September 23, 2007

Fall TV Watch: Gossip Girl & Survivor China!

Una, bad trip ang laptop ko. Nawala 'yung sound bar icon sa baba. Para mabalik siya, dapat reformat ko raw ulit ang Windows XP. Eh yoko na kaya ina-adjust ko na lang ang sound sa control panel. Nung una okay pa kaso ngayon, pahina ng pahina ang sound. Sobrang hina! Sabagay, pirated kasi. Kelangan ko nang bumili ng speakers para lumakas. (Kayo, anong suggestion n'yo?)

Tuloy di ko napanood agad ang mga nag-premiere na TV shows this week kasi ang hina ng audio. Pero wag ka, di ko rin natiis. Tiniis ko pa rin ang mahinang sound volume at pinanood sila after a day. Hay! :) La pa kasi akong time bumili ng speakers e.

Anyways, eto ang mga comments ko sa Gossip Girl at Survivor: China! :)

Gossip Girl - Sooooooooooooobrang cliche! Walang bago! Pero manonood pa rin ako ng second episode. Hahaha! Time will tell kung magiging guilty pleasure ko siya.

Survivor: China - Ito naman, guilty pleasure ko na talaga. Fresh ang location kasi China. First time yatang pumayag ang Chinese Government na may isang US series na mag-shoot dun. Tapos back to 16 ang mga castaways kaya mas mabilis makilala. May isa ring castaway na nakapunta na ng Pilipinas, US rep for Miss Earth. Pero hayun, ganun pa rin. Haha. Sobrang predictable na niya kung Survivor fan ka. Pero mukhang kahit gano pa 'to kapangit, panata ko nang manood nito e.

At panata ko na ring mag-predict kung sinong mananalo. Haha! Segue! I think any of the two will win Survivor: China...


Todd, the gay Mormon flight attendant


Amanda, the former Miss Earth-USA

I see a Rob Cesternino versus Jenna Morasca redux! =)

2 comments:

Monj City said...

uy its so good to hear ur bg song from billy elliot.. pwde kaya ma-save yun sa pc ko? i love that film na. kahapon ko lang sya napanood ng kumpleto.

beatlebum said...

go to my multiply to download the song. children of the revolution and bang a gong are also there.