Awwwww.... :) I just got the sweetest letter ever! And I don't even know who he or she is. I mean, never in my blog life did I expect that somebody out there would take the time out to write such a lengthy letter in response to the mostly narcissistic and idiotics entries I post. To Mei-Tsin Yan, thank you soooo much! Needless to say, I was touched. And I rarely get touched. Heh. :D Anyways, I don't know if you'll get angry at me for this but I forwarded your letter to Arah and Rose (Kay Tagal Kang Hinintay writers), Tessa (My First Romance co-writer), and Tammy, Michiko and Emman (Pangako sa 'Yo co-writers). I just wanted to share the love (I know it's cheezy but you know, pay it forward! :D ).
Narcissistic that I am, I'm sure you expected that I'm also going to post the letter here, didn't you?! LOL! :) (And folks, I'm not making this up. Mei Tsin writes waaay better!)
Kumusta, Beatlebum.
May hinahanap ako sa Internet nang "madapa" ako sa live journal mo. Binasa ko rin, paunti-unti hanggang sa nabasa ko na siguro lahat.
May kaibigan akong minsan nagsabi sa akin: isipin ko daw 'yung bato, na kapag tinapon sa tubig ay gumagawa ng alon. Kahit maliit na alon. O kahit maliit ang bato, parating may alon.
'Yun lang ang gusto kong sabihin sa'yo. Sabi mo ay isa kang "reluctant writer," at may halong pagkailang ang pagsusulat mo ng teleserye at teenyboppers.
Ewan ko kung anong maitutulong ko sa pagsasabi ko nito, pero pinanood ko ang "My First Romance." Inulit ko pa. Kasi natuwa ako. (Sayang hindi nga lang sa sine). Ibig sabihin may saysay din 'yung ginawa mo, kahit na konti at kahit na papaano (kasi iisa nga lang naman ako, 'di ba?).
Siguro nga nakapagtataka para sa mga aral kuno sa sining ng pelikula kung bakit Rated B ang "My First Romance" pero matagal na akong hindi marunong mag-critique. Kaya para sa akin, deserving. Simple lang naman 'yung pelikula, at gaya na rin ng sinabi mo, hindi niya pinipilit na magpakalalim. Nakakaaliw naman na ipinagmamalaki mong sinulat mo ang pelikulang 'yon. Naaliw ako sa character du'n ni John Prats, na lahat ng gamit donated. Simpleng character, simpleng quirk, pero hindi madalas makita. Sigurado akong maalala ko siya nang matagal.
'Yung best friend ko, fan na fan ng "Pangako Sa'Yo." Walang halong biro. Umuuwi siya nang maaga para lang maabutan. Minsan sa mga kuwentuhan ng ibang grupo ng mga kaibigan, napag-uusapan pa namin 'yung mga pangalan ng mga characters. Kakaiba naman talaga kasi. Minsan, sabi ng pinsan ko, may nakausap siyang taga-Malaysia na naghahanap ng VCD set ng "Pangako Sa'Yo." Hindi daw niya alam na 400+ episodes 'yung series. Sana, kahit papaano, nakabawi naman sa hirap at pagod mo ang mga kuwentong ito.
Tumatak sa isip ko kasi 'yung sinulat mo tungkol sa mga trials mo at sa kaibigan mong si Arah. 'Di ko halos maisip pero napag-bonding-an namin ng isang kaibigan (na literature major kaya medyo elitista din) ang "Kay Tagal..." Patapos na 'yung series nang malaman naming pareho pala kaming nanonood n'yon. Sinabi niya, nito lang, na halos tuwing natatapos niya itong panoorin noon ay naglilista siya ng mga linya. Nakuwento ko kasi sa kanya na sobrang nagandahan ako sa isang simpleng tula galing sa "Kay Tagal." (Kinopya ko pa at ishinare sa kanya). Wala na sigurong sasarap pa sa isang writer na malaman niyang ninanamnam ang bawat salitang naggaling sa kanya.
Saludo ako sa 'yo, at sa mga nagsulat at nagsusulat ng teleserye na katulad mo, dahil napakahirap na trabaho ang magbuo ng kuwento at tauhan na bumibilang ng buwan o taon.
Kasalo namin sa hapunan ang mga teleserye, kaya siguro kahit hindi namin sinasadya ay nagiging bahagi na sila ng buhay sa bahay. Ito na 'yung alon ng bato na sinasabi ng kaibigan ko. Kaya lito ka man sa buhay mo ngayon, habang pinagsasabay mo ang pag-aaral at paglipat ng propesyon, habang iniisip mo kung tatanggap ka pa ba ng alok na magsulat, nakagawa na ng alon ang batong tinapon mo. At maaaring tuloy-tuloy pa rin ito. Galingan mo lang ang bawat sining na pinahihiram ng Diyos sa iyo.
Good luck sa iyo!
No comments:
Post a Comment