Grabe, nadepressed ako. Galing ako sa wake kanina ni Manong sa ABS. Di ko mapigilang maiyak. The last time I saw him, he was just full of life. Rumaket ako nun as crowd director ng Supahpapalicious and in between takes, chika lang kami ng chika. I can still remember the warmness of his embrace nung nag-babay nako dahil tapos na ang work ko sa movie. Di ko inakalang last babay na pala namin 'yun. :(
Regret ko lang, di ko man lang nakatrabaho si Manong sa isang kompletong proyekto. Nung CA pa kasi ako, nakaka-work ko lang siya pag 'yung assigned CA sa movies n'ya ay absent. Sa kanya rin ako dapat unang magi-AD sa full-length movie. Nakapag-shoot na nga kami ng ilang araw kaya lang, for some reason I can't disclose, na-shelved ang project. Pero lam n'yo, kahit na nakatrabaho ko lang siya sa maikling panahon, tumatak talaga sa isip ko ang pagiging humble n'ya. Actually, 'yun talaga ang hinahangaan ko sa kanya and I can attest to it, pero ayoko nang ikwento kung bakit.
Thanks for everything Manong! Godspeed and I'll miss you...
In a way tama si MLDA eh. No work is worth dying for! Kesehodang you're working for ambition or you're working for money, it's still not worth dying for! Sa mga kaibigan ko sa trabaho, please lang, alagaan n'yo ang sarili n'yo ha. At please, sabihan n'yo rin ako pag alam n'yong sumusubra na ang stress level ko sa work. Magsuportahan tayo.
No comments:
Post a Comment