Rose tagged me. Ayoko sanang patulan kasi feeling ko naman, pinatulan niya lang iyun para...erase, erase, peace Rose! Hahaha! Actually, may nasulat na ako na parang ganito. Dalawa pa nga eh. Ito at ito. Pero sige na, papatulan ko na 'to. Matagal tagal na rin mula nang makapag-post ako ng entry na medyo personal, kahit trivial. :)
The Rule: Each player of this game starts with 6 weird things about himself or herself. People who get tagged need to write a blog entry of their own as well as state the rule clearly. In the end, you need to tag 6 people and list their names. Don’t forget to let them know they’ve been tagged!
Ge, game...
1. Alam niyo ba na since high school, nililista ko lahat ng mga pelikulang napanood ko sa sinehan? Hindi lang date at title ng movie kundi pati director, production company at cast. May ratings pa ako ng bawat movie. Dati 5-star rating ang ginamit ko tapos pinalitan ko ng UP grading system style ng rating. May drawing din na heart kapag nagustuhan ko ang movie and mind you, hindi necessary na mataas ang rating para makakuha ng heart. Nilagyan ko kasi ng heart ang Booba. Haha! Geeky, alam ko! Nasa akin pa ang film notebook ko mula 1996 pero iyung before that, na kay Janette. She promised to give it to me when she goes home to Bindoy.
2. Alam niyo ba na sobrang na-addict ako sa TV show na Survivor? (Sa mga regular blog readers ko, I'm sure alam na ninyo! Haha!). As in wala akong pinalampas na episode mula nang ma-hook ako sa show starting sa Survivor: The Australian Outback. It even came to a point na Survivor na rin ang laman ng mga panaginip ko. Serious! Madalas din akong mag-daydream dati na kunyari castaway ako sa Surivor. Wallpaper ko nung CA pa ako sa Star Cinema, si Ethan Zohn ng Survivor. Nung pumunta dito sina Ethan, Jenna Morasca at Shii-Ann Huang, talagang sumugod ako sa Wazzup Wazzup para makapag-picture sa kanila. (I think the pictures are somewhere in the archives. LOL!). Nung nag film prod ako, nasa mindset ko na parang Survivor ang environment at politics. Ganun ako ka-adik! Pero ang pinaka-ebidensya ng aking pagiging adik sa Survivor ay iyung time na sumali ako sa online game sa Pinoy Exchange kung saan I threatened my friend Marcus na aawayin ko talaga siya kung ilalaglag niya ako sa Final 2. I eventually reached Final 2 but made some enemies kaya naging first runner-up lang. Ligwak sa jury votes. :)
3. Well before, back in high school, I used to talk to myself...aloud and in public! Haha! Para akong schizo tuloy kasi parang may one-man dialogue na nangyayari. Aware naman ako pero ginagawa ko pa rin. Siguro it was my way of dealing with stress. Nasulat ko naman dito dati na indie na ako since I was 12 at wala rin akong best friend noong high school. Kaya hayun, ginawang best friend ang sarili. Tayong mag-isa na lang ang mag-chikahan! Hahaha! Na-realized ko lang na weird ang habit na iyun nung sinabi ni Rica sa akin na nakita niya akong naglalakad sa sidewalk ng Dumaguete na tumatawa habang kinakausap ang sarili. Baliw! :D Rest assured, tapos na ako sa ganung phase although baliw pa rin naman ako paminsan-minsan. :P
4. Dumaan rin ako sa retro phase. Adik sa 60's music. Adik sa Beatles. Adik kay Nora Aunor. Adik sa mga retro na look at get-up. Adik sa mga pelikulang ganun ang tema. Nagwi-wish nga ako dati na sana may time machine para dun na lang ako tumira sa panahong iyun. Oo, ganun ako ka-relate kay Tobey Maguire sa Pleasantville! Siguro kaya ako naging ganun kasi iyun dapat ang era ko kung maaga lang nag-asawa at nagka-anak ang parents ko. O siguro dahil iyun ang trip nila at lumaki ako sa ganung klaseng environment. Talagang may analysis! Haha! :)
5. Hala! Wala na akong maisip na weird tungkol sa akin! Am I predictable and conventional already? Is that weirdness na rin? :P
6. Rice na hinaluan ng milo at scrambled eggs, pwede na ba? Favorite breakfast food ko nung bata pa ako. Tatay ko ang nag-imbento. Tuwing umuuwi ako sa amin sa probinsya at nakikita ng mga magulang ko na iyun ang kinakain ko sa almusal, napapansin ko na parang naluluha sila. Siguro naalala lang nila iyung panahong nakatira pa ako sa kanila. 12 years lang kasi kaming nagkasama ng parents ko sa iisang bahay. Haay. Naiiyak tuloy ako. :)
Naunahan na ako ni Rose sa pag-tag ng ibang friends namin kaya sila na lang ang ita-tag ko (kahit na hindi nagbabasa ng blog ko ang iba sa kanila, haha!) - Sen, Kuya Chuckie, Louis, Bundi, Awetothesome and Bianca.
2 comments:
wow... your really a certefied movie fan... keep up the good work... your such a bundle of talent...
who's this? thanks anyway for visiting my blog. :)
Post a Comment