Ello! I just got back from a trip to a province down south for a very important mission. It was work but it was fun! Sobrang nangangati na ako to share it with you guys pero di pwede kasi it means spoiling someone for the new show at ayokong ma-evict just because of a blog entry. Hahaha. Now, that's a clue! :) I've probably 10-plus pages of report to write later, sana matapos ko before the deadline.
Isi-share ko na lang sa inyo ang developments sa aking raket bilang talent manager. Karir na ito, woohoo! LOL! :D Remember my friend who wanted me to manage him? So yun, he and I were supposed to meet during the Indie Sine premiere last Tuesday. I told him we could establish connections there and even asked Michiko to intro me and my talent to her filmmaker friends. Sa kasamaang palad, he got stuck in traffic in Makati so hindi siya nakapunta. Sabi ko, patay, pano ko kaya ito mabebenta? Hahahaha! I told you naman di ba that I haven't seen him in 3 years and I have no idea about his acting capability! Pero kebs na, go pa rin!
MICHIKO: Jade, Ned, si Beatlebum, may bago nang karir!
ME: Uy, may talent ako! Ilagay nyo naman sa Endo!
JADE/NED: (confused) Ano?
ME: (holding back laughter) Talent manager ako!
Silence. Laughter. :D
Ayaw nilang maniwala, amp! Hahaha! :D Without me intending to, it just sounds funny every time I say may talent ako. LOL!:)
MICHIKO: Ay Khavn, si Beatlebum... Beatlebum, si Khavn de la Cruz!
KHAVN: Hi! (shakes hands)
MICHIKO: Uy Khavn, me talent si Beatlebum!
KHAVN: Talaga?!
ME: (smiling broadly) Oo, may talent ako! Soccer player siya sa Ateneo!
KHAVN: Ah, nagsa-soccer ka?
ME: Hindi. Yung talent ko na gustong mag-appear sa indie, soccer player siya sa Ateneo! Kunin mo naman! (kapal muks!)
Khavn with a confused look. Can't hold back my laughter already.
ME: (in between laughter) Talent manager ako!
Hahahaha! Paano kaya ako seseryosohin nito? Pati ako natatawa! :) In fairness to me, I did get some audition dates and that's more than enough.
So yun, last Wednesday, my talent and I talked for hours on the phone. He already have his studio pics taken (all expenses paid by him, naman!) pero I just felt na hindi talaga siya seryoso kasi ilang beses na kaming nag-plan to meet up and ilang beses ko na siyang sinabihan to email me his pics and biodata, eh wala pa ring nangyayari up to that day. Worry ko lang, I'll be busy already with the new show at di ko na siya maasikaso. Tsaka siyempre kahit papano, gusto ko rin namang kahit trip-trip lang 'to, meron din kaming ginagawa.
Nag-usap kami and made it clear to ourselves na we're doing this foremost, FOR FUN.:) No pressure at all. Wag niya akong i-pressure dahil di ko nga 'to maku-consider na sideline kasi trip trip nga lang. Wag ko rin siyang i-pressure, soccer and finishing school are still his first priorities. Auditions for Endo would be the following day kaya nilubos na namin ang oras and had a line reading on the phone. (Naks, hahaha!). It would be his first audition, heck the first acting he'll do in his entire life at ayokong mapahiya. Waaah! He promised me, di ako mapapahiya. Sige na nga! :)
Finally, just hours before his first audition, nakita ko na rin ang talent ko! Hahahaha! Same pa rin naman ang itsura niya pero nag-mature ng konti. He showed me the studio pics and in fairness, photogenic siya. Kamukha niya si Tony Leung! (Bentang benta na ba?! Hahahaha!). Natuwa rin ako kasi, alam nyo yun, kaswal lang siyang manamit, parang di nag-effort. So sabi ko, aba confident! At least, alam kong di bading ang talent ko. Pag sisikat, walang closet issues. Hahahahaha! Hindi siya stereotypically gwapo pero kilala ko na siya before and masasabi kong me charisma ang bata. Ngayon, 'yung acting na lang! :)
Pumunta na kami sa audition venue tapos ayun, sinalubong kami nina Michiko at Ned. Siyempre, kapal muks na ako at manager na manager na ako. Haha! Funny thing is, kahit yung talent ko, natatawa sa pinanggagawa namin. Sobrang hindi kami yun eh. Di ko na siya sinamahan sa audition niya sa taas with Jade. Basta enough na yung confidence niya at yung acting tips na binigay ko as former assistant director in mainstream cinema. Naks naman! :)
Hanggang dito na lang muna kasi wala pa yung results sa audition. Pero overall, nag-enjoy kami pareho ng talent ko. Hahaha! We did something new for the first time and oks naman pala. Ang saya pala! Pati talent ko, text ng text pagkatapos na nag-enjoy siya! And while hindi nga niya ako napahiya based on the very positive feedback I got from Michiko, I don't wanna get my hopes high muna hangga't di pa binibigay ang results. :)
Sa ngayon, we're looking forward to our next audition. Me alam ba kayo? Hehehe. And tulad ng sinulat ko, commercial modelling and indie cinema kasi ang gustong i-try ng talent ko. I've contacts sa indie pero virgin talaga ako sa mga ad agencies. May mga mababait ba diyan na pwede akong bigyan ng contacts for tv and print commercials? Manager na manager na ba ang dating ko? May mangyayari kaya sa amin dito?
Susunod! :D
2 comments:
haha ngayon ko lang nabasa to. flashback. magaling si alvin sa endo. sana mag-agree ka pag napanood mo na pelikula. :)
hahaha! nakakahiya! :D thanks jade! kunin mo ulit si alvin sa next project ha! hahahaha!
excited na ako sa endo!!!!! :D
Post a Comment