July 28, 2008

Costume Party!

Had fun dressing up (but not so with designing, haha!) in Crisi Silva's Production Design class last Saturday! They say a picture paints a thousand words so feel free to add captions! :)


Nick Olanka as the Devil
Concept by: Raymond Diamzon


Arah Badayos as Taong Grasa
Concept by: Newt Gonzaga


Yours truly as a Popstar Musician
Concept by Henry Quitain


Henry Quitain as a Dying Old Man
Concept by yours truly

Vivian Velez-Groskopf as Headmistress
Concept by Dado Lumibao

More pictures in My Multiply!

July 26, 2008

Cinemalaya 2008 goes to UP!

Sa mga nalalayuan sa CCP, pupunta ang Cinemalaya sa UP Cine Adarna. Suporta tayo!

Ang mga napanood ko na...


Ang galing ni Baron! Ang galing ni Pasion! Ang galing ng Jay! Jury had it right!
Screenings - July 29, Tuesday, 5pm & Aug 6, Wednesday, 7:30 pm


Pinaka-favorite ko this year! Pareho kami ng taste ng jury, huh! Haha! :D
Screening - August 5, Tuesday, 5pm


Very heartwarming! It's the ultimate Indie chick flick! :)
Screening - July 31, Thursday, 5pm



Funny Mailes Kanapi! I love Jonathan Neri! Martin dela Paz is promising! :)
Screening - July 31, Thursday, 7:30 pm



Kilig romantic comedy indie style! Namets kaayo lantawon! :)
Screening - July 30, Wednesday, 7:30pm


Lyrical and reflective! Very technically polished!
Screening - July 28, Monday, 7:30 pm

I'm looking forward to see Boses and Brutus. Sana wala akong trabaho sa screenings nila. :) Go Cinemalaya!

ETA: Salamat kay Newt sa camera at kay Mark sa pagkuha ng letrato. HAHAHAHAHA!

July 25, 2008

I Love Eugene!

Para sakin, siya ang pinaka-funny na comedienne sa Pinas. She owned D' Lucky Ones. She stole the limelight from the teens in Pisay. She was sooo good in 100. Heck, kahit TV lang, di niya binabasta-basta ang pagpapatawa as evidenced by this clip. Nakakatawa talaga, promise! :)

Somebody give Eugene her own sitcom or better, her solo movie already! :)


Who's Gonna Save My Soul?

Para sa mga pusong sawi! :) Parental guidance pala 'to.



Click HERE if the You Tube video does not play.

July 24, 2008

Pangako Sa 'Yo!

La lang. Reminiscing mode lang. Nung pauwi kasi kami galing school last Tuesday, bigla lang naming napag-usapan ni Dado 'yung time ng Pangako. Andami rin palang masasayang alaala sa soap na 'yun, mga nakakatawang pangyayari behind the scenes. Di ko naman talaga makakalimutan ang Pangako kasi first writing job, actually first job ko siya sa TV. Kaya lang, aminin na natin, 2 years rin akong nawalan ng social life starting when I was 20 years old dahil sa show na 'yun kaya nung natapos ang soap, medyo isinuka ko muna siya. Looking back, it wasn't that bad naman pala. Na-realized namin ni Dado na brainstorming for a soap then was FUN! We were excited to create larger than life characters and stories. We laughed a lot... oh well halata naman sa pangalan pa lang ng mga naiisip naming characters sa show (e.g. Elektrika Powers, Felicity Banks, etc. LOL!:D) na nag-eenjoy kami! Actually, me sense of humor ang show na feeling ko wala sa mga soaps ng ABS ngayon. Everyone's just taking everything seriously these days. Soap writing isn't fun anymore. Oh well, ibang era rin naman talaga ang Pangako. Di pa ganon kahigpit ang labanan sa ratings nun.

In fairness, anglakas din ng impact ng Pangako even after the show ended! Sa maniwala man kayo o hindi, nakatanggap kami ng fan email ni Michiko from Zambia. Nawindang ako dun! :D Tapos me nakilala rin akong sobrang fan ng show na nung nalaman ang apelyido ko, alam niya agad na isa ako sa mga writers ng Pangako. As in, memorized niya pangalan ng buong creative team ng Pangako at alam niyang ginamit namin ang surnames namin sa characters ng show! Ganun! :) Ah ito pa! Nung nag-shoot kami sa Singapore ng All My Life, grabeng laking gulat nung hotel receptionist nang makita si Kristine Hermosa. Si Yna raw! Nalaman na lang namin na umuwi agad siya ng Malaysia para dalhin ang nanay niya sa Singapore at makita si Yna. Chinika pa kami ni Miss Elma. Curious siya kung anong nangyari kay Beabianca Bejerano. Hahahaha! (I think I blogged about this incident in 2004. :D)

So anyway, pagkatapos nung MMK mode namin ni Dado sa show, di ko mapigilang halungkatin sa baul 'yung Pangako VCD na ginawa ni Direk Trina. Binigay niya samin 'to after the show ended. Isa s'yang remembrance video para saming lahat. Share ko sa inyo...:)



Part 1



Part 2



Part 3



Part 4



Part 5

BTW, namimiss ko lang ang Pangako pero di ibig sabihin nun na gusto kong magsulat ulit ng soap. Hehe. :D

July 22, 2008

Bye, Manong!

Grabe, nadepressed ako. Galing ako sa wake kanina ni Manong sa ABS. Di ko mapigilang maiyak. The last time I saw him, he was just full of life. Rumaket ako nun as crowd director ng Supahpapalicious and in between takes, chika lang kami ng chika. I can still remember the warmness of his embrace nung nag-babay nako dahil tapos na ang work ko sa movie. Di ko inakalang last babay na pala namin 'yun. :(

Regret ko lang, di ko man lang nakatrabaho si Manong sa isang kompletong proyekto. Nung CA pa kasi ako, nakaka-work ko lang siya pag 'yung assigned CA sa movies n'ya ay absent. Sa kanya rin ako dapat unang magi-AD sa full-length movie. Nakapag-shoot na nga kami ng ilang araw kaya lang, for some reason I can't disclose, na-shelved ang project. Pero lam n'yo, kahit na nakatrabaho ko lang siya sa maikling panahon, tumatak talaga sa isip ko ang pagiging humble n'ya. Actually, 'yun talaga ang hinahangaan ko sa kanya and I can attest to it, pero ayoko nang ikwento kung bakit.

Thanks for everything Manong! Godspeed and I'll miss you...

In a way tama si MLDA eh. No work is worth dying for! Kesehodang you're working for ambition or you're working for money, it's still not worth dying for! Sa mga kaibigan ko sa trabaho, please lang, alagaan n'yo ang sarili n'yo ha. At please, sabihan n'yo rin ako pag alam n'yong sumusubra na ang stress level ko sa work. Magsuportahan tayo.

July 19, 2008

Astig!

Ang astig ng konsepto! Shet fan talaga ako! From Yahoo, "See what happened when Weezer asked hundreds of fans to join in on a jam."


Their latest single Pork and Beans



Their cover of Radioheads "Creep"



My all-time favorite Island In The Sun



Para sa 'yo to Michiko! El Scorcho! :)

Sayang di nila tinugtog 'yung isa ko pang favorite, 'yung Pink Triangle.

ETA: Speaking of astig, kanina ko lang napanood ang Confessional ni Jerrold Tarog. Bilat sa kakay! Pagka-tsadaa kaayong salidaa uy! Lantawa gyud ninyo, bai! :)

July 13, 2008

It's confirmed!

Gorgoro started the gossip in his blog a few days ago and now it's confirmed by Philippine Star. THE ERASERHEADS WILL HAVE A REUNION CONCERT ON AUGUST 30!!!! Di ba, tangina?! :D

Kitakits!