July 24, 2008

Pangako Sa 'Yo!

La lang. Reminiscing mode lang. Nung pauwi kasi kami galing school last Tuesday, bigla lang naming napag-usapan ni Dado 'yung time ng Pangako. Andami rin palang masasayang alaala sa soap na 'yun, mga nakakatawang pangyayari behind the scenes. Di ko naman talaga makakalimutan ang Pangako kasi first writing job, actually first job ko siya sa TV. Kaya lang, aminin na natin, 2 years rin akong nawalan ng social life starting when I was 20 years old dahil sa show na 'yun kaya nung natapos ang soap, medyo isinuka ko muna siya. Looking back, it wasn't that bad naman pala. Na-realized namin ni Dado na brainstorming for a soap then was FUN! We were excited to create larger than life characters and stories. We laughed a lot... oh well halata naman sa pangalan pa lang ng mga naiisip naming characters sa show (e.g. Elektrika Powers, Felicity Banks, etc. LOL!:D) na nag-eenjoy kami! Actually, me sense of humor ang show na feeling ko wala sa mga soaps ng ABS ngayon. Everyone's just taking everything seriously these days. Soap writing isn't fun anymore. Oh well, ibang era rin naman talaga ang Pangako. Di pa ganon kahigpit ang labanan sa ratings nun.

In fairness, anglakas din ng impact ng Pangako even after the show ended! Sa maniwala man kayo o hindi, nakatanggap kami ng fan email ni Michiko from Zambia. Nawindang ako dun! :D Tapos me nakilala rin akong sobrang fan ng show na nung nalaman ang apelyido ko, alam niya agad na isa ako sa mga writers ng Pangako. As in, memorized niya pangalan ng buong creative team ng Pangako at alam niyang ginamit namin ang surnames namin sa characters ng show! Ganun! :) Ah ito pa! Nung nag-shoot kami sa Singapore ng All My Life, grabeng laking gulat nung hotel receptionist nang makita si Kristine Hermosa. Si Yna raw! Nalaman na lang namin na umuwi agad siya ng Malaysia para dalhin ang nanay niya sa Singapore at makita si Yna. Chinika pa kami ni Miss Elma. Curious siya kung anong nangyari kay Beabianca Bejerano. Hahahaha! (I think I blogged about this incident in 2004. :D)

So anyway, pagkatapos nung MMK mode namin ni Dado sa show, di ko mapigilang halungkatin sa baul 'yung Pangako VCD na ginawa ni Direk Trina. Binigay niya samin 'to after the show ended. Isa s'yang remembrance video para saming lahat. Share ko sa inyo...:)



Part 1



Part 2



Part 3



Part 4



Part 5

BTW, namimiss ko lang ang Pangako pero di ibig sabihin nun na gusto kong magsulat ulit ng soap. Hehe. :D

No comments: