Alas dos na ng madaling araw at alas siyete pa mamaya ang pull out namin for shoot pero heto, gising pa rin ako, nagsusulat sa blog na 'to. Depressed na naman kasi ako. Ano pa ngang bago? Hehe. Actually, na-realized ko na may pattern ang mga depressed moments ko. Kung masugid kayong tagasubaybay ng blog na 'to, siguro na-noticed nyo na rin yun.
Una, na-realized ko na pag malapit na ang Holy Week, nadi-depress ako. Well siguro predictable ang reason na yun. Holy Week reminds me of my family kasi dahil buo talaga kaming magkapamilya pag semana santa. Hindi ako nakauwi last year kaya nalungkot ako at mukhang hindi na naman ako makakauwi this year. Hay. Hindi naman kami ganon ka-bonding ng pamilya ko pero ewan, I find solace and peace pag umuuwi ako sa amin or every time I'm with my family. Miss ko na sila.
Na-realized ko rin na, pangalawa, nadi-depress ako pag nagsa-start sa bagong trabaho. Grabe kasing stress at pressure sa part ko. Ayoko munang magsalita tungkol sa bagong show ko kasi nga wala pang kasiguraduhan. Di mo alam, bukas makalawa, shelved na pala ang proyekto mo pero if ever mang matutuloy 'to, sobrang malaki ang responsibility ko. Ako kasi ang headwriter ng bagong show. Nakapag-headwrite na naman ako dati sa youth show ko pero iba ang genre nito. Reality show 'to. First time ko na ngang mag-reality, headwriter pa. Iniisip ko pa lang ang maaaring magiging problema ng show, sumasakit na ang ulo ko. Alam naman natin (ay sorry, kami lang palang mga insider ang nakakaalam) ang beaurocracy sa mainstream television kaya mas lalong mahirap. Conflict of ideas pa lang sa mga tao sa taas, talo na ang mga tao sa baba na sumusunod lang sa utos nila. Hay, I'm nervous. (Naaalala ko si Sandara Park every time na sinasabi kong I'm nervous. Haha. Hindi ko alam kung bakit.)
Ang pangatlong realization ko ay nadi-depress ako pagkatapos ng isang masayang gimik o moment. Cliche na nga kung matatawag pero yun nga daw ang circle of life di ba. Pag happy ka ngayon, sad ka bukas. Kung up ka ngayon, there's no other way but to go down. Kagabi kasi, gumimik kami ng mga kasama ko sa bagong trabaho at sobrang ang saya. Kaya lang, pagkatapos ng inuman (oo na, na-break ko na ang aking New Year's resolution kahit na isang bote lang naman ng San Mig light) at kantahan (videoke gimmick ano pa nga ba?), sa hindi ko maintindihang dahilan, bigla akong nalungkot. Nainggit kasi ako sa mga tao sa paligid ko. (Corny alert!) They're all in love. Hindi ko ibig sabihin na lahat sila may girlfriend o boyfriend. Ang ibig ko lang sabihin, lahat sila walang takot na nagmamahal. (Sabi ko, corny alert di ba? :D) Ang problema ko kasi, ako, hanggang crush crush lang pero natatakot talaga akong dalhin ang emotions ko to the next level. Alam mo yun. O di kaya masyado na akong jaded kaya minsan oblivious ako o di kaya sina-shun ko na agad ang pwede kong ma-feel na emotions. Malabo ba ako? Ugh! Gusto ko lang main-love, yun lang! Pero ang hirap! Natatakot ako! Natatakot akong ma-reject. Natatakot akong masaktan. Masyado akong ma-pride. Insecure lang siguro ako. Maliban sa isa (and that was a loong time ago), wala pa akong nakilalang tao na nagkagusto sa akin bilang boyfriend material.
Tigilan ang keso. (Stop the cheese! Hehe.) Tulog na ako.
1 comment:
Here's a thought -- when you're at the bottom emotionally, there's no other place to go but up. :)
Plus there's at least one good thing about your current situation -- you haven't expressed worries about your finances for a while now. :)
Post a Comment