Random pics....


























Shameless plugging na naman po! Grand Dream Night na tonight ng Pinoy Dream Academy. Sana manood po kayo. Promise, entertaining ang mga production numbers. Based sa rehearsals kanina, I particularly love Yeng & Jay-R's Himala duet, the use of The Dawn's Enveloped Ideas as the umbrella song of the love medley, the fun production number of the faculty and ex-scholars, Panky's version of Queen's We Will Rock you and Yeng's rendition of her own composition Ang Awitin. Alam ko tight ang mga text votes kaya it's anybody's ball game talaga. Personally, I'm rooting for Yeng to win because after all has been said and done, this is still a talent contest and Yeng has "it"! :) Tsaka pinaka plus points talaga niya sa akin is her being a prolific songwriter. 'Yun naman kasi ang edge ng show namin against PI. May mga songwriters kaming contestants. Kaya sana singer-songwriter na commercially-viable ang mananalo sa PDA.
Mami-miss ko rin ang show na 'to. Honestly, mas nag-enjoy ako working dito kesa PBB. Mas clear kasi sa akin ang konsepto ng show and at the same time, I love music. Mami-miss ko rin ang mga alaga namin ni Marcus na scholars. Haha. Na-assign kasi kaming mga SE's to be the handlers/managers of the scholars while they're inside the academy. Napunta sa amin sina Yvan, Davey, Oona & Nyora. Sadly, walang nakapasok sa mga alaga namin sa Honor List of 6 pero mami-miss ko yung mga one-on-one sessions namin with them. Enjoy palang maging manager! :D And for that, I will post my picture with Nyora. Hahaha!
Pero hindi naman puro down lahat. Natuwa ako last week nung may mga bandang nag-guest sa show. Di halata pero mahilig ako sa banda. Haha. Siyempre may mga gusto akong kanta ng Imago, Sponge Cola at Barbie kaya talagang ang saya ko nung nakita ko sila. Yung isang banda, Calla Lily, naririnig ko lang na rising band nga raw pero dahil la na akong time manood ng MTV o Myx, di ako familiar sa music nila. Pero just the same, nagpa-picture na rin ako sa bokalista. Sikat daw sila ngayon eh kaya dapat may pang-asar ako sa mga teenyboppers diyan na fans nila. Parang, beh, may picture ako! Haha! Medyo maangas lang 'tong si Kian. Pa-rockstar attitude. Bata pa kasi. Well sana mali ang impression ko pero impression pa rin 'yun so sana magbago ang bata. Kasi yung mga tunay na rock star hindi naman ganun in real life eh. As with their music, di ko trip. Hehe. Barubal ako noh, pa-picture tapos siniraan! Peace po, peace po sa mga fans! In fairness, mabait naman si Kian sa akin. Impression ko lang po yun.
Pinakanatuwa ako siyempre nung bumisita si Lea. Ang bait! Si Mommy Ligaya, hayun, stage mom pa rin pero oks lang. :) Starstruck kaming lahat ng staff. Pati nga si Lolo, na-starstruck eh. Hehe. Nagpa-picture ako sa kanya siyempre! Sumingit nga lang si Albert pero oks lang, may cropping naman sa Photoshop. Haha! Pero muntik nang mabura ang picture! Actually akala ko talaga nabura kasi di ko makita sa gallery. Napamura tuloy si Albert kasi first time nga raw niyang magpaka-fan tapos na-erase pa ang picture. Haha! :) Nalungkot din ako nun! Once in a lifetime ka nga lang may chance makapagpa-picture kay Lea eh! Kaya natuwa talaga ako nung nag-appear na lang siya bigla sa gallery a few days later. Blurry nga lang pero ayos pa rin basta may remembrance. Hehe. (Hala, I just remember, di pa alam ni Albert na hindi na-delete ang pic!)
Pretty much uneventful ang araw but believe me, sa dami ng bad luck ko these past few days, uneventful is olrayt! Haha. Pero pagdating ng gabi, natuwa ako. Dumating kasi si Mig Ayesa para mag-guest sa show. Papayag ba naman akong hindi makapagpa-piktyur?!? (See left!) Bait niya! Down to earth. Masyado ngang wholesome eh, di mo aakalaing naging contestant ng isang rock singing contest. Bait din ng wifey. Naka-chikahan ko ng konti dahil dun siya tumambay sa office para mapanood sa live stream ang hubby niya. Saya! :)
