Big Night na naman! Ang bilis ng panahon! Naka-tatlong editions na pala ako sa PBB. Ewan ko pero nininerbyos ako. Hindi dahil natatakot akong mabato ng kamatis ng mga anti-Wendy (haha!) pero dahil hindi ko na naman kasi alam kung anong mangyayari sa buhay ko after the Big Night. Actually marami akong gustong gawin kaya lang sobrang natatakot akong gawin sila. Haha. Ang gulo!
Tama na nga!
Nagsulat lang ako ng entry dahil shameless plugging ulit. Nood kayo mamayang gabi sa ABS-CBN ng Pinoy Big Brother 2 Big Night. 9:30 p.m. po iyan. Ito na yata ang pinaka-kontrobersiyal na Big Night sa kasaysayan ng PBB kaya makisaya at makisigaw at kung ano pang gusto ninyong ma-feel sa harap ng TV mamaya. :)
Prediction kong mananalo: Beatriz
Gusto kong manalo: Mickey or Beatriz
Grabe noh? Sino ba naman ang mag-aakalang magdidilang anghel ako tungkol kay Beatriz? Ay hindi pa pala kasi hindi pa naman siya nanalo. Haha! Pero manalo man o matalo, proud ako sa alaga ko. If ever, pangalawang alaga ko na siyang Big Winner. Iyung una si Kim sa Teen Edition. Olats ako sa Celebrity Edition (Budoy, Mang Rudy) at Pinoy Dream Academy (RJ, Yvan, Davey, Nyora). Hehe.
Kung gusto nyo pala makita ang mga pictures ko kasama sina Beatriz at Mickey, click nyo lang ito at ito. (Naging totoo rin ang hula ko kay Mickey diyan.)
Osha, mamaya ha! :)
June 29, 2007
June 25, 2007
June 24, 2007
Rock Enroll!
Sige na, hindi ako mahihiya pero nanood ako ng concert ni Yeng last night, yebah! :) Nakakuha kasi ako ng dalawang VIP tickets kaya inimbita ko na si CF na certified Yeng fan dahil crush daw niya (Haha! Joke!). Ako rin naman, humahanga rin sa musicality ng batang ito. Biruin mo, 18 years old lang siya pero halos lahat ng kanta sa album niya, siya ang nagsulat. Pop ditty man o commercial pero pag pakinggan mong mabuti ang mga komposisyon niya, alam mong merong "it" ang bata! Kung hindi siya malalamon ng sistema at patuloy siyang mag-grow as an artist, imaginin mo na lang ang mga kanta na pwede pa niyang malikha 10 years from now.
Siyempre nanood din ako bilang suporta sa kanya kasi naging kasama ko rin siya sa trabaho. Naging katipar pa minsan. Nasubaybayan ko 24/7 ang naging journey niya para marating ang kinalalagyan niya ngayon kaya affected din ako. Haha! At proud din, siyempre.:)
Masaya ang concert! For a first-timer, kineri ni Yeng. Nag-enjoy ang mga fans. Nag-enjoy din ako. Kahit si camera-shy CF, nag-enjoy rin daw siya at hindi lang naman daw dahil sa mga dancers. Haha! Ang pinaka-strength talaga ni Yeng ay kapag kinakanta niya ang mga songs na komposisyon niya o mga gusto niya. Kaya mas nag-excell siya sa mga numbers kung saan kasama niya ang kanyang dating banda na Morning Glory, sa mga numbers na kinanta niya ang kanyang favorite rock classics (expected nang favorite niya si Alanis pero na-surprised ako na kilala niya si Shawn Colvin), at siyempre sa mga numbers kung saan kinanta niya ang mga sariling komposisyon. Medyo okay lang siya sa mga numbers kung saan ginawa siyang Showgirl (meaning song and dance number) o di kaya ay ginawa siyang Sarah (meaning pop/birit songs). Like I said keri naman niya, kaya lang mas nakikita mong ang puso at passion talaga niya ay dun sa naunang prod numbers na sinabi ko. Ironically, mas nagustuhan ng mga fans ang numbers na nagpaka showgirl at Sarah si Yeng.
Ito ngayon ang nakikita kong magiging problema ni Yeng. Kasi obviously, ang career path niya ngayon ay maging next "pop princess". Actually hindi lang problema kundi parang nasasayangan ka rin sa bata. Habang pinapanood ko kasi ang concert, mayroon akong feeling na mas may maibibigay pa siya kung mas nagkaroon siya ng freedom to sing the songs na gusto niya. Kaya lang, the kind of songs that she loves ay hindi pang-Aliw kundi sa rock scene kung saan pwedeng maki-headbang o maki-talon at maki-sing along ang audience. Kaso pag iyun naman ang ginawa niya, 100 percent namang mai-alienate niya ang kanyang mga fans na naging idol siya dahil sa Hawak Kamay at Salamat.
Oh well. Ang sa akin lang, sana kahit pop si Yeng, hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang passion bilang musiko. At kahit sandosenang Thanks To You pa ang ipapakanta sa kanya, makagawa man lang siya ng isang Hawak Kamay, okay na ako.

June 20, 2007
When Did Your Heart Go Missing?
I've waited for years! I'm so gonna buy the new album Calling The World on July 17! :)
The new album's first single When Did Your Heart Go Missing?

June 16, 2007
June 15, 2007
Failure To Launch!
It's already nearing the end of June and I still don't know the results. I am sure I didn't get it. Actually, I never really expected to get it knowing my background and competitors. Still, it hurts knowing that I was willing to give up everything just to earn a slot. I admit, I did hope for a "himala." :)
Oh well, welcome "tweens"!
Oh well, welcome "tweens"!
June 02, 2007
Weird!
Rose tagged me. Ayoko sanang patulan kasi feeling ko naman, pinatulan niya lang iyun para...erase, erase, peace Rose! Hahaha! Actually, may nasulat na ako na parang ganito. Dalawa pa nga eh. Ito at ito. Pero sige na, papatulan ko na 'to. Matagal tagal na rin mula nang makapag-post ako ng entry na medyo personal, kahit trivial. :)
The Rule: Each player of this game starts with 6 weird things about himself or herself. People who get tagged need to write a blog entry of their own as well as state the rule clearly. In the end, you need to tag 6 people and list their names. Don’t forget to let them know they’ve been tagged!
Ge, game...
1. Alam niyo ba na since high school, nililista ko lahat ng mga pelikulang napanood ko sa sinehan? Hindi lang date at title ng movie kundi pati director, production company at cast. May ratings pa ako ng bawat movie. Dati 5-star rating ang ginamit ko tapos pinalitan ko ng UP grading system style ng rating. May drawing din na heart kapag nagustuhan ko ang movie and mind you, hindi necessary na mataas ang rating para makakuha ng heart. Nilagyan ko kasi ng heart ang Booba. Haha! Geeky, alam ko! Nasa akin pa ang film notebook ko mula 1996 pero iyung before that, na kay Janette. She promised to give it to me when she goes home to Bindoy.
2. Alam niyo ba na sobrang na-addict ako sa TV show na Survivor? (Sa mga regular blog readers ko, I'm sure alam na ninyo! Haha!). As in wala akong pinalampas na episode mula nang ma-hook ako sa show starting sa Survivor: The Australian Outback. It even came to a point na Survivor na rin ang laman ng mga panaginip ko. Serious! Madalas din akong mag-daydream dati na kunyari castaway ako sa Surivor. Wallpaper ko nung CA pa ako sa Star Cinema, si Ethan Zohn ng Survivor. Nung pumunta dito sina Ethan, Jenna Morasca at Shii-Ann Huang, talagang sumugod ako sa Wazzup Wazzup para makapag-picture sa kanila. (I think the pictures are somewhere in the archives. LOL!). Nung nag film prod ako, nasa mindset ko na parang Survivor ang environment at politics. Ganun ako ka-adik! Pero ang pinaka-ebidensya ng aking pagiging adik sa Survivor ay iyung time na sumali ako sa online game sa Pinoy Exchange kung saan I threatened my friend Marcus na aawayin ko talaga siya kung ilalaglag niya ako sa Final 2. I eventually reached Final 2 but made some enemies kaya naging first runner-up lang. Ligwak sa jury votes. :)
3. Well before, back in high school, I used to talk to myself...aloud and in public! Haha! Para akong schizo tuloy kasi parang may one-man dialogue na nangyayari. Aware naman ako pero ginagawa ko pa rin. Siguro it was my way of dealing with stress. Nasulat ko naman dito dati na indie na ako since I was 12 at wala rin akong best friend noong high school. Kaya hayun, ginawang best friend ang sarili. Tayong mag-isa na lang ang mag-chikahan! Hahaha! Na-realized ko lang na weird ang habit na iyun nung sinabi ni Rica sa akin na nakita niya akong naglalakad sa sidewalk ng Dumaguete na tumatawa habang kinakausap ang sarili. Baliw! :D Rest assured, tapos na ako sa ganung phase although baliw pa rin naman ako paminsan-minsan. :P
4. Dumaan rin ako sa retro phase. Adik sa 60's music. Adik sa Beatles. Adik kay Nora Aunor. Adik sa mga retro na look at get-up. Adik sa mga pelikulang ganun ang tema. Nagwi-wish nga ako dati na sana may time machine para dun na lang ako tumira sa panahong iyun. Oo, ganun ako ka-relate kay Tobey Maguire sa Pleasantville! Siguro kaya ako naging ganun kasi iyun dapat ang era ko kung maaga lang nag-asawa at nagka-anak ang parents ko. O siguro dahil iyun ang trip nila at lumaki ako sa ganung klaseng environment. Talagang may analysis! Haha! :)
5. Hala! Wala na akong maisip na weird tungkol sa akin! Am I predictable and conventional already? Is that weirdness na rin? :P
6. Rice na hinaluan ng milo at scrambled eggs, pwede na ba? Favorite breakfast food ko nung bata pa ako. Tatay ko ang nag-imbento. Tuwing umuuwi ako sa amin sa probinsya at nakikita ng mga magulang ko na iyun ang kinakain ko sa almusal, napapansin ko na parang naluluha sila. Siguro naalala lang nila iyung panahong nakatira pa ako sa kanila. 12 years lang kasi kaming nagkasama ng parents ko sa iisang bahay. Haay. Naiiyak tuloy ako. :)
Naunahan na ako ni Rose sa pag-tag ng ibang friends namin kaya sila na lang ang ita-tag ko (kahit na hindi nagbabasa ng blog ko ang iba sa kanila, haha!) - Sen, Kuya Chuckie, Louis, Bundi, Awetothesome and Bianca.

Subscribe to:
Posts (Atom)