Hi guys! Nasa Manila na ako. Waaah! Back to work na naman. Actually late na ako for work dahil nag-start na ngayon ang mga co-workers ko doing a top secret mission. Excused lang ako dahil namatayan ako ng relative sa probinsya at ngayon pa ang balik ko. Truth to tell, nung sinabi ni Marcus sa akin ang gagawin naming mission, naexcite talaga ako. Gusto ko ring mag-ganun! (Sorry if di ko pwedeng sabihin kasi secret nga! Hehe!) On the other hand, di rin pa ako prepared for the actual work sa show. Kararating ko nga lang ngayon and mukhang andami ko pang personal chores na dapat asikasuhin.
Tumaba ako, sabi nila. Pumayat na ako dapat eh pero wala kasing tigil ang ulan sa province for the past week. Di na ako nakapag-breeze walk. Nakakulong lang ako sa bahay lagi. Kaya ayun, tabachoy at double chin ang epekto! :)
Nilibing na pala si Lola Ising kahapon. Di naman ako senti na tao pero naiyak rin ako nung nag-speech si Yuri, distant cousin ko at apo niya. Laking Papua New Guinea si Yuri kaya ang memories niya kay Lola Ising ay 'yung mga bakasyon niya sa Pinas nung bata pa siya. Biglang na-reminisce ko tuloy ang childhood ko kung saan part din si Lola Ising ng mga memories. Palagi kasi kaming naglalaro ng distant cousins ko sa bahay nila noon. Hay. Actually nung bumalik ako sa bahay na yun sa wake, andami kong naalala. Mga alaalang akala ko nakalimutan ko na. Ang sarap maging bata, shet! :) Kaka-senti rin dahil sa mga apo niyang childhood friends ko, isa na lang talaga ang medyo close ko pa hanggang ngayon. Si Tyn na lang. Siguro dahil batchmates kami. Tsaka iba na rin kasi talaga mga personalities namin nung lumaki na kami eh.
Galing rin si Tyn sa ibang bansa (sa Australia) kaya nung dumating siya sa Pinas last Monday, parang naging elementary reunion part 2 na ang wake. Part 2 tapos times 4 pa. Kasi for 4 days straight, lamay kami dun hanggang 5 ng madaling araw. Kwentuhan, inuman, baraha, yosi... unhealthy stuff kaya mas lalo akong tumaba pero okay lang kasi once in a blue moon lang naman. Tsaka masaya naman dahil naka-bonding ko ulit ang ilan sa mga elementary friends kong naka-based pa rin sa hometown namin. Yun nga lang, pagdating ng 4th day, nagkasakit ako. Umandar na naman ang sinusitis ko. I spent the whole day sleeping kaya yun, nag triple na ang excess baggage. :)
Below are some pictures courtesy of Tyn. The rest of the pics are in My Multiply!
No comments:
Post a Comment