Nasa isang hotel kami ngayon ni Michiko. Lock-in para sa isang mainstream na pelikulang iku-co write namin. Salitan kami sa paggawa ng liner. Turn niya ngayon kaya sumingit muna ako sa pagi-internet (Thanks to Smart GPRS! :D) Biglaan din ang pagtanggap ko ng project na 'to. Tinawagan lang ako ng dati kong boss nung nagbakasyon ako para i-alok ang project. Hindi ko nga inexpect kasi bago ako nagbakasyon, nag-resign ako dun sa isang comedy project ng parehong kumpanya. Hindi ko na kasi kaya. Aside from the fact na nahirapan ako dahil it's billed as an "all-out comedy" project (hello, ako na yata ang pinaka-corny na tao sa mundo!) kailangan ko rin talaga ng pahinga. Na-drained talaga ako sa PBB. Tsaka yun na nga, na-received ko iyung good news na sinasabi ko dati at alam kong talagang kailangan ko ng pahinga bago ako sasabak dun. Pero heto, nung inoffer itong bago, tinanggap ko pa rin. Hirap kasing tanggihan lalo na't iyung dati kong boss na mismo ang tumawag, tapos si Michiko ang co-writer, si Emman (congrats sa "Gabon", Em!) ang consultant at si Jade ("Endo" director) ang director. Kahit mainstream movie itong gagawin namin, makakatanggi ka ba sa powerhouse cast na iyun? One thing for sure, walang sure sa mainstream cinema hangga't hindi pinapalabas ang pelikula kaya kung matuloy man ito o hindi, abangan na lang natin.
Actually, akala ng mga tao kaya ko ito tinanggap kasi kailangan ko ng pera. Tama naman na kailangan ko ng pera pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko tinanggap 'to. Kung pera man lang ang pag-uusapan, TV raket na sana ang pinili ko. Mas malaki pa ang kikitain ko dun. Pero tama nga na kailangan ko ng mga raket kasi isang taon akong mawawalan ng regular na trabaho dahil dun sa mga changes sa sinasabi ko.
Sige na nga, tama na ang pasikot-sikot. Iyung good news na dahilan ng mga changes na mangyayari sa buhay ko ay ito - magiging estudyante ulit ako. Ayun! Haha. Kakainis na binitin ko kayo noh, tapos ito lang pala. :) Pumasa kasi ako sa scholarship sa isang film school tapos sponosored siya ng isang movie company. Ang catch nga lang, pag nakapag-commit na ako, kailangang tapusin ko talaga ang pag-aaral at di lang iyun, kailangang ipasa ko ang course or else babayaran ko ang kompanya sa lahat ng ginastos nila para sa akin. Iyun iyun eh! :) Siyempre meron din namang reward pero iyun nga, hindi na ako pwedeng tumanggap ng regular job. Ibig sabihin nito, goodbye na ako sa pagiging story editor ng PBB. Goodbye na rin sa plano kong pagbili sana ng kotse. Actually, goodbye mga luho!
Considering na financially independent na ako since I graduated from college, risk talaga siya. Tsaka takot ako. Naranasan ko nang mabaon sa utang, pramis! At ayoko nang ma-experience ulit iyun. Basahin n'yo na lang ang mga 2003 blog entries ko para ma-gets nyo. Pero iyun nga, passion ko talaga 'to eh. Kumbaga parang unfinished business ang film studies sakin kasi di ako pinayagang kumuha ng film nung college dahil wala kaming pera. Gusto ko talaga! Kaya iyun, last Friday, pumirma na ako ng kontrata. August 11 ang start ng classes. Good luck to me.
Nagpaalam naman ako ng mabuti kay Lolo at iyun na nga, na-touched ako kasi very supportive siya. Tsaka na-touched din ako kasi sinabi niya sa akin na if it doesn't work out daw, I can always come back to his unit. Awwww.
So ngayon, habang nag-aaral ako, kailangan ko ring humanap ng mga raket-raket para naman may makain ako at may pambayad sa renta ng bahay at iba pa. Kaya siguro hindi ko rin masisisi ang mga friends ko kung bakit nila inisip na tinanggap ko lang ang project dahil sa pera. Pero alam nyo, kahit natatakot ako na baka mawalan ng moolah, I still feel blessed. Kasi iyun nga, aside from this movie project, may DVD writing raket pa ako sa PBB. Tapos kanina, nakatanggap ako ng text na may offer na magdevelop ng soap opera. Kakahiya pa nga kasi kailangan kong tumanggi dahil sa hindi kaya ng sked ko with my existing rakets.
Ideally of course, sana hindi ako nagtatrabaho habang nag-aaral. Pero ganyan talaga ang buhay! :)
Okay, back to work...
7 comments:
Sabi na nga ba! Although yung iniisip ko ung MA sa Singapore. :)
Congrats Ted!
Grabe bait ng lolo mo..you should love him more..very supportive..buti kpa..havent met any of my own lolo/lola..they are all gone na..
miaka: salamat ros! :)
sam: actually, i'm not referring to my biological lolo. i'm referring to my boss at work. we call him "lolo". :)
Congrats, Ted! You're on your way. =)
thanks skilty! ;)
Oi! Congratulations!! Best of luck sa muli mong pagbabalik-aral. Oo, sakripisyo yan, pero after graduation, the rewards are very satisfying.
Thanks Kuya Sisig! :) Pautang pag wala na akong pera ha! Hahaha!
Post a Comment