September 29, 2007

Nakakatuwa!

Nakakatuwa kasi it's my blog's 4th year anniversary. Di ko akalaing aabot ng ganto katagal. Kung talagang anak siya na iniluwal ko, nasa prep na siya. Imaginin n'yo! :) Sa mga silent readers ng blog ko, i-congratulate n'yo naman ako! Hahaha!

Nakakatuwa ang class ko today. First time naming mag assemble at disassemble ng camera. Pag na-post na ni Mariami ang pictures galing klase, iga-grab ko ulit at ipu-post ko sa Multiply ko. La na akong mahugot na emosyon para i-describe ang ginawa namin dahil nasabi ko na lahat sa debriefing. Pero tama 'yung sinabi ni Sir Enrico na para rin palang iniluwal mo na sanggol ang camera pag nag-assemble at nag-disassemble ka. Parang blog ko. Hahaha! Pasensya na if I don't make any sense. Drained na kasi ako from class. Kaso gusto ko lang magsulat ng entry kasi anniversary ng blog ko.

Nakakatuwa ang nangyari after class. Nawala kami sa Antipolo habang hinahanap ang Sumulong para pumunta ulit sa Old Spaghetti House for dinner. Lima lang kasi kami kasi absent 'yung ibang kasama namin. E lahat kami di alam ang daan. Kawawa si Ina. First time pa naman niyang sumali. Pero di nila alam, nag-enjoy ako sa sigawan namin dahil para kaming mga characters sa isang horror movie. Hahaha. 'Yung tipong magbabarkada na nawala sa daan at napadpad sa lugar ng mga aswang. Parang ganun kasi ang nangyari kanina. We reached a dead end at sobrang dilim pa ng lugar na 'yun. Nagtanong kami sa isang ate na nandun pero nung nagsalita na siya, ang lalim ng boses. Bakla pala. Wawa naman ang mga bakla. Nasi-stereotype tuloy na multong bakla. Korni ko! :)

Nakakatuwa ang bagong blog entry ni Monjam. Haha. Finally, community daw! He was referring dun sa sinasabi ni Direk Marilou samin na dapat may community rin daw kaming aspiring filmmakers na nagtutulungan tulad nung panahon nila ni Direk Ishmael, Lino, Laurice, etc. E ininterpret ni Monjam 'yung simpleng after class dinner kuro kuro namin na parang start na ng community na 'yun para samin. :D Nakakatuwa lang! Uy, hindi ko siya mina-mock ha. Natutuwa lang ako kasi napaka optimist and idealistic niya. Napaka-jaded ko kasi. Tsaka di ko naman ina-analyze ang mga chikahan na ganun. Hahaha :)

Nakakatuwa kasi napaka-promising ng TV series na Chuck. Kahit si Michiko, gusto niya. Magaling talaga si Josh Schwartz. Adventure, kilig, comedy, cool soundtrack, hip dialogue, engaging story, name it at nasa bagong series na 'yun. I hope the 2nd episode doesn't disappoint.

Nakakatuwa ang I Now Pronounce You Chuck and Larry. Kahit tsinugi siya ng mga critics, di pa rin nagma-matter. Critics-proof naman kasi ang mga movies ni Adam Sandler. Kung direktor siya ng mga pelikula niya, pwede nga siyang tawaging auteur e. Kasi may sariling estilo at tatak Adam Sandler ang mga pelikula niya. Nakakatuwa rin ang kasama kong nanood ng movie. Parang bata. Hagalpak sa katatawa sa simula pa lang. Infectious! :)

Nakakatuwa kasi nakapag-spa ako last week. Ang tagal ko nang di nakapag-masahe. Mura lang ang spa. 450 lang for a VIP room. Sa Splendor Spa along Quezon Avenue. Pero magaling 'yung babaeng nagmasahe sakin. Ang sarap ng tulog ko pagtakatapos. 'Yung tulog na walang panaginip. Nakakatuwa lang! :)

2 comments:

Anonymous said...

Very late congratulations on your blog's 4th year, beatlebum! :)

~ CF

beatlebum said...

Thanks CF! :) Mag-update ka na ng blog! Hehe :)