,Guilty. La lang. Nagi-guilty lang ako kay Miss Mari. Napakabait kasi n'ya. Lam n'yo namang last kong raket e My Big Love pa (last August pa 'yun) dahil sa school. Tapos nung nalaman kong siya na ang headwriter ng Your Song, sinabi ko kay Henry (na close friend ni Miss Mari) na I-reco n'ya ako kay Miss Mari kasi 'yun yung show na gusto kong raketan. Lam n'yo, kahit magkakakilala lang kami ni Miss Mari dahil sa pagiging dating Creative Assistant ko sa Star, tinext niya agad ako na welcome ako. Naka-can nga lang daw ang mga episodes kaya baka sa next story na ako papasok. Tapos yun, eh biglang di ko inasahang may darating na isang raket, tapos may training program pa kami sa TV aside from our 2nd short exercise project sa school, wala akong choice kundi humindi sa kanya nung tinext n'ya ako na magbi-brainstorm na kami. Nagi-guilty lang talaga ako kasi nakakahiya e. Ako na nga ang humingi ng raket, tapos ngayon ako na ang nagsabing di ako pwede. Ugh. Kakahiya talaga.
Pagod. Twenty hours nakong walang tulog. Umattend kasi ako ng premiere kagabi sa My Big Love tapos bigla akong inofferan ng one day raket ng Super Papalicious as crowd director. Di naman ako makahindi kasi nakakahiya nang tumanggi. Ilang beses na kasi tapos si Miss Zel pa ang EP, ang bait nun sakin. Kaya umoo na rin ako kahit 6 on the set ang coltym. Di ako nakatulog talaga. Nininerbiyos rin kasi. Kahit crowd director lang ako sa Super Papalicious, first time ko rin kasing mag-production work ulit sa mainstream cinema after All My Life (2004 pa 'yun) kaya medyo anxious ako. Siyempre si Manong Gilbert pa yun. Ayokong mapagalitan nun. Jusko, pagdating ko sa set, ang laki pala ng eksena. Family day kunyari sa school ni Makisig! La lang. Kakawindang. Kakapagod. Pasaway ang mga batang talents. Haha. In fairness, namiss ko rin palang mag prod work! Na miss ko rin si Manong. Ako dapat AD niya dun sa na-shelved na unang My First Romance movie e. Salamat Yam, Rai, Chris, Gary, Ann and Billy for helping me adjust easily sa set!
Kaba. Kinakabahan ako ngayon kasi magsastart na rin akong magsulat dito sa commercial project na gagawin namin nina Pablo at Francis. Literally commercial siya, sponsored ng isang brand para i-promote ang kanilang brand obviously. First time kong gumawa ng ganito. Siyempre unang kaba ko nung pinresent namin sa project head ang vision at treatment namin sa project. Sa awa ng Diyos, naaprub agad at script writing phase na. Kaya lang lam n'yo yun, naiintimidate talaga ako sa "commercial" people. Hindi lang dahil nakaka-nosebleed sila o napaka-fasyon pero basta may something e. Lorrrd, tulungan mo ako dito. Siyempre nininerbiyos din ako kasi meron pa akong ibang deadlines na di ko nagagawa. Hello Short Exercise 2! Hello MMK training! Waaaah!
Saya. Ang saya ng premiere night kagabi sa My Big Love. Pumunta pa high school classmates ko kaya masaya ako. (Siyempre kinwento ni Randy sa ibang high school classmates namin 'yung red carpet experience niya. Nahiya ako bigla. Akala tuloy ng ibang high school classmates ko big time ako, e ngerk! ). Andaming dapat i-congratulate sa movie pero siguro pinakauna talaga si Jade dahil nawitness ko first-hand yung hirap na dinanas niya sa project na 'to. And it paid off naman ng sobra sobra! Super-box office hit ang first day! Sana tuloy-tuloy! Kakainggit ka Jade, I'm so proud of you! Di ka lang critically-acclaimed director (c/o Endo), box-office director ka na rin! :) Congrats!
Kahit na di kayo ang target market, big thank you na rin sa mga friends kong nanood sa mga sinehan! Heto pala ang ilan sa mga pictures sa premiere night c/o Michiko. Sorry, walang artista picture!
From Pangako sa 'Yo, to SCQ Reload, and now My Big Love! Hahaha! (Nahiya ako kay Mich! Lahat ng chorva projects niya, kasama ako! :D)
Friends and Colleagues!
Based sa story ni Henry (and Tessa) ang My Big Love!
No comments:
Post a Comment