August 03, 2007
Short Break!
Kuha iyan ng elementary classmate ko gamit ang aking lumang 6800 habang ako ay kumakanta ng videoke sa isang bar sa lugar namin. Ang kapal ko di ba? Nyahahaha. (Sa mga curious, I think I was singing Oasis' Don't Look Back in Anger acoustic version. Sumesenti! Nyahahahaha!) Iyan lang ang gabi na lumabas ako para gumimik sa limang araw kong bakasyon sa amin. The rest of the break, nasa bahay lang ako - natutulog, kumakain, sumisilip sa mga bagong palabas ("Showtime Na!"), naglalaro ng Gameboy (kaka-miss ang Nintendo days!) at tinatapos ang pagbabasa ng Order of The Phoenix (ganun ako ka-delay!). Two years ago pa yata ako huling nakapagbasa ng libro kaya ang tagal kong natapos ang book 5 ng Harry Potter. Dahil diyan, sa apat ng pirated na DVDs na dinala ko (The Squid and The Whale, Science of Sleep, In The Pursuit of Happyness, Zodiac), Zodiac lang ang napanood ko. Super effort kasi ang pagbabasa. :)
Pero masaya! Masaya ang bakasyon. Nakakapanibago na wala akong ibang iniisip at walang katensyon-tensyon sa katawan ko tungkol sa trabaho o sa kung anupaman. May tama ang nag-imbento ng "There's no place like home". Nyahahaha! Maganda rin kasi nakakita ako ng ibang perspektibo ng ibang mga tao sa ibang mundo na iba sa kinagagalawan ko dito. (Huwaw! Andaming "iba"! Nyahahaha). Na-realized ko tuloy na baka sa akin lang big deal ang mga sinasabi kong pagbabago na mangyayari sa buhay ko simula sa August 11. Basta ang importante, nakuha ko ang suporta ng mga magulang ko. Dun pa lang, naging masaya na ang bakasyon ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment