Sige na, hindi ako mahihiya pero nanood ako ng concert ni Yeng last night, yebah! :) Nakakuha kasi ako ng dalawang VIP tickets kaya inimbita ko na si CF na certified Yeng fan dahil crush daw niya (Haha! Joke!). Ako rin naman, humahanga rin sa musicality ng batang ito. Biruin mo, 18 years old lang siya pero halos lahat ng kanta sa album niya, siya ang nagsulat. Pop ditty man o commercial pero pag pakinggan mong mabuti ang mga komposisyon niya, alam mong merong "it" ang bata! Kung hindi siya malalamon ng sistema at patuloy siyang mag-grow as an artist, imaginin mo na lang ang mga kanta na pwede pa niyang malikha 10 years from now.
Siyempre nanood din ako bilang suporta sa kanya kasi naging kasama ko rin siya sa trabaho. Naging katipar pa minsan. Nasubaybayan ko 24/7 ang naging journey niya para marating ang kinalalagyan niya ngayon kaya affected din ako. Haha! At proud din, siyempre.:)
Masaya ang concert! For a first-timer, kineri ni Yeng. Nag-enjoy ang mga fans. Nag-enjoy din ako. Kahit si camera-shy CF, nag-enjoy rin daw siya at hindi lang naman daw dahil sa mga dancers. Haha! Ang pinaka-strength talaga ni Yeng ay kapag kinakanta niya ang mga songs na komposisyon niya o mga gusto niya. Kaya mas nag-excell siya sa mga numbers kung saan kasama niya ang kanyang dating banda na Morning Glory, sa mga numbers na kinanta niya ang kanyang favorite rock classics (expected nang favorite niya si Alanis pero na-surprised ako na kilala niya si Shawn Colvin), at siyempre sa mga numbers kung saan kinanta niya ang mga sariling komposisyon. Medyo okay lang siya sa mga numbers kung saan ginawa siyang Showgirl (meaning song and dance number) o di kaya ay ginawa siyang Sarah (meaning pop/birit songs). Like I said keri naman niya, kaya lang mas nakikita mong ang puso at passion talaga niya ay dun sa naunang prod numbers na sinabi ko. Ironically, mas nagustuhan ng mga fans ang numbers na nagpaka showgirl at Sarah si Yeng.
Ito ngayon ang nakikita kong magiging problema ni Yeng. Kasi obviously, ang career path niya ngayon ay maging next "pop princess". Actually hindi lang problema kundi parang nasasayangan ka rin sa bata. Habang pinapanood ko kasi ang concert, mayroon akong feeling na mas may maibibigay pa siya kung mas nagkaroon siya ng freedom to sing the songs na gusto niya. Kaya lang, the kind of songs that she loves ay hindi pang-Aliw kundi sa rock scene kung saan pwedeng maki-headbang o maki-talon at maki-sing along ang audience. Kaso pag iyun naman ang ginawa niya, 100 percent namang mai-alienate niya ang kanyang mga fans na naging idol siya dahil sa Hawak Kamay at Salamat.
Oh well. Ang sa akin lang, sana kahit pop si Yeng, hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang passion bilang musiko. At kahit sandosenang Thanks To You pa ang ipapakanta sa kanya, makagawa man lang siya ng isang Hawak Kamay, okay na ako.
No comments:
Post a Comment