August 13, 2007

Kilig!

Hindi pa rin kami tapos ni Mitch! Hay. Nakakapagod na. Habang sinusulat kasi namin ang script, na-realized namin na hindi pa rin siya nagwu-work kaya kailangan naming ayusin ulit ang istorya. Mabuti naman at binigyan kami ng extension. Grabe, isang linggo na rin kaming nakakulong sa bahay kaya naisipan naming lumabas muna para naman makalanghap ng sariwang hangin, baka sakali may mga bagong ideya kaming makuha. Nag-decide kami na panoorin ang Paris Je Taime sa Cinemanila. Nakaka-in love ang collective film na binubuo ng 18 short films tungkol sa Paris. Pero ito ang mas masaya. Hulaan n'yo kung sino ang nakita namin habang naghihintay ng screening ng pelikula? :)















2 comments:

Sisig said...

Wow!! Ang swerte mo dude!!! Napakinggan ko syang nag-guest sa radyo. Kwela.

beatlebum said...

Waaah! Hindi ko napakinggan iyun! :)