March 06, 2005

Subic Outing

Hi guys! I just got back from Subic at sobrang ang saya saya! Hahaha :) Our youth show had this victory outing slash press conference kaya kami pumunta dun. Ang saya ko kasi first time kong mag beach outing since...actually di ko na maalala ang last time. Hehe. :) Kaya sabihin na nating para akong ibong nakawala sa kanyang hawla dun (gasgas na linya pero parang yun na rin yun! Haha!:D) Inisip ko rin kasi na parang matagal pa bago ulit ako makapag-outing sa beach kasi nga starting next week (help me Lord), kayod na ulit ako para sa bagong show! Akala ko nga hindi na ako makakasama sa outing! Di kasi ako pinayagan nung direktor ng bago kong show na sumama kasi marami pa kaming gagawin. Buti na lang pinakiusapan siya ng unit head namin! (Thanks Direk! :D) YEBAH! Jologs ng yebah noh pero gusto ko siya! Hahahaha! Parang wapak at bangis! Jologs na jologs! :D

Masaya rin pala kasi kasama ko ang mga friends ko na sina Michiko, Emman at Waterfowl. Supposedly brainstorm outing talaga yun for us creative team members pero ang nangyari, (hehe muna ako), mga 1 hour lang kaming nag-brainstorm, the rest, gimik na! Wala kaming ginawa dun kundi ligo sa pool, food trip, videoke, tulog sa duyan, laro...bangis talaga! :D Pinakamasaya sa lahat para saken yung nag-pool basketball kami. Pahirapan kasi maka-score kaya intense kuno ang laro! Mas mahirap pa nga siya for me. Sabihin na lang nating hindi ako marunong magbasketbol at hindi rin ako marunong lumangoy kaya... you get the picture?! Hahaha :D Pero panalo teams ko ha! Tsaka nakakascore din ako! Ayos! :D

Ang tanga-tanga ko nga lang, wala na palang battery ang digicam na dinala ko kaya wala akong nakuhang pics. :( Pero okay na rin yun. Siguro pag me battery ang cam ko, hindi ako gaanong mag-eenjoy kasi uubusin ko lang ang oras ko sa pagpi-picture taking! Hahaha! Camera whore, remember?! :D Pag may nag-email sa akin ng pics, post ko agad dito, pramis!

P.S. May hangover pa rin ako ngayon. Di ko masimulan trabaho ko. Waaah!
P.P.S. First taglish entry ko ata 'to. Ayos palang magsulat ng ganto! Mas mabilis!
P.P.P.S. Na-realize ko sa Subic na ang taba ko na nga. Dapat mag-gym na ako. Gusto ko ng isang katawan na hindi nakakahiya pag nagbi-beach outing. Hahahahaha! :D

1 comment:

cf said...

Inggiiiiiiiitt!!!!!! hehe!