I just had a chat with a friend that lasted till early morning where I realized how olats I am when it comes to courtship. I've observed how the relationship of the two has evolved and wala akong masabi but bow ako sa style niya. It's very simple actually pero hindi lang nagagawa ng karamihan sa atin because we're overpowered by our emotions. Wanna know what?
He offered friendship.
'Yun lang. Madali sabihin di ba? Pero mahirap gawin para sa iba kasi 'yun na nga, nadadala na sa bugso ng damdamin (lalim!) at nang hindi na makapagpigil, they push themselves too hard to the "friend" who by then will feel betrayed by their actions.
I'm in awe actually with how my friend did it and he's always been saying to me before pa na sa friendship raw talaga dapat magstart. (That's how his past relationships started and even with this current one, he never admitted his love first.) Now, they're super best of friends and while di pa sila official, nothing can beat their sweet text messages to each other. Panalo! :) I mean, how much more pag sila na which I think will happen sooner. In a way, kinikilig nga ako sa kanila eh, kasi parang pigil na pigil ang emotions nila pero you know there is something between them that they can't yet admit.
His stories remind me why I'm olats when it comes to courtship kasi wala akong kafinesse-finesse na tao. LOL! :) Comparing what I usually do to what he's doing, olats talaga ako. 'Yun naman talaga basically ang problema ko. When I feel something for a particular person, di ko mapigilang sabihin agad sa taong 'yun na gusto ko siya. Kaya more likely than not, magiging apprehensive na siya sa akin and a beautiful friendship that would have evolved will not happen. Di ko alam eh pero ang hirap kasi magpigil ng emosyon. I am too transparent to a fault.
Isa pang olats ako, those sweet text messages that you send to the person you admire! Hahahaha! Wala ako sa kalingkingan ng kakayahan niya sa paggawa ng mga text messages na ganun! I don't know. I'm a talkative person but when it comes to expressing love, napaka limited lang ng vocabulary ko. Kaya usually, hanggang "ingat ka", "goodnight", "take care" lang ang nati-text ko. Eh if you tell me those are not boring text messages, ikaw na siguro ang para sa akin. Hahahaha! Tsaka there's something about me na a simple text such as "pa-hug" eh parang manyak na ang dating. LOL! :D
Hay... he's Mr. Suave and unfortunately, I'm not one.
I will just be true to myself. Love will come my way din. Yes. I still believe. :)
January 26, 2007
January 22, 2007
But I'm A Talent Manager!
Ello! I just got back from a trip to a province down south for a very important mission. It was work but it was fun! Sobrang nangangati na ako to share it with you guys pero di pwede kasi it means spoiling someone for the new show at ayokong ma-evict just because of a blog entry. Hahaha. Now, that's a clue! :) I've probably 10-plus pages of report to write later, sana matapos ko before the deadline.
Isi-share ko na lang sa inyo ang developments sa aking raket bilang talent manager. Karir na ito, woohoo! LOL! :D Remember my friend who wanted me to manage him? So yun, he and I were supposed to meet during the Indie Sine premiere last Tuesday. I told him we could establish connections there and even asked Michiko to intro me and my talent to her filmmaker friends. Sa kasamaang palad, he got stuck in traffic in Makati so hindi siya nakapunta. Sabi ko, patay, pano ko kaya ito mabebenta? Hahahaha! I told you naman di ba that I haven't seen him in 3 years and I have no idea about his acting capability! Pero kebs na, go pa rin!
MICHIKO: Jade, Ned, si Beatlebum, may bago nang karir!
ME: Uy, may talent ako! Ilagay nyo naman sa Endo!
JADE/NED: (confused) Ano?
ME: (holding back laughter) Talent manager ako!
Silence. Laughter. :D
Ayaw nilang maniwala, amp! Hahaha! :D Without me intending to, it just sounds funny every time I say may talent ako. LOL!:)
MICHIKO: Ay Khavn, si Beatlebum... Beatlebum, si Khavn de la Cruz!
KHAVN: Hi! (shakes hands)
MICHIKO: Uy Khavn, me talent si Beatlebum!
KHAVN: Talaga?!
ME: (smiling broadly) Oo, may talent ako! Soccer player siya sa Ateneo!
KHAVN: Ah, nagsa-soccer ka?
ME: Hindi. Yung talent ko na gustong mag-appear sa indie, soccer player siya sa Ateneo! Kunin mo naman! (kapal muks!)
Khavn with a confused look. Can't hold back my laughter already.
ME: (in between laughter) Talent manager ako!
Hahahaha! Paano kaya ako seseryosohin nito? Pati ako natatawa! :) In fairness to me, I did get some audition dates and that's more than enough.
So yun, last Wednesday, my talent and I talked for hours on the phone. He already have his studio pics taken (all expenses paid by him, naman!) pero I just felt na hindi talaga siya seryoso kasi ilang beses na kaming nag-plan to meet up and ilang beses ko na siyang sinabihan to email me his pics and biodata, eh wala pa ring nangyayari up to that day. Worry ko lang, I'll be busy already with the new show at di ko na siya maasikaso. Tsaka siyempre kahit papano, gusto ko rin namang kahit trip-trip lang 'to, meron din kaming ginagawa.
Nag-usap kami and made it clear to ourselves na we're doing this foremost, FOR FUN.:) No pressure at all. Wag niya akong i-pressure dahil di ko nga 'to maku-consider na sideline kasi trip trip nga lang. Wag ko rin siyang i-pressure, soccer and finishing school are still his first priorities. Auditions for Endo would be the following day kaya nilubos na namin ang oras and had a line reading on the phone. (Naks, hahaha!). It would be his first audition, heck the first acting he'll do in his entire life at ayokong mapahiya. Waaah! He promised me, di ako mapapahiya. Sige na nga! :)
Finally, just hours before his first audition, nakita ko na rin ang talent ko! Hahahaha! Same pa rin naman ang itsura niya pero nag-mature ng konti. He showed me the studio pics and in fairness, photogenic siya. Kamukha niya si Tony Leung! (Bentang benta na ba?! Hahahaha!). Natuwa rin ako kasi, alam nyo yun, kaswal lang siyang manamit, parang di nag-effort. So sabi ko, aba confident! At least, alam kong di bading ang talent ko. Pag sisikat, walang closet issues. Hahahahaha! Hindi siya stereotypically gwapo pero kilala ko na siya before and masasabi kong me charisma ang bata. Ngayon, 'yung acting na lang! :)
Pumunta na kami sa audition venue tapos ayun, sinalubong kami nina Michiko at Ned. Siyempre, kapal muks na ako at manager na manager na ako. Haha! Funny thing is, kahit yung talent ko, natatawa sa pinanggagawa namin. Sobrang hindi kami yun eh. Di ko na siya sinamahan sa audition niya sa taas with Jade. Basta enough na yung confidence niya at yung acting tips na binigay ko as former assistant director in mainstream cinema. Naks naman! :)
Hanggang dito na lang muna kasi wala pa yung results sa audition. Pero overall, nag-enjoy kami pareho ng talent ko. Hahaha! We did something new for the first time and oks naman pala. Ang saya pala! Pati talent ko, text ng text pagkatapos na nag-enjoy siya! And while hindi nga niya ako napahiya based on the very positive feedback I got from Michiko, I don't wanna get my hopes high muna hangga't di pa binibigay ang results. :)
Sa ngayon, we're looking forward to our next audition. Me alam ba kayo? Hehehe. And tulad ng sinulat ko, commercial modelling and indie cinema kasi ang gustong i-try ng talent ko. I've contacts sa indie pero virgin talaga ako sa mga ad agencies. May mga mababait ba diyan na pwede akong bigyan ng contacts for tv and print commercials? Manager na manager na ba ang dating ko? May mangyayari kaya sa amin dito?
Susunod! :D
January 15, 2007
A Wake!
Hi guys! Nasa Manila na ako. Waaah! Back to work na naman. Actually late na ako for work dahil nag-start na ngayon ang mga co-workers ko doing a top secret mission. Excused lang ako dahil namatayan ako ng relative sa probinsya at ngayon pa ang balik ko. Truth to tell, nung sinabi ni Marcus sa akin ang gagawin naming mission, naexcite talaga ako. Gusto ko ring mag-ganun! (Sorry if di ko pwedeng sabihin kasi secret nga! Hehe!) On the other hand, di rin pa ako prepared for the actual work sa show. Kararating ko nga lang ngayon and mukhang andami ko pang personal chores na dapat asikasuhin.
Tumaba ako, sabi nila. Pumayat na ako dapat eh pero wala kasing tigil ang ulan sa province for the past week. Di na ako nakapag-breeze walk. Nakakulong lang ako sa bahay lagi. Kaya ayun, tabachoy at double chin ang epekto! :)
Nilibing na pala si Lola Ising kahapon. Di naman ako senti na tao pero naiyak rin ako nung nag-speech si Yuri, distant cousin ko at apo niya. Laking Papua New Guinea si Yuri kaya ang memories niya kay Lola Ising ay 'yung mga bakasyon niya sa Pinas nung bata pa siya. Biglang na-reminisce ko tuloy ang childhood ko kung saan part din si Lola Ising ng mga memories. Palagi kasi kaming naglalaro ng distant cousins ko sa bahay nila noon. Hay. Actually nung bumalik ako sa bahay na yun sa wake, andami kong naalala. Mga alaalang akala ko nakalimutan ko na. Ang sarap maging bata, shet! :) Kaka-senti rin dahil sa mga apo niyang childhood friends ko, isa na lang talaga ang medyo close ko pa hanggang ngayon. Si Tyn na lang. Siguro dahil batchmates kami. Tsaka iba na rin kasi talaga mga personalities namin nung lumaki na kami eh.
Galing rin si Tyn sa ibang bansa (sa Australia) kaya nung dumating siya sa Pinas last Monday, parang naging elementary reunion part 2 na ang wake. Part 2 tapos times 4 pa. Kasi for 4 days straight, lamay kami dun hanggang 5 ng madaling araw. Kwentuhan, inuman, baraha, yosi... unhealthy stuff kaya mas lalo akong tumaba pero okay lang kasi once in a blue moon lang naman. Tsaka masaya naman dahil naka-bonding ko ulit ang ilan sa mga elementary friends kong naka-based pa rin sa hometown namin. Yun nga lang, pagdating ng 4th day, nagkasakit ako. Umandar na naman ang sinusitis ko. I spent the whole day sleeping kaya yun, nag triple na ang excess baggage. :)
Below are some pictures courtesy of Tyn. The rest of the pics are in My Multiply!

January 06, 2007
I'm Only Happy When It Rains!
Ang unfair talaga ng weather! Di ba sinabi ko nang every time na gumigimik ako dito sa amin, palaging umuulan? Ayun, nung last gimik namin before balik ni Andrew ng Maynila, ang lakas na naman ng ulan. Naulanan ako pag-uwi. Ang ending, umandar na naman ang sinusitis ko with matching migraine. Ang sakit talaga! Akala ko nga lalagnatin na ako. Oks na ako ngayon pero ang weather, ang sama pa rin. Hindi tuloy natuloy ang mga high school classmates ko na pumunta samin. Ganto kasi yun, instead na sa onse ang balik ko ng Maynila, ginawa ko nang 14 kasi nga ininvite ko ang mga HS classmates ko na mag-Dakak. Go na sana sila, naayos ko na ang hotel reservation pati ang renta ng sasakyan pero hayun, si weather, di pa rin nagku-cooperate. Nagdesisyon na lang sila na di na tumuloy. Hindi na yata talaga ako makapag-Dakak. Phew!
Kasabay pa ng malalakas na ulan, dumating rin ang balita na namatay na si Lola Ising. Distant relative namin siya pero medyo close ako sa kanya nung bata pa ako. Kalaro ko kasi dati yung mga apo niya at dun kami palaging naglalaro sa bahay nila. Matanda na rin siya, 94 years old, kaya hindi na rin biglaan ang kanyang pagkamatay. Oras na niya talaga kaya ipinagdarasal ko na lang that she'll rest in peace. Darating daw from Ausralia sina Tyn at Yuri. Sila yung mga apo niya na kalaro ko dati. Si Tyn yung na-meet ni Michiko sa Brisbane nung na-invite ang Maxi sa filmfest dun. Matagal ko na ring di na-meet si Tyn, pati na rin ng mga elementary classmates namin, kaya baka may mini-reunion on the side when she arrives.
Alam nyo, dahil sa dalawang araw na di ako nakalabas ng bahay dahil sa weather, andami ko tuloy na naiisip na mga walang kwentang bagay. Hahaha! Well, di naman walang kwenta talaga pero alam nyo 'yung mga bagay na di mo naman naiisip kung mayroon ka lang ibang pinagkakaabalahan. Mga purely techie stuff like nagwa-wonder ako kung meron bang phone na pwedeng ipagsabay ang dalawang SIM cards kasi Smart user ako pero karamihan sa mga contacts ko ay Globe. Gusto ko sanang lumipat na sa Globe pero ayoko rin namang iwan ang Smart dahil yung mga housemates ko, yung family ko at yung provincial friends ko, Smart users sila. Isa pa, Smart cellphone ang dahilan kaya ako nakakapag internet ngayon dito sa province without going to cybercafes. So nag-research ako sa net at nalaman kong wala pa talagang phone na me ganong capability. Iniisip kong mag-dalawang phones na lang pero parang di rin praktikal para sa akin. Tapos sa pagri-research ko, nadiscover ko na meron na palang PLDT Weroam kung saan you can surt the net anywhere via this chip that they'll insert sa laptop mo na nakakakuha ng Smart signal. Naisip ko, kung meron lang akong ganun, pwede na sigurong mag-switch na talaga ako sa Globe kaso naman, 1,700 pesos ang monthly fee. Di naman ganun ka-stable ang job ko para magbayad ng ganun kamahal. Sana dumating ang time na magiging mura na ang Weroam. Tapos isa pa, dahil dun bigla kong naisip ang laptop ko na kailangan na talagang palitan ang casing dahil ang dumi dumi na, nakakahiyang ilabas. Ayoko rin naman kasing bumili ng bagong laptop kasi okay na ako dito eh. So kita nyo na, napaka walang kwenta ng mga iniisip ko! Hahahahaha! At isang topic pa lang yan ha!
Sana the sun will come out tomorrow. :)

January 03, 2007
Bagong Simula
I think I started the new year on the right note. Natakot nga akong baka hindi because just mere moments before 2007, there was some pretty heated exchange of emails that happened. But all's well that ends well and I would like to believe everything is back to normal between the two of us - being friends that is. That's the most I could ask for and I am very happy. To tell you the truth, I was rejected anew but ironically, instead of being sad, it actually made me feel happy and free. Na-realized ko na baka yun lang ang hinihintay ko, na i-acknowledge niya ang feelings ko; not reciprocate, but acknowledge lang. I also realized na baka nga nagka-relapse lang ako. I've been so busy with work for PDA for the past 4 months na nung bigla akong nagkaroon ng free time at walang trabahong iniisip, parang nabuksan ang aking vulnerability and insecurity as a person. That's the thing that I actually don't like with my PBB/PDA stints. By the time the season's over, para rin kayong housemates o scholars na kailangang mag-adjust na naman muli sa outside world. I don't think I'm exaggerating on this.
I do would like to thank my friends who've read the previous entries and gave me some comforting words. I'm just sorry I cannot divulge the real story because I'm protecting the persons involved. I hope you all understand. Pasensya na talaga kung nagsi-share kayo ng love stories nyo pero hindi ko magawang mag-share ng sa akin. Basta wag kayong mag-alala, like I told you before, whenever the time comes na magkaka lovelife na ako, sasabihin ko sa inyo. Hindi ko 'yun itatago.
I received so many "move on" advices actually but one pretty interesting advice I got was from my friend RT. RT told me you can't do anything but just to love unconditionally. Tuloy napaisip ako. Kaya ko bang magbigay ng unconditional love sa taong mahal ko? Kayo, kaya nyo ba? I've thought about it and personally, I feel na kaya ko. But then again, I replied to RT, while my heart's feeling "it", my mind's telling me that there's a thin line between unconditional love and martyrdom. :) Do I make sense? I need your thoughts on this. Sabi ko pa sa kanya, kaya ko pa ngang alagaan at i-aruga ang taong 'yun eh pero does that make me a DOM at a young age? LOL! :)
My friend Nethrow on the other hand told me na iiyak ko lang daw ng iiyak dahil darating din ang time na magsasawa na ako sa kaiiyak and mari-realize ko na lang na shet, bakit ba ako umiiyak. That's what I would love to do actually. Gusto kong umiyak. 'Yung pamatay na free flowing tears. Mabigat yun pero masarap ang feeling afterwards. Problema ko lang, wala akong pwedeng maiyakan dito sa province. I feel so alone here because I have no one to turn to for my problems. Kailangan ko lang talaga ng mahingahan ng lahat, tapos iiyak ako ng todo todo, then bibigyan ako ng taong hiningahan ko ng matinding comforting hug. Awwww...
Before nangyari itong matinding relapse na 'to, I was planning to take a long break dito sa province. Pero ngayon parang gusto ko nang bumalik sa Maynila para magpa-kabusy ulit sa trabaho. I need the diversion. Naisip ko nga na going to Dakak alone might be a bad idea already. Kasi anong gagawin ko dun, mag-eemote nang mag-isa?! Ampanget! :D Besides, it's always raining here. Kagagaling ko lang sa gimik ngayon with childhood friends pero ang lakas ng ulan. Honestly, lahat ng mga naging lakad ko dito, palagi kaming inuulan. Sign ba yun? :)
Nagi-guilty ako sa parents ko when I told them that I might fly back na to Manila next week. They're expecting me to stay longer. Mahirap kasi hindi ko masabi sa kanila na I need to fly back already for my own sake. You might wanna say, why don't you communicate with your parents about this? Thing is, we are not that kind of family lang talaga. We love each other in silence. :)
Andami kong balak actually na gawin pagdating sa Maynila. Aside from attending reunion get-togethers with college friends and co-internet gamers, I will also hunt na for a new apartment. I also plan to get back to the gym and this time, be disciplined about it already. (Suggest to me a good gym within QC, by the way! :D) Gigimik rin daw ako with Marcus (workmate), tapos with Roy (college blockmate), tapos with Andrew (kababayan). Ewan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga gimikerong 'yun. Hehe. Mas masaya, I think I'm going to help Michiko and Jade with the pre-production of their new indie "ENDO" for Cinemalaya 2007. Magiging talent scout daw ako. Hahahaha. Di ko alam kung tuloy pero I think that's fun.
Pero ang pinakana-excite ako, if things will push through, I will try this talent manager thingy. Katuwaan lang siya nung una. Alvin, who I used to work with in My First Romance as John Lloyd's soccer coach, YM-ed me saying he's off for a sem in Ateneo and wanted to try out showbiz. Kung pwede ko raw siyang i-manage. Natawa talaga ako dun pero since I thought it was a joke, I casually replied na "oo ba!". Aba, New Year's Eve na New Year's Eve, biglang tumawag talaga sa cellphone dahil seryoso na pala siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko, maybe it's the fact na nag-enjoy ako sa pagiging SE Manager nina Nyora, Davey at Yvan sa PDA, pero bigla kong naisip, why not! Hahaha. Kaya ngayon, I'm reestablishing contacts na sa TV and movies. Mahirap din kasi 2 years na akong hindi nag-production work at bago na ang mga tao ngayon. Nakakatawa lang kasi to tell you honestly, wala talaga akong alam how this talent manager thingy works so hihingi pa ako ng advice kay Direk Jillmer pagbalik ko ng Maynila. Naging talent manager kasi siya before. Isa pang nakakatawa, I haven't seen Alvin since My First Romance. I don't know how he looks like now and more funny, I don't even know his acting capability. Sabi naman niya, kung pwedeng commercial modelling or sa indie films muna siya. Ako kasi, as manager, iniisip ko sanang mag reality show na lang siya kasi 'yun ang magbibigay ng instant fame eh pero I have to respect my talent, you know. Hahahaha! Problema ko ngayon, virgin ako sa mga ad agencies kaya nagsi-search na ako ng mga contacts dun. Wala naman akong problema sa portfolio niya kasi rich kid eh, siya na raw ang bahala sa mga pictures niya. Hahaha! Eh di ayus! Kasi di ba, usually mga talent managers ang gumagastos for their talents? Mukhang other way around sa mokong na 'to. Trip trip lang kasi niya 'to habang naghihintay siya for his studies next sem. Astig na trip noh? Sana ganun rin ako. Kung trip kong gawin ang isang bagay, go agad! :)
Natatawa lang talaga ako kasi di ko pa alam kung anong magiging kalalabasan nito. The thing is I don't think rin naman na gagawin ko itong career, trip trip lang din tulad niya. (Onga noh, parang ganun na rin pala ako nung umoo as talent manager niya, trip lang kaya go! ) Basta, at least masasabi ko na for 2007, I did something for the first time. ;)

Subscribe to:
Posts (Atom)