Ang haba ng buwelo ko tungkol sa pag-aaral ko muli pero di ko man lang kayo na-update kung ano nang nangyayari sakin. Haha. So kumusta nga ba ang film school? Well, okay naman siya. Nakaka-ngarag. Nakaka-bangag. Pero honestly, kahit ganun, lagi akong looking forward sa mga classes. Andami ko kasing natutunan e. 'Yun actually ang na-realized ko. Andami ko pang dapat matutunan. Minsan, nanliliit tuloy ako. Naii-insecure. Tinatanong palagi sa sarili ko kung kaya ko ba talaga 'to. Pero di naman sumusuko. Steady lang. Go pa rin.
Iniisip ko kasi na napaka-swerte ko pa rin na nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Nakaka-pressure nga lang kasi may expectations ang kompanya at nakakaiyak pa tuwing iniisip ko na andami kong ginive-up para dito considering na hindi naman sure deal ang lahat pagkatapos nito. (Sabi ko, para lang akong housemate, maswerte na nakapasok sa final line-up pero isa lang ang magiging Sam Milby samin. Buti sana kung maging Jayson Gainza man lang ako. Haha! :D) Itong mga thoughts na 'to exactly ang pinipilit ko talagang 'wag munang isipin. Mas lalo kasing nakaka-dagdag ng pressure. How I wish na regular student na lang ako pero ganun talaga ang buhay. :)
Ano pa bang gusto kong i-share? 'Yun, ang galing na teacher ni Direk Marilou. Andami niyang alam at maganda ang method niya sa pagtuturo. ("Drill! Drill! Drill!") Bilib talaga ako sa kanya. Bilib na ako sa kanya dati because she directed one of my favorite Filipino movies (Surprise! It's not Moral! It's the mainstream May Nagmamahal Sa 'Yo :D) pero mas bilib ako sa kanya ngayon. I-expect mo nang right after her class, info overload ka talaga. Drained ang brain mo. LOL! :) Pero it's not the kind of "brain drain" that you dread. In fact, konting re-charge lang and you find yourself wanting more na naman. Olats nga lang ako sa recitation sa class niya. Haha!:) Una, di talaga kasi ako mabilis mag-isip. Pangalawa, di ako sanay na vini-verbalize ang analysis ko. Sinasarili ko lang. Tuloy lumalabas na di ako articulate sa mga recitation. Pero ayos lang.
Si Direk Mark 'yung other teacher namin sa first 3 months. Parang Film 100 lang ang class n'ya (Introduction to Cinema 'to sa UP). Amazed naman ako sa pagiging geek ni Direk Mark. Halatang he enjoyed studying film history and he enjoys sharing what he learned to us. I'm also looking forward to his class kasi parang breather siya compared to Direk Marilou's class. At the same time, it's always good to watch the classics. So far we've seen Battleship Potemkin, Citizen Kane, Birth Of A Nation, Metropolis, The Bicycle Thief, tsaka kanina lang L'avventura. Actually napanood ko na most of them sa Film 100 pero mas nag-eenjoy akong panoorin sila ngayon. Siguro dahil matanda na ako. Haha. :)
Bigatin ang mga classmates ko ha! May isang dating sexy actress na icon nung 1980s ng Philippine Cinema, may isang Cinemalaya Best Actress, may anak ng isang dating senador, may anak ng isang sikat na female lawyer at may anak ng isang vice president ng isang TV network. The rest, mga rich kids din. Siyempre, gagastos ka ba naman ng ganun kalaki para sa isang certificate sa film school. Di man lang diploma. Pero wala akong masabi sa kanila. They're all down to earth and approachable. (Kahit na dumudugo ang ilong ko minsan pag nagre-recite na ang dalawang Fil-Ams.:D) Most importantly, sini-share nila ang baon nila sakin. Hahahaha! High school mode na naman ako, humihingi ng baon sa mga classmates. :)
Siyempre bigatin din ang mga co-scholars ko! Kami lang yata ni Monjam ang di pa nakapag-direk ng pelikula. The rest, mga kilala na sa indie scene. Siyempre, super "i have to win" din ang attitude ng iba sa kanila (including Monjam) kaya talagang mas lalo akong olats. Hahahaha! Pero they admit naman na "they have to win" kaya for their honesty, love ko pa rin sila. Hahahahaha! :) Save for Kuya Pablo, Sir Enrico and Ate Roni, mga poor din kami. Kawawa talaga kami pag absent si Henry o di pwede ang bf ni Arah na si Mark. Ibig sabihin kasi nun, wala kaming carpool. Commute kami papuntang Antipolo. Kaya 'yun, late lagi. Nasasabihan tuloy na late na naman ang school bus. Hahaha! Pero enjoy. I always look forward to our convo during the rides to and from school. Wala ring katapusan ang mga tawanan sa mga inside jokes ("I have to win", Monjam's qoutable qoutes, etc) and Binibining Pilipinas references (care of Dado "Violata Naluz" Lumibao :D). Seryosong usapan din naman during dinner after school. Basta happy ako na sila ang mga kasama ko sa first batch. Wala na akong hihilingin pang iba. :)
Lastly, okay din ang film school dahil may crush ako. Hahahahahaha! 'Wag lang siyang palaging absent pag Sabado. :P
1 comment:
hahaha! si carla gay talaga! :)
Post a Comment