September 18, 2008

Yearbook!

Me nag-scan ng high school yearbook namin at kumusta naman ako dito? Hahahaha!



Buti pa sa high school may yearbook. Magti-ten years na mula graduation pero wala pa rin ang yearbook namin sa UP CMC. Tinakot pa kaming di makapag-march pag di magbibigay ng pera. Tapos ngayon, ewan ko kung ano nang nangyari sa pera namin! Ninakaw na yata. Ang nakakalungkot, wala man lang kaming ginawa. Dapat may kaso na e. 'Wag nang pagtakpan ang mga kaibigan! Naloko tayo eh! Hindi na tungkol sa pera 'to e. Prinsipyo nang ipinaglalaban dito! Sa mga mahilig sa Hallmark, isipin n'yo na lang, di mababayaran ng pera ang college memories. Haha! Bigla akong nagkahigh-blood. Tsk...

No comments: