November 28, 2007

Salamat, Sobra!

Hay salamat at nairaos ko rin ang first directing drill ko! Marami pang dapat matutunan pero sobra-sobrang satisfying sakin ang nangyari last Tuesday. Masaya ako, period. :)

Sobrang late na ang debriefing kaya di ko na napasalamatan lahat ng naging dahilan ng pagiging masaya ko kaya dito na lang ako magti-thank you kina...

HENRY, magaling kang AD! Laking tulong na tinulungan mo ako sa visual composition at spatial IQ. Thank you at kahit nagkasakit ka, go ka pa rin para lang maging AD ko. :)

NEWT, gusto ko ang pagiging ngarag mo na PD! I truly really like it (hehe) that you took the initiative to text me constantly regarding your concerns with the production design. Magaling ka, okay? :)

ARAH! I doubt if my shoot will be that smooth if you didn't have the "eye". You were nervous before the shoot pero hindi ako nininerbiyos for you kasi naniniwala talaga ako na you'll be a good DOP. :)

My actors YAM and ALAN, thank you for collaborating with me with regard your characters' emotions and back-stories. I believe in your acting skills sobra kaya ko kayo kinuha and you didn't let me down. YAM, don't worry about that X blocking thing. I still trust you and as you have noticed naman siguro, palagi kitang pinapa-comment sa bawat sinasubmit ko sa class kasi bilib talaga ako sa 'yo! (Awww, mean girl!)

I'm also very overwhelmed na andaming gustong maging members ng art department ko. DADO and MONJAM, alam kong pinilit ko lang kayo but really, thank you for all your inputs and for helping me with my mis-en-scene. Mean Girl #1 and Penguin, I truly really (haha) appreciate it. ISSA and MATH, thank you for being able set men. Anlaki nang itinulong n'yo sa pagdagdag ng depth of field with your ingenious recycling of props. Sobra! Siyempre, thank you to DANNA who generously helped NEWT from the start as if she's also my production designer. Words can't express my sobrang gratitude.

Ano ba, para akong nasa awards night...Hahaha!

Moving on....

NICK, sobrang pasasalamat ko sa 'yo kasi alam kong inambush lang kita para maging script con because Ina went to Nantes and yet, tinanggap mo agad without hesitation. Napaka-kalmado mong script con, di ko kaya 'yun! Hehe :)

Thank you to my grips, my co-director that day G and SIR ENRICO! G, thanks for the pechay sounds and the cool aura. Dumikit siya sakin that night and nakita mo naman na I'm less ngarag than usual. We did it, yeah! XOXO! :)

RONI & PABLO, thank you for being PDA enough to be my talents. Stunt casting 'yun! Directors ng critically acclaimed Inang Yaya at MALING AKALA, talents ko?!? San ka pa?! =)

DAN, the laptop guy, salamat! Kahit na wala akong pasalubong na film book okay lang. At least di ka late for my drill at magaling ka sa laptop! Haha! Peace, dude! :) Thank you na rin sa clapper kong si FRANCIS! :)

Hindi ko sila classmates at housemates ko lang sila pero salamat kina MICHIKO at ROSE sa pakikinig at pagbibigay sakin ng ideas for the drill. The "blind" twist was originally Michiko's kaya dapat lang na i-credit ko siya. Di pa tapos ang pangangarag ko sa inyo okay? :) Hehe.

And thank you DIREK MARILOU! Andami ko talagang natutunan sa inyo. Sobra sobra! You continually inspire and challenge me to be good, if not better. I'm feeling so blessed right now to have you as my teacher. :)

----

Of course co-bloggers, this doesn't mean that the end product is or will be good. Dess of Advance Class is currently editing it and I'm still feeling frustrated that I don't have close-up shots of my actors during their final "love" scene" for lack of time. There might also be some "saliwa" LOV (might!) and I'm also not sure about the cadence and clarity of the short. Pero hello, it's only my first time to call a shot and three months pa lang ako sa film school, give me some leeway naman! Hehe! :)

Isa pa palang petty thing that frustrated me, lahat ng camwhores ay member ng staff ko kaya wala akong pictures sa drill. :( Buti na lang may mga nakuhang konti si Math. 'Yun na lang muna ang isishare ko sa inyo. :)

I think I'm explaining my shot to Arah here

Motivating Alan

Pinaka-remembrance ko na nakapag-call na ako ng shot ang clapper ID!:)

The not-so bulag bulag =)

DOP Mamaaaa!

Directing the love scene!

Alan from Alaska!

Sumisilip ang Art Dept!

November 25, 2007

Amazing Race Asia 2!

Just showing my support to the two Philippine teams in the second season of Amazing Race Asia... G0 Teams Philippines! :)


Marc & Rovilson


Terri & Henry

Terri is such a character! She should join PBB. :)

You may catch Amazing Race Asia 2 on AXN at these times -
Saturday 11pm, Sunday 11am & 8pm, Tuesday 8pm, Thursday 12am & 9pm, Friday 12pm.

November 21, 2007

Wishlist 2007!

Kinukulit na kasi ako ng mga housemates ko na ilagay ang wishlist ko para makapag-shopping na sila kaya sige na nga! :) Pero para sa iba, sa totoo lang okay nako na batiin n'yo lang ako sa text ng Merry Christmas at Happy New Year sa mga araw na 'yun mismo. Mata-touched na ko dun. Kailangan kong sabihin 'yun kasi baka ganun lang din gawin ko sa inyo kasi la akong pera. Hahaha. Jobless po since June! :) Seriously, totoo 'yun! Kahit generic text, sobrang appreciated ko na 'yun! :)

Pero para kina Michiko at Rose, good luck! Hehehehe....:)

1. Keds Shoes (white, size 9 ½)
2. Vans Shoes (dark green with skull print, size 9 ½)
3. Chuck Taylor Shoes (black, hi-cut, size 9)
4. Original PBB Celebrity Edition DVD
5. Original PBB Teen Edition DVD
6. Original PBB Season 2 DVD
7. Nike Socks (white, size 9 ½)
8. Sando (medium size, pambahay o pang-beach)
9. Gym Shirt (medium size, no loud print)
10. Gym Shorts (waist size 32”, no loud print)
11. Beach/Surf Shorts (waist size 32”)
12. Photo Album (for 4R pictures)
13. Black Leather Wallet
14. Car Seat Pillow
15. Body Scrub gift certificate
16. CD Wallet
17. My Chemical Romance “The Black Parade” CD (original)
18. Lacoste T-Shirt (medium size, plain color)
19. Avid Editing Software
20. DVDs (original or pirated) of any of the following:
  • Blade Runner (Director: Ridley Scott)
  • Bonnie and Clyde (Director: Arthur Penn)
  • Chungking Express (Director: Wong Kar Wai)
  • Double Indemnity (Director: Billy Wilder)
  • Drunken Master II (Directors: Chia-Liang Lu and Jackie Chan)
  • 8 ½ (Director: Federico Fellini)
  • The Fly (Director: David Cronenberg)
  • The Godfather 2 (Director: Francis Ford Coppola)
  • Goodfellas (Director: Martin Scorcese)
  • It’s A Wonderful Life (Director: Frank Capra)
  • Miller’s Crossing (Directors: Joel and Ethan Coen)
  • The Purple Rose of Cairo (Director: Woody Allen)
  • Raging Bull (Director: Martin Scorcese)
  • The Searchers (Director: John Ford)
  • Singin’ In The Rain (Director: Stanley Donen, Gene Kelly)
  • Some Like It Hot (Director: Billy Wilder)
  • Seven Samurai (Director: Akira Kurosawa)
  • Tsotsi (Director: Gavin Hood)
  • The Sea Inside/Mar Adentro (Director: Alejandro Amenabar)
  • The Barbarian Invasions/Les Invasions Barbares (Director: Denys Arcand)
  • All About My Mother/Todo Sobre Mi Madre (Director: Pedro Almodovar)
  • Cinema Paradiso (Director: Guissepe Tornatore)
  • Fanny and Alexander (Director: Ingmar Bergman)
  • Rosetta (Directors: Luc and Jean-Pierre Dardenne)
  • The Sweet Hereafter (Director: Atom Egoyan)
  • Million Dollar Baby (Director: Clint Eastwood)
  • Letters From Iwo Jima (Director: Clint Eastwood)
  • Whale Rider (Director: Niki Caro)
  • Closely Watched Trains (Director: Jiri Menzel)
  • The Crime of Monsieur Lange (Director: Jean Renoir)
  • The Discreet Charm of Bourgeoisie (Director: Luis Bunuel)
  • The Lives of Others (Director: Florian Henckel Von Donnersmarck)
  • Nowhere in Africa/Nirgendwo in Afrika (Director: Caroline Link)
  • 4 Months, 3 Weeks, 2 Days (Director: Cristian Mungiu)
  • The Child/L’enfant (Directors: Luc and Jean-Pierre Dardenne)
  • The Son’s Room/La Stanza del Figlio (Director: Nanni Moretti)
  • Eternity and A Day (Director: Theo Angelopolous)
  • The Eel (Director: Shohei Imamura)
  • Taste of Cherry (Director: Abbas Kiarostami)
  • The Mourning Forest (Director: Naomi Kawase)
  • Flanders (Director: Bruno Dumont)
  • Oldboy (Director: Park Chan-Wook)
  • Uzak (Director: Nuri Bilge Ceylan)
  • Devils On The Doorstep (Director: Jiang Wen)
  • Humanite (Director: Bruno Dumont)
  • Paradise Now (Director: Hany Abu-Assad)
  • Eastern Promises (Director: David Cronenberg)
  • Bella (Director: Alejandro Gomez Monteverde)
  • Hotel Rwanda (Director: Terry George)
  • The Hanging Garden (Director: Thom Fitzgerald)
  • Sanxia Haoren (Director: Zhang Ke Jia)
  • The Return/Vozrashcheniye (Director: Andrei Zvyagintzev)
  • Monsoon Wedding (Director: Mira Nair)
  • The Circle (Director: Jafar Panahi)
  • Not One Less (Director: Zhang Yimou)
  • Cosi Ridevano (Director: Gianni Amelio)
  • Fireworks/Hana-bi (Director: Takeshi Kitano)
  • Hairspray (Director: Adam Shankman)

Dancing in Katips!

Sana may drill lagi si Sir Enrico para may libreng dinner all the time! Hehehe! Ang sarap ng food at ang sarap sumayaw sa Katips! (See video below, nyahaha!) O baka epekto lang ng acting workshop, nagiging walang hiya kami sa pagsayaw at pagkain!

Salamat Sir Enrico sa libre! At salamat kina Danna at Issa sa mga pictures! :)


Kapal ng mukha ko, di nabu-blur! Nyahaha!


Mga biktima ko sa Scary Questions exercise sa workshop! Hehe! :)


Thank you, ECS! =)

And now, the video.... (Wahahahaha! :D)



Sana pala Papaya na lang ang sinayaw namin tapos isinali namin sa contest sa Game Ka Na Ba. Baka manalo pa kami ng cash prize!

November 11, 2007

3's!

Nakuha ko na birthday at christmas gift ko sa sarili ko kanina kaya nagulo ang schedule ko. (Lord, bigyan n'yo naman po ako ng inspirasyon para makaisip ng konsepto sa drill please!). 2nd hand lang s'ya pero una ko kaya ewan ko agitated ako (sorry to copy Mariami and sorry kay Nonie na pet peeve ang mga blog entries tungkol sa tsikot.) Ginawa ko hapon hanggang gabi, road trip lang mula QC hanggang MOA balik QC kasama si Honey, yung childhood friend ko na kabababa lang ng bundok (geologist po s'ya.) Ang resulta hayun, nabangga ako (laki ng dent sa harap, argh!) at nahuli ako (taena mo mapangabusong pulis! pero salamat na rin at may mapaghuhugutan na ko sa "rage" exercise, argh!). Sabi nila it comes in 3's. Well, wala kaming garahe at nakatira kami malapit sa squatters area, kaya di na ko magtataka kung wala na ang mga side mirror bukas.

Feeling blessed pako sa lagay na to ha! :)

November 10, 2007

Acting 101!

So ganun pala 'yun. Ang mag-acting workshop. Sa totoo lang, maarte ako dati nung high school. Nag-audition pako sa isang musical play "Fiddler on the Roof" sa university at nakuha naman bilang isa sa mga villagers ("Tradition! Tradition!"). Na-realized ko rin eventually na mas gusto kong magtrabaho sa likod lang. Siguro dahil wala na ring pag-asa ang boses kong babae. At naging jaded nako.

First time kong bumalik ulit sa ganun kahapon. Actually first time ko ring mag-acting workshop. Grabe nininerbiyos ako nung una. Pero HUWAW! Kakaibang high! Lang panama ang juts! Mahaba nga lang ang buwelo ko. Gusto ko yung verbal admission exercises sa simula pero medyo nawindang ako pagdating sa "rage" at "silly" exercises. Pero nakapag-fully "jump" na rin finally nung nag-"vulnerability" exercise at ang lalim na ng "tinalon" ko sa "ego" exercise. After nun, yoko nang matapos ang workshop. Kasi me tama na ko e. Haha! Bigla ko tuloy na-channel ang energy ko sa videoke session namin ng college classmates ko (Happy Birthday Ros!:D) at namamaos pa rin ako ngayon. Di pa nga ako makatulog e. I still feel restless. Whew! :)

I still don't think acting is the career I'm going to pursue but definitely I'm looking forward to the next session with Direk Laurice & Sir Johnny because aside from the obvious reason why we film directing students take it, acting workshops are also therapeutic and cathartic! Dun pa lang okay nako.

Medyo surreal lang pala nung start because Marc Abaya of Kjwan joined us. Fan ako ng taong 'yun e! :)

November 06, 2007

Nerbiyos!

'Yan ang predominant emotion na nararamdaman ko ngayon.

Nininerbiyos ako dahil turn ko na para mag-drill sa klase. Ang nakakabaliw, line of vision, X blocking drill pa. Huwaw!

Nininerbiyos ako dahil wala pa akong maisip na eksena para sa drill na 'yun. Ang konsepto ay ang salitang "interrogation". Short scene lang dapat with minimal movement at more or less 6 camera set-ups. May idea ba kayo diyan?

Nininerbiyos ako sa acting workshop na mangyayari sa Sabado. Sana wala akong gawin na ikakahiya ko later on. Haha!

Nininerbiyos ako kung anong magiging feedback ni Direk sa revised script ko sa gagawin naming short. Nininerbiyos rin ako kung kaya ko siyang i-shoot sa allotted shooting time na 4 hours. Gudlak!

Nininerbiyos ako dahil bibili ako ng second-hand na kotse considering na wala akong regular na trabaho ngayon. Makukuha ko na siya this weekend. Mapapanindigan ko kaya?

Nininerbiyos ako dahil hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na wala akong regular na trabaho at therefore, walang regular na kita. Haaay...

Nininerbiyos ako dahil balak kong mag-apply bilang instructor sa ilang colleges para naman kumita kahit konti. Sana magkaroon na ako ng guts to apply at sana matanggap ako.

Nininerbiyos ako sa script feedback meeting para sa "big" movie bukas. Sa totoo lang, matagal na siyang wala sa sistema ko at ayoko na. Hindi na siya healthy para sakin. Di ko pa alam ang gagawin.

Tama na.:)

November 05, 2007

Amazing Race 12!

My other favorite reality show is back with its 12th installment and I'm back to doing my predictions as well. :) Based on gut feel and editing, I think any of these two teams will win the race.

Lorena & Jason

Nathan & Jennifer

Tingnan natin! :)