Bigla ko lang na-realize. Nag-5 years na pala ang blog ko last September 29 pero di ko man lang naalala. Di biro ang 5 years ah! Kung anak mo yan, nasa kinder na! (Parang nasabi ko na 'to dati. Haha! :D) Well, siguro naman mapapatawad ako ng "anak" ko na nakalimutan ko ang birthday niya kasi naglilipat kami. Yep, we just transferred to a new and better place. Kapagod siya pero ngayon, okay na ko. :) Kurtina at study chair na lang ang kulang sa kuwarto ko.
Hmmm...gumawa pa ko ng excuses sa "anak" ko (Para naman akong baliw dito! Haha!) pero hindi rin eh. May nadiscover lang talaga akong something sakin ngayon. Hindi ko alam kung lahat ng tumatanda ay nagiging ganto pero naging less na ang attachment ko sa mga bagay bagay. Ayoko namang sabihing jaded kasi ang pangit naman nun. Baka more of, masyado nakong madaling maka-move on. Nasabi ko 'to kasi di nako masyadong nagba-blog tungkol sa buhay ko. I find them trivial na! (As if naman di trivial ang mga reality show blog entries ko di ba! Haha!) The last time we transferred to another place, naka dalawang blog entries pako! With matching pictures pa 'yun ha! Ngayon parang di nako naexcite to share it to the world. Nasanay na siguro o baka di nako KSP (Huwaaaat! :D). Isa pa, never akong naging emo sa paglilipat. Para lang akong nagbihis, yun ba yun? Actually tatlo naman kami nina Bing at ni Michiko na ganon. Tuloy parang naisip ko, ano ba to, ang bato natin! Haha! Si Rose kasi mga ilang araw nag-emo about it! May mahabang blog entry pa siya sa secret blog niya tungkol dito! Sabagay ako naman, sanay na rin akong paiba-iba ng house. Nung nakatira pako sa hometown ko, naka 3 lipat kami ng bahay. Nung high school, dahil college dorm ako nakatira, paiba-iba ako ng roommates per sem. Nung college, ganon din. In fact, di nako nag-bother makipag-kaibigan sa mga roommates ko dahil pang isang semester lang naman ang relasyon namin. Pwedeng it's a UP thing pero pwede ring iniwasan ko lang ma-attach. Naalala ko kasi nasasaktan ako nung high school tuwing nagpapaalam sa mga roommates every sembreak.
A few days after naming lumipat, bumalik ako sa old apartment para kunin ang iba pang naiwang bagay. Di ko alam kasi walang logic at wala namang planting kagaya nang sa mga pelikula pero bigla na lang akong nalungkot!? Bigla kong na-realize, mahal ko talaga ang dating village namin!? Tapos hayun, tuloy tuloy na hanggang sa pagligpit ko ng mga gamit. Binasa ko yung mga dating Hallmark cards na pinadala sakin ng mga high school friends ko (balak ko na kasing iwan dun kasi di nga ako emo di ba, haha!) pero hala, bigla akong na-overwhelm with emotions. . Right there and then bigla akong napa-text sa iba kong friends thanking them for their friendship. (Sorry Sands if you feel weirded out, haha! Your cards and Janette's really stood out for being so personal and heartfelt. Awwww!:D) Nung natapos nako at paalis ng old apartment, hayun may moment na ko na pang-sine. Mga lingering looks! Haha. Late na tuloy ako nakauwi sa bagong bahay. Eh ang Michiko, tinanong ba naman agad ako pagdating ko at ang sabi, "Nag-emo ka noh?!" Hayuuup! :)
Nakauwi ako sa bagong bahay ng gabi na. Unang tanong ni Mich, "Nag-emo ka noh?!" Hayuuup!
Tama si Rose e. Kaya siguro attached kami sa place na 'yun kasi UP siya eh. And saying goodbye to that place means saying goodbye na rin to UP, my home for the past 12 years and a major influence talaga in my life. (Pero sa UP ko rin natutunan 'wag maging emo eh kaya napaka-contradicting ng buhay). More than that, attached din ako siguro dun kasi first apartment ko yun e. First time kong walang roommate ever nung tumira ako dun kaya trivial man pero that's something you know, your first private space. (Since birth palagi akong may kasama sa kwarto. Ganto kasi yun, first 12 years of my life, kasama ko parents ko sa room kasi mahirap lang kami. Next 12 years after that, dormer/boarder ako kaya palaging may roommates. Although contradicting din kasi dahil diyan, nasanay nako na may kasama talaga kaya never kong naging plan na mag solo sa isang studio unit or wherever.) Of course, I worked hard just to achieve that goal of having my very own private space. Sandali, mahaba nang entry. Pagod nakong mag-reflect. Haha.
Siyempre I will not miss my housemates kasi kasama ko pa rin sila ngayon dito. At kahit na naguusap kami dito most of the time through YM even if we live under one roof, ibang comfort and security pa rin ang nafi-feel ko when I'm with them. Ya, kahit na mga love-fool pareho ang mga Midnight DJ writers, I still wouldn't ask for anyone to be my housemates but them.
Naku, nag-blog na pala ko tungkol sa sarili ko. Ngek!
No comments:
Post a Comment