1. Student number? 96-44603
2. College? College of Mass Communication, UP-Diliman
3. Ano ang course mo [What did you major in]? Broadcast Communication
4. Nag-shift ka ba o na-kick out [Did you shift majors/courses or were you a kicked out of your College]? Hindi. Broadcomm mula 1st year.
5. Saan ka kumuha ng UPCAT [Where did you take your entrance examination]? Silliman University, Dumaguete City
6. Favorite GE subject [General Education classes]? Humanities 1
7. Favorite PE? Cheerleading! (U-nibersidad ng Pilipinas! U..! :D)
8. Saan ka nag-aabang ng hot guys/girls sa UP [Where do you hang out to check out the hot babes/dudes]? Hindi ako malandi nung college.
9. Favorite prof(s) [Favorite Professors]? Si Prof. Tess ng Humanities 1, Si Mademoiselle Ventanilla ng French 10, s i Sir John ng Comm 130 at si Ma'am Betsy (UP Vice Chancellor na ngayon) ng BC 185, 199 and 200.
10. Pinaka-ayaw na GE subject [Least favorite General Education class]? Nat Sci 1 and 2
11. Kumuha ka ba ng Saturday classes [Did you sign up for Saturday classes]? Yep!
12. Nakapag-field trip ka ba [Did you join any field trips]? Yep. Sa PTV 4. Hehe.
13. Naging CS ka na ba or US sa UP [Were you ever a College Scholar and or a University Scholar]? CS all throughout except for sophomore year 1st sem. US kasi ako. (Haha! Yabang! :D)
14. Ano ang org, frat/soro mo [What organization, fraternity/sorority did you join]? - UP Mass Communicators Organization, UP Broadcaster's Guild, UP Daruma
15. Dorm, boarding house, o bahay [Did you stay at a dorm, boarding house, or did you live at home during college]? Kalayaan sa first year ("Minsan sa may Kalayaan, tayo'y nagkatagpuan...") at Yakal mula second year to fourth year. Pero nakapag-boarding house ako ng isang buwan sa Hardin ng Bouganvilla nung simula ng second year. Saya! :)
16. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun [If you had your way, what was your dream course/major]? - More of kung me pera. Siguro BA Film and Audio Visual Communication ang kinuha ko.
17. Sino-sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP [Who did you first meet in UP]? Siyempre 'yung mga high school classmates (Sanda, Yolanda, Fritz, Hope) at elementary classmate (Honey) ko. Kasama na rin dun 'yung mga na-meet ko na nung high school from other schools (Marlon and Jowil). Pero kung hindi sila isasama, ang una kong nakilala sa dorm ay ang roommate ko siyempre, si Raymund. Sa block naman, una kong nakilala ang aking fellow bisdak, si Sheila. :)
18. First play na napanood mo sa UP? Nakalimutan ko na ang title. Hehe. Basta it starred a dormmate. English play siya tungkol sa sexual harrassment. :P
19. Saan ka madalas mag-lunch? Nung first year, sa Kalayaan lang. Succeeding years sa canteen ng Masscomm, sa Lutong Bahay, sa Rodics, sa Beach House, sa Jollibee Philcoa, sa McDo Philcoa at pag walang pera, sa AristoCART. Hehehe :)
20. Masaya ba sa UP? Masaya na nakaka-pressure. :)
21 . Nakasama ka na ba sa rally? Anti-Budget Cut Rally at Justice for Nino Calinao Rally. (Makibaka! Wag matakot! :D)
22. Ilang beses ka bumoto sa Student Council? Basta bumoto ako sa lahat ng eleksyon. :)
23. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka? Hindi. Kaso wala akong magagawa e. Hahaha!
24. Kung di ka UP, anong school ka? Honestly, UPCAT lang ang college entrance exams na kinuha ko. Ganun ako ka-confident! (Yabang! Hahaha!)
25. Have you ever made out in the Sunken Garden? Lagoon? Nope.
No comments:
Post a Comment