Hawak Kamay – Yeng Constantino
5. Unfair – Chai Fonacier
6. Hips Don’t Lie – Shakira

MUSIC VIDEOS
1. Pag-agos – Up Dharma Down
2. Fixing The Radio – Ciudad
3. Walang Kadala-dala – Sandwich
4. Sugod – Sandwich
5. First of Summer - Urbandub
6. Jeepney – Sponge Cola

And then I realized na pangit ang number pag tatlo lang ang list so I decided to add another category. :) This time, mas personal.

MOMENTS
1. Cebu-Iloilo Trip
Work siya para sa pre-show interviews ng dalawang celebrity housemates pero grabe, kahit backpack lang and on short notice, ang saya pa rin. Iba talaga ang hospitality ng mga Visayans. Tsaka parang na-fulfill na rin kahit papano nito ang matagal ko nang pinapangarap na road trip.

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

2. PBB Celebrity Edition Post-Big Night Inuman
Hanggang ngayon, winawarningan pa rin ako ni Richard na ‘wag ikalat ang mga pinanggagagawa niya that night. Hahaha!

Photobucket - Video and Image Hosting

3. Cinemalaya 2006 Viewing Marathon
Nag-trigger siyang buhayin muli ang aking pagiging film buff kahit sa konting panahon lang. Tuwing Cinemalaya na lang ba babalik ang aking passion for cinema?!? ‘Wag naman sana.
Photobucket - Video and Image Hosting

4. Bahura Outing
Wala talagang makakatalo sa impromptu resort outing. Since high school pa lang, tried and tested na ang formula na ‘to. Kaya it’s just fitting na kasama ko ang mga high school friends sa aking only resort gimmick of 2006.

Photobucket - Video and Image Hosting

5. Malate Gimik
I’m sure, ito ang number 1 ni Mira. Hahahaha!

Photobucket - Video and Image Hosting

6. 10th Year High School Reunion
Short kasi I had to fly back for work the following day, but definitely sweet! Hehe.

Photobucket - Video and Image Hosting

December 22, 2006

27th Musings

Nasa probinsiya na ako! Lumipad ako kahapon at kung last year eh medyo nagkaroon ng konting aberya, swabe naman ngayong taon. Natuto na kasi ako last August. For the first time, naiwan ako ng eroplano at muntik nang hindi makapunta sa 10th year high school reunion namin kung walang 2nd flight. Kaya naman ang aga ko kahapon sa airport. Sobrang aga, nakapag full body massage pa ako dun sa massage area.:)

So far, okay naman ako dito. Kalmado. Hindi ako tensiyonado. Looking forward din sa annual reunion namin ng mga elementary classmates ko kung meron. Andami kong plano ngayong bakasyon actually pero di ko muna sasabihin, baka mabulilyaso. Hehe. Sa ngayon, ang nami-miss ko lang sa Maynila ay ang aking Wifi internet. Siyempre dahil hindi ko na masu-stalk si crush. Pathetic noh? Naluluha nga ako habang tinatype ko ‘to eh. Haha. O baka nama dahil sobrang tahimik dito o di kaya dahil nakikinig ako ng Blush ng Imago habang nagta-type. Haha. Pero ‘yun siguro ang ita-try kong alisin next year. Ang alisin siya sa sistema. Taena talaga kung bakit pa ako nainlab this year. Tinitingnan ko yung blog entries ko nung 2005, ang saya saya oh, walang love problem. Hay. Sana nga, makapag-reflect ako sa buhay buhay, di lang sa pag-ibig kundi pati na rin sa trabaho.:)

Tama na nga muna ang kasentihan. Balikan muna natin ang nangyari sa birthday ko. Hehe. So yun nga, nagsimula siya sa Christmas party ng show kung saan halos lahat ng may alam, binati ako. Kinantahan pa ako ng Happy Birthday sa piano room with Teacher Monet playing the piano and Jay-R singing along. Take that! Hehe. :) Natapos kami sa party ng madaling araw kaya nagising ako lunch time na. Honestly, hindi ko talaga alam kung anong gagawin kong celebration. Di tulad last year na nakapag-party pa ako kasi wala naman akong trabaho na that time. Nag-aya sina Michiko at Rose na mag CPK so sabi ko, treat ko na lang sila ng lunch dun. Tapos yun, kumain kami tapos bigla kong naisip na siguro iti-treat ko na lang sa Itallianis ang friends ko for dinner. Kaso na-realized ko mahal pala dun kaya sabi ko sa sarili ko, iimbitahin ko lang yung makakaalala ng birthday ko at babatiin ako sa text. Hahaha! :) Pero hindi yun ang pinaka-pathetic na part. Ang pinaka-pathetic na part, mga tatlo lang yata ang bumati sa akin sa text na pwedeng mag-dinner with me. Haha! :) ‘Yung iba kasing nag-text, mga friends ko sa province o di kaya’y from work pero alam kong may importanteng gagawin sa ABS Christmas party kaya di na ako nag-bother na i-invite sila. So ang ending, inimbita ko na lang ‘yung mga hindi nakaalala. In fairness to them naman, when I texted the dinner invititation, bigla agad nilang na-remember na oo nga pala, birthday ko. Hehe. :) Masaya pa rin ang gabi. :)

Birthday pictures…

Lunch with housemates
Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Dinner with friends
Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Videoke with scholar wannabes
Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

More pictures in My Multiply! :)

December 19, 2006

27th!

Kakauwi ko lang from our show's Christmas Party! Ang saya! Kung gusto mo ng kantahan, pumunta ka nang piano room at maki-sing along with Teacher Monet. Kung gusto mo ng sayawan, sa garden naman. Kung gusto mong tumagay, andaming alkohol sa paligid. Kung gusto mong magpa-piktyur lang sa bahay at sa mga scholars, libre kang gawin yun. Hehehe. Sa academy ko pala sinalubong ang aking birthday. :) Wala lang, kinantahan lang ako ng Happy Birthday. Kaso marami pala kami. Hahahaha. Si Teacher Sweet, si Davey, si PA Ron, at may iba ring mga taga ibang departamento. :) Di ko pa alam kung anong gagawin ko later. Tulog muna ako. :)

Random pics....







December 16, 2006

Grand Dream Night, Tonight!

Shameless plugging na naman po! Grand Dream Night na tonight ng Pinoy Dream Academy. Sana manood po kayo. Promise, entertaining ang mga production numbers. Based sa rehearsals kanina, I particularly love Yeng & Jay-R's Himala duet, the use of The Dawn's Enveloped Ideas as the umbrella song of the love medley, the fun production number of the faculty and ex-scholars, Panky's version of Queen's We Will Rock you and Yeng's rendition of her own composition Ang Awitin. Alam ko tight ang mga text votes kaya it's anybody's ball game talaga. Personally, I'm rooting for Yeng to win because after all has been said and done, this is still a talent contest and Yeng has "it"! :) Tsaka pinaka plus points talaga niya sa akin is her being a prolific songwriter. 'Yun naman kasi ang edge ng show namin against PI. May mga songwriters kaming contestants. Kaya sana singer-songwriter na commercially-viable ang mananalo sa PDA.

Pero I think any among Jay-R, Ronnie or Yeng will win tonight.

Mami-miss ko rin ang show na 'to. Honestly, mas nag-enjoy ako working dito kesa PBB. Mas clear kasi sa akin ang konsepto ng show and at the same time, I love music. Mami-miss ko rin ang mga alaga namin ni Marcus na scholars. Haha. Na-assign kasi kaming mga SE's to be the handlers/managers of the scholars while they're inside the academy. Napunta sa amin sina Yvan, Davey, Oona & Nyora. Sadly, walang nakapasok sa mga alaga namin sa Honor List of 6 pero mami-miss ko yung mga one-on-one sessions namin with them. Enjoy palang maging manager! :D And for that, I will post my picture with Nyora. Hahaha!

December 13, 2006

Roller Coaster!

Grabe kanina! Napagalitan kami ni Lolo! Panalo! :) May point naman siya pero hindi ako na-guilty kasi I believe I did my work naman at wala akong kasalanan. O siguro kasalanan ko lang dahil di ako naki-alam. Siyempre, kaka-frustrate as usual. Biruin nyo, last December 6 pa ang huling blog entry ko so it must mean sobrang naging busy ako talaga. In fact, kulang pa nga ako ng tulog these past few days sa kagagawa ng (take note) 13 VTR scripts mula Sabado eh. 'Yung pito nun napalabas na last Sunday. Day off dapat ako nung Monday & Tuesday pero ginugol ko lang lahat sa pagsusulat at pagpi-preview ng materyales (thanks You Tube!) sa assigned VTRs ko for the finale. Eh alam nyo namang hate ko ang pagsusulat ng VTR kaya nahirapan talaga ako. Pero yun na nga, nang napagalitan kami kanina, pinuna pa kung bakit ako nag-day off sa final week ng show. Ako talaga, pagsabihan nyo na akong I did a bad job and all, 'wag na 'wag nyo lang ipagkait sa akin ang day-off na karapatan naman ng bawat empleyado at ng bawat tao. Panginoon nga, nagpapahinga on the 7th day, tayo pa! Kaya dun lang ako naging affected. Otherwise, lahat ng talak kanina nakayanan ko naman kasi I know naman na it wasn't my fault. :)

So yun ang downer of the week. Na sana naman last na for the year. Kasi isa pang nakaka-down sa akin na talagang naiinis ako sa sarili ko ay yung selos ko sa mga kapechayan ng crush ko. Argh! Napaka teenybopper problem nito kaya nga naiinis ako. Basta nagseselos ako, nalulungkot ako pag alam kong may iba siyang kalandian sa totoong buhay o kahit sa internet. Phew! Sana may mahanap na akong bagong crush ASAP. Gawin ko kayang New Year's Resolution yun?! Hay, tigilan na nga ang crush crushan na 'to! Di bagay sa edad ko! Haha!

Pero hindi naman puro down lahat. Natuwa ako last week nung may mga bandang nag-guest sa show. Di halata pero mahilig ako sa banda. Haha. Siyempre may mga gusto akong kanta ng Imago, Sponge Cola at Barbie kaya talagang ang saya ko nung nakita ko sila. Yung isang banda, Calla Lily, naririnig ko lang na rising band nga raw pero dahil la na akong time manood ng MTV o Myx, di ako familiar sa music nila. Pero just the same, nagpa-picture na rin ako sa bokalista. Sikat daw sila ngayon eh kaya dapat may pang-asar ako sa mga teenyboppers diyan na fans nila. Parang, beh, may picture ako! Haha! Medyo maangas lang 'tong si Kian. Pa-rockstar attitude. Bata pa kasi. Well sana mali ang impression ko pero impression pa rin 'yun so sana magbago ang bata. Kasi yung mga tunay na rock star hindi naman ganun in real life eh. As with their music, di ko trip. Hehe. Barubal ako noh, pa-picture tapos siniraan! Peace po, peace po sa mga fans! In fairness, mabait naman si Kian sa akin. Impression ko lang po yun.

Pinakanatuwa ako siyempre nung bumisita si Lea. Ang bait! Si Mommy Ligaya, hayun, stage mom pa rin pero oks lang. :) Starstruck kaming lahat ng staff. Pati nga si Lolo, na-starstruck eh. Hehe. Nagpa-picture ako sa kanya siyempre! Sumingit nga lang si Albert pero oks lang, may cropping naman sa Photoshop. Haha! Pero muntik nang mabura ang picture! Actually akala ko talaga nabura kasi di ko makita sa gallery. Napamura tuloy si Albert kasi first time nga raw niyang magpaka-fan tapos na-erase pa ang picture. Haha! :) Nalungkot din ako nun! Once in a lifetime ka nga lang may chance makapagpa-picture kay Lea eh! Kaya natuwa talaga ako nung nag-appear na lang siya bigla sa gallery a few days later. Blurry nga lang pero ayos pa rin basta may remembrance. Hehe. (Hala, I just remember, di pa alam ni Albert na hindi na-delete ang pic!)

'Yun lang muna mga kwento ko. Syanga pala, masaya rin ako kasi may tama na naman ako. Yihee! :)

December 06, 2006

Ayesa!

Akala ko bad day na naman ako today. Nahirapan kasi akong makahanap ng taxi on the way to work. Mga 30 minutes siguro akong naghintay at mga 2 taxi ang humindi sa akin. Sobrang patay pa naman kami pag late sa trabaho. Buti na lang nakasakay at nakarating ako sa academy just in time for my shift.

Pretty much uneventful ang araw but believe me, sa dami ng bad luck ko these past few days, uneventful is olrayt! Haha. Pero pagdating ng gabi, natuwa ako. Dumating kasi si Mig Ayesa para mag-guest sa show. Papayag ba naman akong hindi makapagpa-piktyur?!? (See left!) Bait niya! Down to earth. Masyado ngang wholesome eh, di mo aakalaing naging contestant ng isang rock singing contest. Bait din ng wifey. Naka-chikahan ko ng konti dahil dun siya tumambay sa office para mapanood sa live stream ang hubby niya. Saya! :)

Oist, malapit na pala ang Pasko. Sa mga nagtatanong kung anong gusto kong regalo, heto ang realistic wishlist ko. (Parang hindi tama na realistic ang wishlist. Haha!)

1. Size 32 boxers (mas fun ang designs, mas okay!)
2. Size 32 casual belt
3. Nike socks (preferably white)
4. Pulp Fiction DVD (embarrassingly, I haven't seen this movie yet!)
5. The Office Season 1 DVD (US or UK version, okay pareho!)
6-8. DVDs of my projects this year (D' Lucky Ones, PBB Celebrity & PBB Teen Editions)
9. Polo or polo shirt (I prefer classic or vintage design that goes well with jeans. Ayoko ng over-sized. Tamang fit lang. Small or medium pala ang size ko.)
10. Gift certificate for body scrub with bleach

Ayan! 'Wag nyong sabihing mahal ang mga hinihingi kong regalo ha! :)