August 20, 2007
Shameless!
Why Does It Always Rain On Me?
Don't Look Back In Anger
Gusto n'yo yan ha! Gusto n'yo yan ha! Heto pang sa inyo!:D
Sayang Na Sayang
Tamis Ng Unang Halik
Yakap Sa Dilim
Kung Ako Na Lang Sana
I'll Never Get Over You (Getting Over Me)
August 13, 2007
Kilig!

August 08, 2007
D.A.N.C.E.!
And check out this music video. I think it's the coolest among all the Video of the Year nominees.
August 04, 2007
Locked In!
Actually, akala ng mga tao kaya ko ito tinanggap kasi kailangan ko ng pera. Tama naman na kailangan ko ng pera pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko tinanggap 'to. Kung pera man lang ang pag-uusapan, TV raket na sana ang pinili ko. Mas malaki pa ang kikitain ko dun. Pero tama nga na kailangan ko ng mga raket kasi isang taon akong mawawalan ng regular na trabaho dahil dun sa mga changes sa sinasabi ko.
Sige na nga, tama na ang pasikot-sikot. Iyung good news na dahilan ng mga changes na mangyayari sa buhay ko ay ito - magiging estudyante ulit ako. Ayun! Haha. Kakainis na binitin ko kayo noh, tapos ito lang pala. :) Pumasa kasi ako sa scholarship sa isang film school tapos sponosored siya ng isang movie company. Ang catch nga lang, pag nakapag-commit na ako, kailangang tapusin ko talaga ang pag-aaral at di lang iyun, kailangang ipasa ko ang course or else babayaran ko ang kompanya sa lahat ng ginastos nila para sa akin. Iyun iyun eh! :) Siyempre meron din namang reward pero iyun nga, hindi na ako pwedeng tumanggap ng regular job. Ibig sabihin nito, goodbye na ako sa pagiging story editor ng PBB. Goodbye na rin sa plano kong pagbili sana ng kotse. Actually, goodbye mga luho!
Considering na financially independent na ako since I graduated from college, risk talaga siya. Tsaka takot ako. Naranasan ko nang mabaon sa utang, pramis! At ayoko nang ma-experience ulit iyun. Basahin n'yo na lang ang mga 2003 blog entries ko para ma-gets nyo. Pero iyun nga, passion ko talaga 'to eh. Kumbaga parang unfinished business ang film studies sakin kasi di ako pinayagang kumuha ng film nung college dahil wala kaming pera. Gusto ko talaga! Kaya iyun, last Friday, pumirma na ako ng kontrata. August 11 ang start ng classes. Good luck to me.
Nagpaalam naman ako ng mabuti kay Lolo at iyun na nga, na-touched ako kasi very supportive siya. Tsaka na-touched din ako kasi sinabi niya sa akin na if it doesn't work out daw, I can always come back to his unit. Awwww.
So ngayon, habang nag-aaral ako, kailangan ko ring humanap ng mga raket-raket para naman may makain ako at may pambayad sa renta ng bahay at iba pa. Kaya siguro hindi ko rin masisisi ang mga friends ko kung bakit nila inisip na tinanggap ko lang ang project dahil sa pera. Pero alam nyo, kahit natatakot ako na baka mawalan ng moolah, I still feel blessed. Kasi iyun nga, aside from this movie project, may DVD writing raket pa ako sa PBB. Tapos kanina, nakatanggap ako ng text na may offer na magdevelop ng soap opera. Kakahiya pa nga kasi kailangan kong tumanggi dahil sa hindi kaya ng sked ko with my existing rakets.
Ideally of course, sana hindi ako nagtatrabaho habang nag-aaral. Pero ganyan talaga ang buhay! :)
Okay, back to work...
August 03, 2007
Short Break!

Kuha iyan ng elementary classmate ko gamit ang aking lumang 6800 habang ako ay kumakanta ng videoke sa isang bar sa lugar namin. Ang kapal ko di ba? Nyahahaha. (Sa mga curious, I think I was singing Oasis' Don't Look Back in Anger acoustic version. Sumesenti! Nyahahahaha!) Iyan lang ang gabi na lumabas ako para gumimik sa limang araw kong bakasyon sa amin. The rest of the break, nasa bahay lang ako - natutulog, kumakain, sumisilip sa mga bagong palabas ("Showtime Na!"), naglalaro ng Gameboy (kaka-miss ang Nintendo days!) at tinatapos ang pagbabasa ng Order of The Phoenix (ganun ako ka-delay!). Two years ago pa yata ako huling nakapagbasa ng libro kaya ang tagal kong natapos ang book 5 ng Harry Potter. Dahil diyan, sa apat ng pirated na DVDs na dinala ko (The Squid and The Whale, Science of Sleep, In The Pursuit of Happyness, Zodiac), Zodiac lang ang napanood ko. Super effort kasi ang pagbabasa. :)
Pero masaya! Masaya ang bakasyon. Nakakapanibago na wala akong ibang iniisip at walang katensyon-tensyon sa katawan ko tungkol sa trabaho o sa kung anupaman. May tama ang nag-imbento ng "There's no place like home". Nyahahaha! Maganda rin kasi nakakita ako ng ibang perspektibo ng ibang mga tao sa ibang mundo na iba sa kinagagalawan ko dito. (Huwaw! Andaming "iba"! Nyahahaha). Na-realized ko tuloy na baka sa akin lang big deal ang mga sinasabi kong pagbabago na mangyayari sa buhay ko simula sa August 11. Basta ang importante, nakuha ko ang suporta ng mga magulang ko. Dun pa lang, naging masaya na ang bakasyon ko.
July 26, 2007
Changes!
Changes... there are going to be changes in my life in the next few weeks. I will wait until everything is final before I tell you guys what they are. For now, I'm going to take a much-needed vacay. I'm flying tomorrow to my hometown. I will have to tell to tell my parents personally about these changes. These changes though, may not be big deal to some so to my friends who are wondering, don't assume "big"! :) Baka mapahiya lang ako pag nalaman niyo na. :)
This entry is supposed to be about me only but I also want to share that like Sisig, a person who's dear to me will also undergo life changes in the next few months. My best friend just got an immigration visa and will have to leave the country before December. I will surely miss you, CF :(
Pahiram ng mga salita Sisig, "pakiramdam na ewan" din ang nararamdaman ko ngayon.
July 20, 2007
Good News!
(Now, if only I can take a break before entering this new life phase! Sigh!)
July 18, 2007
Tony!
Nagpagupit ako sa Tony and Jackey for the first time at dahil maiksi pa ang buhok ko, parang nagpagupit lang ako sa Bench Fix. Lang enta!Mukhang akong haggard sa letrato. Isang linggo na rin ang ubo at sipon ko. Dapat nagpapahinga ako ngayon eh. Dapat nagbakasyon muna ako eh.
Wala akong pakiramdam. Wala akong maisip. Walang lumalabas.
Kailangan ko ng matinding detox.
July 10, 2007
100 Islands Adventure!

Sa Shell Island with Mommy Bei!

Wacky pose sa Governor's Island!

Pa-cute shot sa Marcos Island!

MCR Peeps, say beach!

Kasama ang mga housemates ni Kuya!
More pictures in My Multiply (members only)!
July 07, 2007
Cinemalaya 2007!
Cinemalaya na naman! Let's support indie cinema and my friends specially. Unahin na natin ang Endo na produced ng UFO Pictures (the same team that brought you Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). This is Jade Castro's directorial debut. Kasama rin sa cast ang aking talent sa kanyang kaisa-isang pelikula. Haha! (Peace Alvin! :D) Watch out for the Owel character.Siyempre, promote ko na rin ang Kadin ni Adolf Alix Jr. Donsol was my favorite last year that's why I'm looking forward to Adolf's second baby. Also showing will be Still Life by Katrina Flores. She's my Star Cinema batchmate. Proud ako sa kanilang lahat!
I don't know the screening schedule of Still Life and Kadin but here's the sked of Endo.
21 Jul/Sat (9 PM) - CCP Tanghalang Huseng BatuteSee you! :)
22 Jul/Sun (3:30 PM) - CCP Main Theatre/ Tanghalang Nicanor Abelardo (gala event)
24 Jul/Tue (6:15 PM) - CCP MKP Hall/Bulwagang Alagad Ng Sining
25 Jul/Wed (9 PM) - CCP Main Theatre/Tanghalang Nicanor Abelardo
26 Jul/Thu (12:45 PM) - CCP Little Theatre/Tanghalang Aurelio Tolentino
27 Jul/Fri (12:45 PM) - CCP Main Theatre/Tanghalang Nicanor Abelardo
28 Jul/Sat (9 PM) - CCP Little Theatre/Tanghalang Aurelio Tolentino