August 20, 2007

Shameless!

Umiral na naman ang aking pagka-walang hiya sa birthday party ng college blockmate ko na si Gen last Sunday night. Nyahahahaha! Minurder ko ang mga kanta ng Oasis at Travis sa videoke. Hetong mga video kung gusto n'yong magalit! Nyahahahaha!


Why Does It Always Rain On Me?


Don't Look Back In Anger

Gusto n'yo yan ha! Gusto n'yo yan ha! Heto pang sa inyo!:D
Sayang Na Sayang
Tamis Ng Unang Halik
Yakap Sa Dilim
Kung Ako Na Lang Sana
I'll Never Get Over You (Getting Over Me)

August 13, 2007

Kilig!

Hindi pa rin kami tapos ni Mitch! Hay. Nakakapagod na. Habang sinusulat kasi namin ang script, na-realized namin na hindi pa rin siya nagwu-work kaya kailangan naming ayusin ulit ang istorya. Mabuti naman at binigyan kami ng extension. Grabe, isang linggo na rin kaming nakakulong sa bahay kaya naisipan naming lumabas muna para naman makalanghap ng sariwang hangin, baka sakali may mga bagong ideya kaming makuha. Nag-decide kami na panoorin ang Paris Je Taime sa Cinemanila. Nakaka-in love ang collective film na binubuo ng 18 short films tungkol sa Paris. Pero ito ang mas masaya. Hulaan n'yo kung sino ang nakita namin habang naghihintay ng screening ng pelikula? :)















August 08, 2007

D.A.N.C.E.!

Remember when the VMA's used to be cool? Or maybe I'm getting old already and don't find their gimmicks amusing anymore. Anyway, if you still care, click this link for this year's nominees.

And check out this music video. I think it's the coolest among all the Video of the Year nominees.

August 04, 2007

Locked In!

Nasa isang hotel kami ngayon ni Michiko. Lock-in para sa isang mainstream na pelikulang iku-co write namin. Salitan kami sa paggawa ng liner. Turn niya ngayon kaya sumingit muna ako sa pagi-internet (Thanks to Smart GPRS! :D) Biglaan din ang pagtanggap ko ng project na 'to. Tinawagan lang ako ng dati kong boss nung nagbakasyon ako para i-alok ang project. Hindi ko nga inexpect kasi bago ako nagbakasyon, nag-resign ako dun sa isang comedy project ng parehong kumpanya. Hindi ko na kasi kaya. Aside from the fact na nahirapan ako dahil it's billed as an "all-out comedy" project (hello, ako na yata ang pinaka-corny na tao sa mundo!) kailangan ko rin talaga ng pahinga. Na-drained talaga ako sa PBB. Tsaka yun na nga, na-received ko iyung good news na sinasabi ko dati at alam kong talagang kailangan ko ng pahinga bago ako sasabak dun. Pero heto, nung inoffer itong bago, tinanggap ko pa rin. Hirap kasing tanggihan lalo na't iyung dati kong boss na mismo ang tumawag, tapos si Michiko ang co-writer, si Emman (congrats sa "Gabon", Em!) ang consultant at si Jade ("Endo" director) ang director. Kahit mainstream movie itong gagawin namin, makakatanggi ka ba sa powerhouse cast na iyun? One thing for sure, walang sure sa mainstream cinema hangga't hindi pinapalabas ang pelikula kaya kung matuloy man ito o hindi, abangan na lang natin.

Actually, akala ng mga tao kaya ko ito tinanggap kasi kailangan ko ng pera. Tama naman na kailangan ko ng pera pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko tinanggap 'to. Kung pera man lang ang pag-uusapan, TV raket na sana ang pinili ko. Mas malaki pa ang kikitain ko dun. Pero tama nga na kailangan ko ng mga raket kasi isang taon akong mawawalan ng regular na trabaho dahil dun sa mga changes sa sinasabi ko.

Sige na nga, tama na ang pasikot-sikot. Iyung good news na dahilan ng mga changes na mangyayari sa buhay ko ay ito - magiging estudyante ulit ako. Ayun! Haha. Kakainis na binitin ko kayo noh, tapos ito lang pala. :) Pumasa kasi ako sa scholarship sa isang film school tapos sponosored siya ng isang movie company. Ang catch nga lang, pag nakapag-commit na ako, kailangang tapusin ko talaga ang pag-aaral at di lang iyun, kailangang ipasa ko ang course or else babayaran ko ang kompanya sa lahat ng ginastos nila para sa akin. Iyun iyun eh! :) Siyempre meron din namang reward pero iyun nga, hindi na ako pwedeng tumanggap ng regular job. Ibig sabihin nito, goodbye na ako sa pagiging story editor ng PBB. Goodbye na rin sa plano kong pagbili sana ng kotse. Actually, goodbye mga luho!

Considering na financially independent na ako since I graduated from college, risk talaga siya. Tsaka takot ako. Naranasan ko nang mabaon sa utang, pramis! At ayoko nang ma-experience ulit iyun. Basahin n'yo na lang ang mga 2003 blog entries ko para ma-gets nyo. Pero iyun nga, passion ko talaga 'to eh. Kumbaga parang unfinished business ang film studies sakin kasi di ako pinayagang kumuha ng film nung college dahil wala kaming pera. Gusto ko talaga! Kaya iyun, last Friday, pumirma na ako ng kontrata. August 11 ang start ng classes. Good luck to me.

Nagpaalam naman ako ng mabuti kay Lolo at iyun na nga, na-touched ako kasi very supportive siya. Tsaka na-touched din ako kasi sinabi niya sa akin na if it doesn't work out daw, I can always come back to his unit. Awwww.

So ngayon, habang nag-aaral ako, kailangan ko ring humanap ng mga raket-raket para naman may makain ako at may pambayad sa renta ng bahay at iba pa. Kaya siguro hindi ko rin masisisi ang mga friends ko kung bakit nila inisip na tinanggap ko lang ang project dahil sa pera. Pero alam nyo, kahit natatakot ako na baka mawalan ng moolah, I still feel blessed. Kasi iyun nga, aside from this movie project, may DVD writing raket pa ako sa PBB. Tapos kanina, nakatanggap ako ng text na may offer na magdevelop ng soap opera. Kakahiya pa nga kasi kailangan kong tumanggi dahil sa hindi kaya ng sked ko with my existing rakets.

Ideally of course, sana hindi ako nagtatrabaho habang nag-aaral. Pero ganyan talaga ang buhay! :)

Okay, back to work...

August 03, 2007

Short Break!


Kuha iyan ng elementary classmate ko gamit ang aking lumang 6800 habang ako ay kumakanta ng videoke sa isang bar sa lugar namin. Ang kapal ko di ba? Nyahahaha. (Sa mga curious, I think I was singing Oasis' Don't Look Back in Anger acoustic version. Sumesenti! Nyahahahaha!) Iyan lang ang gabi na lumabas ako para gumimik sa limang araw kong bakasyon sa amin. The rest of the break, nasa bahay lang ako - natutulog, kumakain, sumisilip sa mga bagong palabas ("Showtime Na!"), naglalaro ng Gameboy (kaka-miss ang Nintendo days!) at tinatapos ang pagbabasa ng Order of The Phoenix (ganun ako ka-delay!). Two years ago pa yata ako huling nakapagbasa ng libro kaya ang tagal kong natapos ang book 5 ng Harry Potter. Dahil diyan, sa apat ng pirated na DVDs na dinala ko (The Squid and The Whale, Science of Sleep, In The Pursuit of Happyness, Zodiac), Zodiac lang ang napanood ko. Super effort kasi ang pagbabasa. :)

Pero masaya! Masaya ang bakasyon. Nakakapanibago na wala akong ibang iniisip at walang katensyon-tensyon sa katawan ko tungkol sa trabaho o sa kung anupaman. May tama ang nag-imbento ng "There's no place like home". Nyahahaha! Maganda rin kasi nakakita ako ng ibang perspektibo ng ibang mga tao sa ibang mundo na iba sa kinagagalawan ko dito. (Huwaw! Andaming "iba"! Nyahahaha). Na-realized ko tuloy na baka sa akin lang big deal ang mga sinasabi kong pagbabago na mangyayari sa buhay ko simula sa August 11. Basta ang importante, nakuha ko ang suporta ng mga magulang ko. Dun pa lang, naging masaya na ang bakasyon ko.